Carla Abellana ties the knot with non-showbiz partner Dr. Reginald Santos

Carla Abellana ties the knot with non-showbiz partner Dr. Reginald Santos

  • Kapuso actress Carla Abellana officially married her non-showbiz partner Dr. Reginald Santos in an intimate ceremony held on Saturday
  • The bride looked resplendent in a classic white gown as she exchanged vows with the doctor following a very private engagement period
  • Carla marked the occasion by reflecting on her final moments as a single woman during the recent Christmas holiday
  • Despite initially keeping the details of her romance hidden she promised fans that she would eventually share the joy of her special day

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Wala nang urungan! Isang maningning at masayang Sabado ang hinarap ng Kapuso actress na si Carla Abellana matapos siyang opisyal na ikasal sa kanyang non-showbiz partner na si Dr. Reginald Santos nitong December 27, 2025.

Carla Abellana ties the knot with non-showbiz partner Dr. Reginald Santos
Carla Abellana ties the knot with non-showbiz partner Dr. Reginald Santos ('📷GMA Integrated News)
Source: Facebook

Suot ang kanyang napakagandang white wedding gown, blooming na blooming ang aktres sa ginanap na intimate wedding ceremony. Bago ang malaking araw, nagbahagi pa si Carla ng mga pasilip sa kanyang bridal shower na ginanap sa isang sikat na dermatology clinic sa Parañaque kasama ang kanyang ina at malalapit na kaibigan.

Read also

Dating child star sa 'Lion King,' pinatay ng sariling nobyo

Matatandaang naging tikom ang bibig ni Carla tungkol sa pagkakakilanlan ng kanyang groom noong una. Sa katunayan, nitong buwan lang niya kinumpirma ang kanilang engagement matapos mag-post ng kanyang diamond ring. Noong Oktubre, sinabi pa niya sa mga reporters na, “I would like to keep it private,” nang tanungin tungkol sa usap-usapang kasalan.

Pero dahil sa sobrang saya, hindi rin natiis ni Carla na hindi mag-share sa kanyang fans. Sa isang panayam sa "24 Oras," nauna na niyang sinabing ilalabas din niya ang mga detalye ng kanyang special day dahil mahirap umanong itago ang labis na kaligayahan. “We’ll share everything definitely… kasi ang hirap nang overwhelmed ka, overjoyed ka, tapos ‘di mo malabas ‘di ba?” aniya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isang araw bago ang kasal, naging emosyonal din ang aktres nang i-post niya ang quote card na “Last Christmas as a Miss,” bilang pagkilala na ito na ang huling Pasko na siya ay dalaga.

Si Carla Abellana ay isa sa mga pinakahinahangaang aktres sa GMA Network, na nakilala sa mga teleseryeng gaya ng Rosalinda at My Husband's Lover. Ang kanyang bagong buhay-may-asawa ay itinuturing ng marami niyang fans bilang isang "second chance at love." Matatandaang galing ang aktres sa isang kontrobersyal na hiwalayan sa dati niyang asawa na si Tom Rodriguez noong 2022. Sa kabila ng masakit na nakaraan, napanatili ni Carla ang kanyang poise at career bago tuluyang mahanap ang katahimikan at pag-ibig sa piling ni Dr. Reginald Santos.

Read also

Ellen Adarna, ibinunyag na kasama na si Angelica Panganiban sa "exes group chat"

Bago ang kasalan, naging usap-usapan ang naging reaksyon ni Carla sa balitang nagpaabot ng mensahe ang kanyang ex-husband na si Tom Rodriguez tungkol sa kanyang bagong engagement. Sa kabila ng tensyon noong una, mas pinili ni Carla na manatiling positibo at hindi na magbigay ng anumang negatibong pahayag na makakasira sa kanyang kaligayahan. Ang kanyang pagiging matatag ay lalong hinangaan ng mga netizens na sumusuporta sa kanyang bagong simula.

Sa isang hiwalay na report, binigyang-diin ni Carla ang kanyang pagnanais na maging "private but not secret" ang kanyang kasal. Ipinaliwanag niya na bagama't limitado ang mga bisita sa mismong seremonya para mapanatili ang solemnity nito, hindi niya bibiguin ang kanyang mga supporters na makita ang mga kaganapan sa pamamagitan ng social media. Ito ay paraan niya ng pasasalamat sa mga taong hindi bumitaw sa kanya sa gitna ng kanyang mga pagsubok.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate