Priscilla Meirelles, handa na para sa bagong simula ngayong 2026: "Finally free"

Priscilla Meirelles, handa na para sa bagong simula ngayong 2026: "Finally free"

  • Nagbahagi si Priscilla Meirelles ng isang "self-love" post sa Instagram habang nagbabakasyon
  • Sa kanyang caption, sinabi niyang "malayo pa but malayo na" ang kanyang narating sa buhay
  • Inilarawan niya ang 2026 bilang taon para sa "new beginnings" at pag-iwan sa mga bagay na hindi na nakakatulong sa kanya
  • Maraming netizens, kabilang si Sunshine Cruz, ang nagpaabot ng suporta sa kanyang mensahe ng kalayaan at pagbabago

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sinalubong ng dating beauty queen na si Priscilla Meirelles ang taong 2026 nang may positibong pananaw at isang pusong puno ng pag-asa. Sa kanyang pinakabagong Instagram post, nag-share si Priscilla ng isang nakaka-inspire na larawan kung saan makikita siyang nakapikit habang nagre-relaxk sa sikat ng araw sa tabi ng dagat.

Priscilla Meirelles, handa na para sa bagong simula ngayong 2026: "Finally free"
Priscilla Meirelles, handa na para sa bagong simula ngayong 2026: "Finally free" (@primeirelles)
Source: Instagram
"Dear Pri, you made it! Malayo pa but malayo na," ang madamdaming bungad ni Priscilla sa kanyang sarili. Ayon sa kanya, tapos na ang "last stretch" ng kanyang mga pinagdaanan at oras na para harapin ang mga bagong kabanata ng kanyang buhay.

Read also

Hirit ni Vice Ganda sa aesthetic photos ni Nadine Lustre, viral online

Binigyang-diin ni Priscilla na ang 2026 ay tungkol sa "new beginnings" at ang matapang na pag-iwan sa mga bagay na "didn't serve you" na.

Dagdag pa niya, nakahanda na siyang tanggapin ang mga "significant change" para sa isang bagong buhay. "A brand new life and finally free!" masayang pagtatapos niya sa kanyang caption na sinamahan pa ng phoenix at sparkles emojis.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Agad namang umani ng positibong reaksyon ang post na ito, kabilang na ang isang like mula sa kanyang fellow celebrity momshie si Sunshine Cruz. Maraming fans ang humanga sa katatagan ni Priscilla at naki-celebrate sa kanyang deklarasyon ng kalayaan at bagong simula ngayong bagong taon.

Si Priscilla Meirelles ay isang Brazilian model at dating beauty queen. Siya ay nanalo bilang Miss Globe International 2003 at Miss Earth 2004 na ginanap sa Pilipinas noon. Matapos ang kanyang pagkapanalo sa Miss Earth, siya naman ay nanirahan na sa Pilipinas. Sa kanyang personal na buhay, ikinasal si Priscilla kay John Estrada noong 2011 sa San Fernando, La Union at sila ay nagkaroon ng isang anak na babae na si Samantha Anechka. Subalit, noong 2025, naging laman ng balita si Priscilla nang siya ay mag-open up sa hiwalayan nila ng aktor matapos ang 14 years.

Read also

Judy Ann Santos, 'surprised' sa mga biyayang natanggap ngayong 2025: "Thank you"

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong July 2025 ay naging usap-usapan kamakailan lang ang dating beauty queen na si Priscilla Meirelles. Ibinahagi kasi nito sa social media ang pagiging emosyonal niya sa pag-alis ng kanyang ina. Aniya Priscilla, "it is never easy" daw tuwing makikita niya ang kanyang mommy paalis. Gayunpaman, labis pa rin ang pagiging thankful ni Priscilla na nag-show up ang kanyang ina.

Samantalang noong March 2025 ay nagsalita si Priscilla Meirelles tungkol sa kanila ni John Estrada. Sa isang panayam sa kanya ni Boy Abunda sa 'Fast Talk' ng GMA Network, naitanong niya si Priscilla ukol dito. Nagpakatotoo si Priscilla at sinabing 'legally' daw ay kasal pa rin sila ni John. Nang matanong kung pinaglalaban pa niya ang kanilang relasyon, nagpakatotoo muli ang dating beauty queen.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco