Rochelle Pangilinan, may babala tungkol sa 'Get, Get Aw' concert tickets

Rochelle Pangilinan, may babala tungkol sa 'Get, Get Aw' concert tickets

  • Naglabas ng mahalagang paalala si Rochelle Pangilinan para sa mga fans na nagnanais bumili ng tickets para sa "rAWnd 3" ng SexBomb concert
  • Binigyang-diin ng aktres na hindi pa sold out ang mga tickets nila at siya ay nakiusap din na dagdagan ang pasensya sa pagbili ng mga tickets
  • Nagbabala rin siya laban sa mga scammers na posibleng samantalahin ang pagkakataon
  • Bukod pa rito ay diretsahan din niyang sinagot ang mga katanungan tungkol sa pangarap na makapag-perform sa Philippine Arena sa Bulacan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Habang papalapit na ang inaabangang 'rAWnd 3' ng SexBomb Girls na may titulong 'Get, Get Aw,' naging active si Rochelle Pangilinan sa pagbibigay ng updates at babala sa kanyang mga followers sa Instagram.

Rochelle Pangilinan, may babala tungkol sa 'Get, Get Aw' concert tickets
Rochelle Pangilinan, may babala tungkol sa 'Get, Get Aw' concert tickets (@rochellepangilinan)
Source: Instagram

Dahil sa dagsa ng mga nagnanais makakuha ng tickets, minabuti ni Rochelle na linawin ang estado nito online.

"Naku naku! Habaan nyo po ang inyong pasensya... Hindi pa po soldout ha," pahayag ni Rochelle sa kanyang Instagram story.

Read also

Iya Villania, nagbalik-tanaw sa mga milestone ng pamilya Arellano nung 2025

Rochelle Pangilinan, may babala tungkol sa 'Get, Get Aw' concert tickets
Screenshot mula sa Instagram ni @rochellepangilinan
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang mensaheng ito ay para pakalmahin ang mga fans na natatakot na maubusan ng slot para sa kanilang concert. Kasabay nito, isang seryosong babala ang ipinost ng aktres para hindi mabiktima ang kanyang mga tagahanga ng mga scammers.

"Ingat sa mga manloloko ha! Wag kayong magpaloko please," babala niya, lalo na't madalas magkaroon ng pekeng bentahan kapag may mga ganitong malalaking event.
Rochelle Pangilinan, may babala tungkol sa 'Get, Get Aw' concert tickets
Screenshot mula sa Instagram ni @rochellepangilinan
Source: Instagram

Sa isa pang post, naging tapat din si Rochelle sa pagsagot sa mga nagtatanong kung bakit hindi sa Philippine Arena gaganapin ang kanilang selebrasyon. Ayon sa kanya, bagama't pangarap nila ito, hindi pa ito ang tamang oras para sa grupo.

"Pasensya na sa mga nagtatanong... pangarapin man nating mag Philippine Arena.. pero ang kapalaran ay hindi sumasangayon sa SexBomb girls," paliwanag niya. Sa kabila nito, dama pa rin ang excitement ng fans na muling mapanood ang iconic group sa entablado.
Rochelle Pangilinan, may babala tungkol sa 'Get, Get Aw' concert tickets
Screenshot mula sa Instagram ni @rochellepangilinan
Source: Instagram

Si Rochelle Pangilinan ay isang kilalang Filipina dancer at aktres na unang sumikat bilang founding member at dating leader ng SexBomb Dancers, isa sa pinakasikat na dance groups sa bansa noong early 2000s. Dahil sa kanyang husay sa pagsayaw at malakas na stage presence, naging isa siya sa mga pinaka-recognizable na personalidad sa entertainment industry. Lumawak pa ang kanyang karera nang mapasama siya sa SexBomb Girls bilang recording artist, at nagkaroon sila ng mga hit songs at TV shows. Kalaunan, pumasok siya sa pag-arte at napanood sa iba’t ibang teleserye at drama anthologies, kung saan napatunayan niya ang kanyang versatility bilang performer. Sa personal na buhay, mas lalong minahal ng publiko si Rochelle nang ibahagi niya ang kanyang journey bilang asawa at ina. Ikinasal siya sa aktor at dancer na si Arthur Solinap noong 2017, at biniyayaan sila ng isang anak na babae na si Shiloh Jayne.

Read also

Rochelle Pangilinan, emosyonal sa kick-off party kasama ang fans: "Napaiyak niyo ko!"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-host si Rochelle Pangilinan ng isang masayang kick-off party para sa kanyang mga tagahanga. Pinasalamatan ng aktres ang kanyang mga fans na kasama na niya mula noong siya ay nagsisimula pa lamang. Inamin ni Rochelle na naging emosyonal siya at napaiyak dahil sa napakagandang mensahe at sorpresang inihanda para sa kanya.

Samantalang noong 2025 ay ipinagdiwang ni Rochelle Pangilinan ang Pasko nang "simple pero puno ng pasasalamat" kasama ang asawang si Arthur Solinap at anak na si Shiloh. Binigyang-diin ng dancer-actress na hindi kailangang maging "bongga" ang selebrasyon basta't kumpleto ang pagmamahal. Tampok sa kanilang pagdiriwang ang tawanan, kwentuhan, dasal, at kaunting sayawan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco