Kiray Celis, may pasilip sa bonggang honeymoon nila ni Stephan Estopia sa Amanpulo

Kiray Celis, may pasilip sa bonggang honeymoon nila ni Stephan Estopia sa Amanpulo

  • Ibinahagi ni Kiray Celis ang mga unang larawan ng kanilang "grand honeymoon" ni Stephan Estopia sa Amanpulo
  • Matatandaang ikinasal ang dalawa sa isang bonggang ceremony nitong December 13, 2025
  • Ipinasilip ng aktres ang kanilang luxury villa, private pool, at ang puting buhangin ng sikat na island resort
  • Kita ang sobrang saya ng mag-asawa habang ine-enjoy ang kanilang unang mga araw bilang "Mr. and Mrs. Estopia"

Wala nang mas tatamis pa sa bakasyon ng bagong kasal na sina Kiray Celis at Stephan Estopia. Matapos ang kanilang naging emosyonal at magandang kasalan nitong nakaraang December 13, 2025, lumipad na ang dalawa patungo sa isa sa mga pinaka-eksklusibong resort sa bansa — ang Amanpulo.

Kiray Celis, may pasilip sa bonggang honeymoon nila ni Stephan Estopia sa Amanpulo
Kiray Celis, may pasilip sa bonggang honeymoon nila ni Stephan Estopia sa Amanpulo (@kiraycelis)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post, hindi napigilan ni Kiray na ibahagi ang kanyang excitement.

"Our Amanpulo HONEYMOON starts now..." ang masayang caption ng aktres. Kasama nito ang mga litrato kung saan makikitang binubuhat pa siya ni Stephan habang nasa harap ng napakalinaw at asul na dagat.

Read also

Melai Cantiveros, inunahan na ang mga marites ukol sa kanyang mister: "O diba, alam ko na"

Ipinasilip din ni Kiray sa kanyang mga followers ang kanilang tinutuluyan. Mula sa isang malawak na luxury villa na may sariling swimming pool hanggang sa isang golf cart na may "Just Married" na sign, talagang pinaghandaan ng mag-asawa ang espesyal na trip na ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"We pray for your complete happiness, Kiray and Stephan, enjoy Amanpulo!" wika pa nga ng isang fan.

Sa comments, bumuhos nga ng well-wishes mula sa mga fans na natutuwa para sa kanila. Marami ang nagsabing deserve ng dalawa ang ganito kagandang pahinga matapos ang lahat ng paghahanda para sa kanilang kasal nitong buwan.

Tunay ngang "love is in the air" para sa mag-asawa, at tila hindi pa matatapos ang kanilang selebrasyon sa ganda ng kanilang paligid.

Swipe left para makita pa ang ibang photos:

Si Kiray Celis ay isang Filipina actress, komedyante, negosyante, at vlogger. Nakilala siya nang husto bilang child star sa ABS-CBN show na Goin' Bulilit at kalaunan ay lumabas din sa Mara Clara. Sa paglipas ng mga taon, ipinakita ni Kiray ang kanyang versatility sa pagganap ng iba't ibang papel sa TV at pelikula. Bukod sa pag-arte, pumasok din siya sa negosyo at nadiskubre ang kanyang hilig sa live selling sa social media, na naging daan para maitayo niya ang sarili niyang mga brand. Sa kanyang personal na buhay, inanunsyo ni Kiray ang kanyang engagement sa longtime boyfriend niyang si Stephan Estopia noong 2025 lamang.

Read also

Atom Araullo, may "storytime" tungkol sa isang sekyu na laging bumabati sa kanya

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay pinabulaanan ni Jazel Sy ang kumakalat na post tungkol sa presyo ng wedding gown ni Kiray Celis. Sinabi ng designer na "way off" ang presyo na nakalagay sa photo. Sa kabila nito, natuwa pa rin si Jazel dahil naipakita ang galing ng mga Pinoy artisan. Aniya ng designer, "pure magic" daw kasi ang Pinoy craftsmanship.

Samantalang ay ibinahagi ni Kiray Celis ang video ng kanyang paglalakad sa aisle sa kasal niya. Kinanta ni Angeline Quinto ng live ang "Till I Met You" bilang wedding song ni Kiray. Inilarawan ni Kiray ang pangyayari bilang pangarap na tila natupad sa araw niya. Nagpaabot siya ng malalim na pasasalamat kay Angeline Quinto para sa pagkanta nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco