Sue Ramirez, nagpasalamat sa mga nag-donate ng dugo para sa kanyang ina

Sue Ramirez, nagpasalamat sa mga nag-donate ng dugo para sa kanyang ina

  • Nagpaabot ng pasasalamat si Sue Ramirez sa lahat ng mga tumugon sa kanyang panawagan para sa blood donation
  • Nakatakdang isagawa ang "open heart surgery" ng kanyang ina na si Chit Dodd ngayong January 7
  • Ayon sa aktres, hindi sapat ang mga salita para maipahayag kung gaano sila nagpapasalamat sa generosidad ng mga taong nag-abot ng tulong.
  • Muling humihingi si Sue ng panalangin para maging matagumpay ang nakatakdang operasyon.

Matapos ang kanyang urgent na panawagan kamakailan, muling nag-update ang aktres na si Sue Ramirez sa Instagram tungkol sa kalagayan ng kanyang ina na si Chit Dodd. Punong-puno ng emosyon at pasasalamat ang mensahe ni Sue para sa mga taong hindi nag-atubiling tumulong sa kanilang pamilya.

Sue Ramirez, nagpasalamat sa mga nag-donate ng dugo para sa kanyang ina
Sue Ramirez, nagpasalamat sa mga nag-donate ng dugo para sa kanyang ina (@sueannadoodles)
Source: Instagram
"Words cannot fully express how grateful we are to everyone who offered and donated blood for her," pahayag ni Sue.

Matatandaang noong nakaraang mga araw ay nakiusap ang aktres para sa blood types na B+, B-, O+, at O- na kinakailangan para sa operasyon ng kanyang ina.

Read also

Rochelle Pangilinan, may babala tungkol sa 'Get, Get Aw' concert tickets

Ayon sa kanya, ang ipinakitang kabutihan at pagmamahal ng publiko ay "mean more to us than you know."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakatakdang sumailalim sa "open heart surgery" si Mommy Chit ngayong araw. Dahil dito, muling lumapit si Sue sa kanyang mga followers para sa "prayers for our mom’s successful surgery." Hangad ng aktres na bumalik nang sampung beses ang kabutihang ipinamalas ng mga tao sa kanilang pamilya.

"Thank you from the bottom of our hearts," pagtatapos ni Sue sa kanyang post na may kasamang prayer at yellow heart emojis.

Sa kabila ng mabigat na pagsubok, ramdam ang tatag at pag-asa ni Sue dahil sa suportang natatanggap nila mula sa mga kaibigan, fans, at pati na rin sa mga hindi nila kakilala na nag-alay ng tulong.

Sue Ramirez, nagpasalamat sa mga nag-donate ng dugo para sa kanyang ina
Screenshot mula sa Instagram ni @sueannadoodles
Source: Instagram

Si Sue Ramirez ay isang kilalang Filipina actress at singer. Pumasok siya sa showbiz noong 2010 nang masali siya sa Star Magic, at agad naman na nagtamo ng mga supporting roles sa palabas gaya ng Mula sa Puso, Angelito: Batang Ama, Annaliza, at Dolce Amore. Sa paglipas ng panahon, naging lead actress si Sue at umangat sa local show business. Naging pangunahing kontrabida pa nga si Sue sa The Broken Marriage Vow kung saan nakatanggap siya ng labis na papuri mula sa mga viewers dahil sa kanyang nakakabilib at mahusay na pagganap bilang si Lexy Lucero.

Read also

Iya Villania, nagbalik-tanaw sa mga milestone ng pamilya Arellano nung 2025

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong August 2025 ay labis na nagpakilig si Sue Ramirez dahil sa kanyang panibagong post. Muli kasing nag-travel si Sue kasama ang kanyang nobyo na si Dominic Roque. Sa Instagram page niya, ipinasilip ni Sue ang sweetness at pagiging cozy nila ni Dominic. Ngunit ang nagpa-viral sa picture ay ang palitan nila tungkol sa pagiging "swerte."

Samantalang noong July 2025 ay nag-viral si Sue Ramirez dahil sa kanyang posts. Sa Threads, ibinunyag ni Sue ang mga "habits" na kanya nang binitawan na for good. Aniya pa nga ng aktres, akala niya noon ay mahihirapan siyang tanggalin ang mga ito. Gayunpaman, nagawa niya ito, at marami ang talagang bumilib sa kanyang determinasyon kung kaya't siya ay labis na pinuri.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco