Pokwang, humanga sa galing ni Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo sa pelikulang 'UnMarry'
- Pinuri ni Pokwang ang pelikulang 'UnMarry' dahil sa ganda ng pagkakasulat at husay ng mga gumanap
- Partikular na binigyang-pugay ng komedyante ang pagganap nina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, at Eugene Domingo
- Nag-comment si Angelica Panganiban para pasalamatan si Pokwang sa pagsuporta nito sa kanilang proyekto
- Ibinahagi ni Pokwang na maraming matututunan ang mga manonood tungkol sa usaping legal ng annulment sa nasabing MMFF entry
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Hindi napigilan ng komedyanteng si Pokwang na magbahagi ng kanyang saloobin matapos mapanood ang pelikulang 'UnMarry' na isa sa mga entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025. Sa kanyang Instagram post, ipinakita niya ang isang reel kasama ang cast at direk ng pelikula, kung saan inamin niyang naging "rollercoaster" ang kanyang emosyon habang nanonood.

Source: Instagram
"Isa ang pelikulang 'UnMarry' ang di mo dapat palampasin dahil napakahusay ng pagkakasulat ng kwento, napakahuhusay ng mga gumanap," pahayag ni Pokwang sa kanyang caption.
Ayon sa kanya, halo-halong emosyon ang naramdaman nila nina John Lapus habang nanonood—mula sa tawa hanggang sa matinding pag-iyak dahil sa movie.
Bukod sa entertainment value, binigyang-diin din ni Pokwang na may "katuturan" ang pelikula dahil tinatalakay nito ang napapanahong usapin tungkol sa annulment.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"May magandang pagtalakay na legal about annulment, in all fairness may matutunan tayo sa pelikulang ito sa napapanahon na usapin," dagdag pa niya sa kanyang viral online post.
Dahil sa papuring ito, agad na nag-comment si Angelica Panganiban para magpasalamat sa kanyang "mamang."
"Salamat sa suporta, mamang! Love you!" mensahe ni Angelica. Agad namang sumagot si Pokwang ng "Mahusay ka talaga na!!!!" bilang pagkilala sa galing ng aktres.
Kasama rin sa mga pinasalamatan ni Pokwang ang direktor na si Jeffrey Jeturian at si Atty. Joji Alonzo ng Quantum Films para sa paglikha ng isang de-kalidad na pelikula. Ipalalabas ang 'UnMarry' sa lahat ng sinehan simula ngayong December 25.
Panoorin ang video sa ibaba:

Source: Instagram
Si Pokwang ay isang kilalang komedyante, aktres, at TV host sa Pilipinas. Bago pumasok sa showbiz, nagtrabaho siya bilang OFW sa Japan, at naging domestic helper sa Abu Dhabi — mga karanasang humubog sa kanyang matatag na personalidad. Nakilala siya nang sumali sa ABS-CBN reality talent show segment na Clown in a Million noong 2004 at itinanghal na grand champion, na naging tulay sa kanyang pagpasok sa mga sitcom. Sa kasalukuyan, si Pokwang ay isa ng talent ng Kapuso Network, matapos siyang lumipat noong June 2021 sa GMA-7.

Read also
Aktwal na sitwasyon ni Sarah Discaya sa loob ng selda sa NBI Detention Facility, ipinasilip
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay kinumpirma na ni Pokwang na ang lalaking sangkot sa viral na video sa Facebook ay ang kanyang kapatid. Humingi siya ng tawad sa pamilya, lalo na sa anak, at nangakong dadalawin niya ito. Nilinaw niya na ang pagkakamali ng kapatid niya ay hindi niya kinatutuwa at hindi dapat iugnay sa kanya at sa buong pamilya nila. Nagpaalala rin siya laban sa cyberbullying.
Samantalang ay mariing pinabulaanan ni Pokwang ang video na nag-eendorso umano sa kanya ng online gamblíng. Nagbabala ang komedyana na ang kumakalat na video sa Facebook ay peke at may bahid ng AI editing. Hinimok ni Pokwang ang publiko na i-report agad ang Facebook account na nagpakalat ng panloloko. Binibigyang-diin ng insidente ang lumalaking problema ng AI-generated content online.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
