Nadine Lustre, inaming "takot na takot" noon kay Vice Ganda
- Ikinuwento ni Nadine Lustre na ang pelikulang Petrang Kabayo ang tunay niyang unang movie bago pa ang Diary ng Panget
- Inamin din ng aktres na dati siyang takot na takot kay Vice Ganda noon sa set
- Pinilit ni Nadine na "iwas" daw siya noon dahil ayaw niyang "mabunot" ng komedyante
- Sa kabila ng takot, itinuturing niyang malaking karangalan ang makatrabaho ang isang Vice Ganda sa simula pa lang ng kanyang career
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa kanyang naging panayam kay MJ Felipe sa Cinema One's The B Side, nagbalik-tanaw ang award-winning actress na si Nadine Lustre sa kanyang naging simula sa industriya. Dito niya ibinunyag na bago pa man siya sumikat sa Diary ng Panget, sumabak na siya sa pelikulang Petrang Kabayo kasama si Vice Ganda.

Source: Instagram
Ayon kay Nadine, bata pa lamang siya noon kaya naman hindi pa buo ang kanyang kumpyansa sa sarili.
"Alam mo, kinukwento ko nga kay Ate Vice, sabi ko, 'Ate Vice, takot na takot ako sayo dati,'" pag-amin ng aktres.
Dahil sa kilalang istilo ng pagpapatawa ni Vice, talagang naging mailap si Nadine sa set noon.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Natatakot ako mabunot that time. Every time na may eksena kami, lagi akong nakaiwas. Yung eksena kasi naming dun, lagi niya akong binabara dun sa scene, so yun okay lang kasi nasa script siya, pero ayoko talagang ma-okray," natatawang kwento ni Nadine.
Pero kahit takot na takot ang aktres noon, malaki ang pasasalamat ni Nadine sa karanasang iyon.
"But it was such a good experience, kasi for me, as someone who's starting in the industry, to be able to work with Ate Vice na agad eh at that time 'Vice Ganda' na siya, so it was such a privilege to be able to work with Ate Vice," paliwanag niya.
Dahil sa magandang samahan nila, hindi na nagdalawang-isip si Nadine nang mabalitaang magkakaroon sila ng bagong proyekto.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Nadine Lustre ay isang multi-talented na Filipina celebrity na kilala bilang aktres at singer. Ipinanganak bilang Nadine Alexis Paguia Lustre noong October 31, 1993, nagsimula siya sa showbiz sa murang edad. Ang kanyang malaking break ay dumating noong 2014 nang gampanan niya ang karakter ni Eya Rodriguez sa film adaptation ng Wattpad novel na Diary ng Panget. Sa telebisyon, lalo siyang nakilala sa pagganap bilang Leah Olivar sa ABS-CBN series na On the Wings of Love, kung saan hinangaan ang kanyang kahusayan sa pag-arte.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-viral kamakailan ang pagpapakatotoo ng aktres na si Nadine Lustre. Nakapanayam kasi siya ni MJ Felipe sa TV Patrol nito lamang. Sa naturang interview, umamin ang aktres na hindi pa siya ready maging ina. Aniya pa nga ni Nadine, takot na takot daw siyang maging mommy.
Samantalang noong September ay nilinaw ng partner ni Nadine Lustre na wala silang kinalaman sa reef destruction issue sa Tuason, Siargao. Ayon kay Christophe Bariou, unfairly targeted ang kanilang restaurant na Ver De Siargao dahil sa business partner na sangkot umano sa proyekto. Binatikos naman ng mga environmental advocates ang umano'y paggamit ng backhoe sa reef area para sa luxury villa project.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

