Iya Villania, nagbalik-tanaw sa mga milestone ng pamilya Arellano nung 2025

Iya Villania, nagbalik-tanaw sa mga milestone ng pamilya Arellano nung 2025

  • Sinalubong ni Iya Villania ang 2026 sa pamamagitan ng isang video montage ng kanilang mga "milestones" noong 2025
  • Kabilang sa mga highlight ang pagsilang ng kanilang ika-limang baby na si Anya Love
  • Ipinagdiwang din niya ang mga "firsts" ng kanyang mga anak sa naturang viral na post
  • Nagpasalamat din ang host sa taong 2025 at nangakong mas aalagaan ang sarili para sa kanyang pamilya ngayong 2026

Punong-puno ng pasasalamat at saya ang naging recap ng TV host na si Iya Villania-Arellano para sa taong 2025. Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Iya ang makulay at busy na buhay ng kanilang lumalaking pamilya, na tinawag niyang "amazing" dahil sa dami ng mga biyaya at bagong karanasan nila noong 2025.

Iya Villania, nagbalik-tanaw sa mga milestone ng pamilya Arellano nung 2025
Iya Villania, nagbalik-tanaw sa mga milestone ng pamilya Arellano nung 2025 (@iyavillania)
Source: Instagram
"Wow, 2025. So many milestones!" ang masayang bungad ni Iya. Isa sa pinakamalaking balita para sa pamilya Arellano noong 2025 ay ang pagdating ng kanilang "5th baby" na si Anya Love Arellano.

Read also

Rochelle Pangilinan, emosyonal sa kick-off party kasama ang fans: "Napaiyak niyo ko!"

Ibinahagi rin ni Iya ang mga nakaka-proud na sandali para sa kanyang mga anak, tulad ni Primo na nakatapos naman ng kanyang unang 5km run sa Sydney at ang "first catch" nito sa pangingisda.

Hindi rin nagpahuli ang ibang mga anak nina Iya at Drew Arellano dahil natuto na rin daw lumangoy si Alana nang walang floaters, habang si Astro naman ay nagsimula nang matutong mag-ride ng go kart.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa huli, nag-alay si Iya ng isang panalangin para sa 2026, bagay na nagpaantig sa puso ng kanyang fans.

"Lord, forever lifting this life and family up to you! Help me to better care for myself this 2026 so that I can better serve you in this home, gym, church, and in every work place you send me," pahayag ng aktres.

Tunay na isang inspirasyon ang pamilya Arellano sa kanilang pagpapahalaga sa bawat sandali ng kanilang buhay.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Iya Villania ay isang Filipina TV host, actress, singer, at model. Nagsimula ang kanyang karera sa telebisyon noong 2003 sa interactive program na Game Channel. Pagkatapos nito, lumabas siya sa daytime drama ng GMA Network na Walang Hanggan at Click. Noong 2004, lumipat siya sa ABS-CBN, kung saan naging VJ siya ng MYX at lumabas sa mga palabas tulad ng ASAP at Wowowee. Noong 2014, bumalik si Iya sa GMA Network. Sa personal naman niyang buhay, siya ay kasal kay Drew Arellano at may lima silang anak na sina Primo, Leon, Alana, Astro, at Anya.

Read also

Claudine Barretto, humihingi ng dasal para sa anak niyang si Santino

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong November 2025 ay isinama ni Iya Villania ang mga yaya ng kanyang mga anak sa isang trip sa Disneyland. Ibinahagi ni Iya na matagal na niyang pangarap na maisama ang mga yaya sa kanilang trip. Ang pagpapasama niya sa mga yaya ay nagpapakita ng pagkilala at pagmamahal sa mga ito bilang bahagi ng kanilang pamilya.

Samantalang noong September 2025 ay ibinahagi ni Iya Villania na ibinebenta na nila ang kanilang Sydney apartment. Aniya Iya, isa itong 2-bedroom at 2-bathroom unit na nasa magadang lokasyon. Bukod sa balitang ito, ibinahagi rin ni Iya ang "reason for selling" nila sa unit. Dahil dito, umani naman ng ilang papuri ang celebrity mom sa social media app.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco