Rochelle Pangilinan, emosyonal sa kick-off party kasama ang fans: "Napaiyak niyo ko!"
- Nag-host si Rochelle Pangilinan ng isang masayang kick-off party para sa kanyang mga tagahanga
- Pinasalamatan ng aktres ang kanyang mga fans na kasama na niya mula noong siya ay nagsisimula pa lamang
- Inamin ni Rochelle na naging emosyonal siya at napaiyak dahil sa napakagandang mensahe at sorpresang inihanda para sa kanya
- Binigyang-diin niya na hindi lang fans ang turing niya sa kanila kundi isang mahalagang parte ng kanyang naging journey sa showbiz
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Punong-puno ng tawanan, sayawan, at emosyon ang naging kick-off party ni Rochelle Pangilinan kasama ang kanyang mga tapat na fans na Rocaholics at Veelas. Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng SexBomb dancer ang kanyang pasasalamat sa walang sawang suporta ng mga taong nasa likod ng bawat milestone ng kanyang career.

Source: Instagram
"From the days na nagsisimula pa lang ako, hanggang sa lahat ng milestones ko ngayon — as a dancer and as an actress — nandiyan kayo," ani Rochelle sa kanyang caption.
Ayon sa kanya, itinuturing niyang parte ng kanyang buhay ang kanyang mga fans dahil kasama niya ang mga ito sa bawat pangarap, laban, at tagumpay.
Sa nasabing event, nagkaroon ng iba't ibang games, kantahan, at pati na rin ang pagpapakitang-gilas ng mga dancers na talagang kinagiliwan ni Rochelle.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ngunit ang pinaka-highlight ng gabi ay nang mapaiyak ang aktres dahil sa mga inihandang mensahe para sa kanya. "Last year hindi kayo nagtagumpay na paiyakin ako.. ngayon.. hmmm.." biro ni Rochelle habang pinasasalamatan ang mga taong nag-effort para sa nasabing selebrasyon.
Nagpaabot din siya ng espesyal na pasasalamat sa mga naging instrumento para maging matagumpay ang party at sinabing mahal na mahal niya ang kanyang mga tagahanga.
"Ang dami nating pinagsamahan, ang daming alaala, tawanan, at kwento. Hindi lang kayo fans — parte kayo ng journey ko," pagtatapos ng aktres.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Rochelle Pangilinan ay isang kilalang Filipina dancer at aktres na unang sumikat bilang founding member at dating leader ng SexBomb Dancers, isa sa pinakasikat na dance groups sa bansa noong early 2000s. Dahil sa kanyang husay sa pagsayaw at malakas na stage presence, naging isa siya sa mga pinaka-recognizable na personalidad sa entertainment industry. Lumawak pa ang kanyang karera nang mapasama siya sa SexBomb Girls bilang recording artist, at nagkaroon sila ng mga hit songs at TV shows. Kalaunan, pumasok siya sa pag-arte at napanood sa iba’t ibang teleserye at drama anthologies, kung saan napatunayan niya ang kanyang versatility bilang performer. Sa personal na buhay, mas lalong minahal ng publiko si Rochelle nang ibahagi niya ang kanyang journey bilang asawa at ina. Ikinasal siya sa aktor at dancer na si Arthur Solinap noong 2017, at biniyayaan sila ng isang anak na babae na si Shiloh Jayne.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay ipinagdiwang ni Rochelle Pangilinan ang Pasko nang "simple pero puno ng pasasalamat" kasama ang asawang si Arthur Solinap at anak na si Shiloh. Binigyang-diin ng dancer-actress na hindi kailangang maging "bongga" ang selebrasyon basta't kumpleto ang pagmamahal. Tampok sa kanilang pagdiriwang ang tawanan, kwentuhan, dasal, at kaunting sayawan.
Samantalang ay umapela si Rochelle Pangilinan sa publiko na igalang ang desisyon ng mga miyembro ng SexBomb na hindi nakasama sa reunion concert. Aniya, ang bawat miyembro ay may "valid na dahilan" upang hindi sumali sa concert. Hiniling niya na itigil ang bashing at pananakit sa salita laban sa mga hindi nakasama sa kanilang reunion concert noong 2025.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

