Hirit ni Vice Ganda sa aesthetic photos ni Nadine Lustre, viral online
- Pinag-usapan sa social media ang nakakatawang comment ni Vice Ganda sa bagong Instagram post ni Nadine Lustre
- Nag-post kasi si Nadine ng mga aesthetic photos kung saan nakalutang siya sa tubig
- Biro ni Vice, kapag siya ang gumawa nito ay hindi ganoon kaganda ang kinalalabasan
- Umani ng libu-libong likes ang hirit na ito ng komedyante dahil sa pagiging makuwela nito
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Muling pinatunayan ni Vice Ganda na iba talaga ang pagiging witty niya matapos mag-comment sa viral na 'aesthetic' photos ni Nadine Lustre sa Instagram. Sa nasabing post, makikita kasi ang aktres na nakalutang sa tubig habang may mga dahon na nakatakip sa kanyang mata.

Source: Instagram
Dahil sa ganda at pagka-artsy ng mga litrato ni Nadine na may caption na "old energy [swirl emoji] new energy," hindi napigilan ng 'Unkabogable Star' na maglabas ng kanyang saloobin.
"Bakit nung sayo maganda??? Ginawa ko yan nagmukha akong t*e sa Ilog Pasig!!!!" biro ni Vice sa comment section. Ang hirit na ito ay agad na kinagigiliwan ng mga netizens at nakakuha na ng mahigit 3,600 likes sa loob lamang ng ilang oras.
Maraming fans ang sumang-ayon sa kwelang obserbasyon ni Vice, habang ang iba naman ay pinuri ang magandang samahan ng dalawa na kamakailan lang ay nagkasama sa pelikulang Call Me Mother.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kilala si Nadine sa kanyang husay sa pagkuha ng mga litrato na may kakaibang vibes, ngunit ayon nga kay Vice, tila may espesyal na talento ang aktres para maging "fashionable" kahit sa gitna ng tubig.
Sa comment section, maraming netizens din ang humanga sa pagiging 'aesthetic' ni Nadine.
"Yung nalulunod ka na pero aesthetic pa rin dapat, eme! HNY, mami!" aniya ng isang netizen, samantalang sabi naman ng isa na, "Ganda at aesthetic mo pa rin tignan kahit nalulunod ka na, ma!"
Swipe left para makita pa ang ibang photos:

Source: Instagram
Si Vice Ganda ay isang kilalang Pilipinong komedyante, aktor, host, at singer. Siya ay malawak na kinikilala dahil sa kanyang matalas na pag-iisip, makulay na personalidad, at malaking ambag sa industriya ng aliwan sa Pilipinas. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang stand-up comedian sa mga comedy bar sa Manila. Nagsimula ang kanyang malaking break noong naging regular siyang host sa noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2009. Dahil sa kanyang karisma at husay sa pagpapatawa, agad siyang naging sikat sa mundo ng local showbiz.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Vice Ganda sa Instagram ang isang sulat mula kay Nadine Lustre na nagpahayag ng kanyang paghanga. Sinabi ni Nadine sa sulat na ang pagiging "phenomenal" ay hindi nasusukat sa palakpak kundi sa dami ng taong natutulungan nito. Nagpasalamat din ang aktres kay Vice sa pagbabahagi ng kanyang talento sa ibang tao.
Samantalang ay inamin ni Vice Ganda na si Anne Curtis ang itinuturing niyang "best friend" sa 'It’s Showtime.' Ikinuwento rin ni Vice ang kakaibang closeness nila ng kilalang Kapamilya star. Sa interview, ibinahagi rin niya ang hirap na naramdaman nang wala si Anne sa show. Para kay Vice, mas madali ang trabaho kapag kasama niya ang kanyang matalik na kaibigan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

