Robin Padilla, ibinida ang setup na inihanda at 'pinagpuyatan' ni Mariel Padilla para kay Mommy Eva

Robin Padilla, ibinida ang setup na inihanda at 'pinagpuyatan' ni Mariel Padilla para kay Mommy Eva

  • Pinuri ni Robin Padilla ang asawang si Mariel Rodriguez sa paghahanda ng isang espesyal na reunion para sa kanyang ina
  • Ibinahagi ng senador na tatlong taon na ang laban ni Eva Cariño-Padilla sa sakit na dementia
  • Ginanap ang pagtitipon sa Museo de Padilla para makatulong sa mental health ng kanyang "mahal na ina"
  • Nanawagan din si Robin na magkaroon sana ng sapat na kaalaman ang mga Pilipino tungkol sa sakit na ito sa pagtanda

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa isang madamdaming post sa Facebook, hindi napigilan ni Senator Robin Padilla na ipahayag ang kanyang paghanga at pasasalamat sa asawang si Mariel Rodriguez-Padilla.

Robin Padilla, ibinida ang setup na inihanda at 'pinagpuyatan' ni Mariel Padilla para kay Mommy Eva
Photos: @marieltpadilla on Instagram | Robin Padilla on Facebook
Source: Instagram

Ito ay matapos ayusin ni Mariel ang isang magandang setup sa Museo de Padilla para sa isang family reunion na nakalaan para sa ina ng kilalang senator na si Eva Cariño.

"Ang pinagpuyatan ni Mariel: Ang set up na ito sa Museo de Padilla para sa aking ina," ani Robin sa kanyang post nitong December 26. Ayon sa senador, ang nasabing pagtitipon ay isang "family reunion para sa mental health ng mahal na ina."

Read also

Reaksyon nina Paul at Mikee sa 'brother-in-law' challenge nina Toni at Alex Gonzaga, viral

Ibinahagi ni Robin ang pinagdaraanan ng kanyang ina na kasalukuyang nasa "pang tatlong taon ng pakikibaka sa Dementia." Dahil sa personal na karanasan ng kanilang pamilya, binigyang-diin niya ang pangangailangan ng mas malawak na impormasyon tungkol sa sakit na ito sa bansa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kailangan magkaroon ng matinding kaalaman ang mga Pilipino sa sakit na ito sa pagtanda," dagdag niya.

Ikinuwento rin ni Robin na nagkaroon na sila ng mga panukala para sa mga nursing homes base sa kanilang pag-aaral at exposure sa Israel, ngunit hindi umano ito pinalad na suportahan ng ilang kasama para makarating sa plenaryo.

Sa huli, umasa ang senador na ang Geriatric Bill ni Senator Risa Hontiveros ay maging sagot sa mga usaping tulad nito.

"In shaa Allah ay maging sagot ang Geriatric bill ni Senator Risa Hontiveros sa usapin na ito," pagtatapos ni Robin sa kanyang post na umani ng maraming suporta at dasal mula sa mga netizen para sa kalusugan ng kanyang ina.

Si Robin Padilla ay isang kilalang Filipino actor at politician na tinaguriang 'Bad Boy' ng pelikulang Pilipino noong dekada ’90. Sumikat siya sa mga action films, dahilan upang magkaroon siya ng solid fan base. Ilan sa kanyang mga pinakatanyag na pelikula ay ang Maging Sino Ka Man, Bad Boy, at Sana Dalawa ang Puso Ko. Bukod sa pag-arte, naging bahagi rin siya ng ilang teleserye at sitcom, kung saan ipinakita niya ang kanyang versatility bilang aktor sa drama at komedya. Sa larangan naman ng pulitika, si Robin ay nahalal bilang senador noong 2022, kung saan siya ang nakakuha ng pinakamataas na bilang ng boto sa nasabing halalan. Kilala siya sa kanyang matapang at prangkang paninindigan sa iba’t ibang isyung pambansa.

Read also

Dating child star sa 'Lion King,' pinatay ng sariling nobyo

Sa kanyang personal na buhay, siya ay kasal sa TV host na si Mariel Padilla, at kilala rin siya bilang isang mapagmahal na ama at asawa. Sa kabila ng mga kontrobersiya, nananatili siyang isa sa mga pinakapinag-uusapang personalidad sa bansa dahil sa kanyang impluwensiya sa parehong showbiz at pulitika.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nilinaw ni Senador Robin Padilla na wala siyang intensyong tumakbo sa halalan sa 2028. Nagpasalamat siya sa mga sumusuporta sa kanya at hiniling na huwag na siyang isama sa mga posibleng lineup ng mga kandidato sa hinaharap. Ang kanyang pahayag ay tugon sa isang post sa social media na nagbanggit ng mga posibleng tatakbo sa susunod na eleksyon. Sa kabila nito, patuloy na binibigyang-priyoridad ni Padilla ang kanyang mga tungkulin sa lehislatura at ang kanyang mga adbokasiya.

Samantalang nitong December lamang ay nag-react ang kanyang misis na si Mariel Padilla sa pahayag ng DTI na posibleng makapaghanda ng Noche Buena sa halagang ₱500. Ibinahagi ni Mariel na "na-trigger" siya sa pahayag na ito ng DTI. Sinubukan pa niya mismo pagkasyahin ang P500 matapos siyang ma-challenge. Gayunpaman, iginiit niya na naniniwala siyang "the Filipinos deserve more" kaysa sa P500 na budget.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco