Fans ni Andrea Brillantes, nag-alala nang ma-ospital muli ang aktres
- Nag-post si Andrea Brillantes sa TikTok na nasa ospital siya imbis na nasa premiere ng kanyang unang MMFF movie
- Sa video, makikitang nakahiga ang aktres sa hospital bed habang nakasuot ng patient gown at hair cap
- Bagama't may sakit, nag-thumbs up pa rin si Andrea para ipakita ang suporta sa kanyang pelikulang "Rekonek"
- Ipinaalala niya sa kanyang mga fans na panoorin ang kanyang movie na lalabas na ngayong December 25
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Maraming fans ang nagulat at nag-alala matapos mag-post ang sikat na aktres na si Andrea Brillantes ng isang video sa TikTok. Sa halip kasi na makita siyang rumarampa sa premiere night ng kanyang kauna-unahang Metro Manila Film Festival (MMFF) movie, nasa loob siya ng isang ospital at naka-confine.

Source: Instagram
"POV: Dapat nasa premiere night ka ng first MMFF movie mo kaso," sulat ni Andrea sa kanyang video caption habang ipinapakita ang paligid ng hospital ward.
Makikita sa video na itinutulak ang kanyang stretcher at kalaunan ay makikitang nakahiga na siya sa kama, habang may nakakabit na monitor sa kanyang daliri, at may suot na blue hair cap sa ulo.
Kahit mukhang hindi maayos ang kanyang pakiramdam, hindi nakalimutan ni Andrea na i-promote ang kanyang pelikulang pinamagatang 'Rekonek.' Sa video, nag-thumbs up pa ang aktres bilang senyales na kahit may pinagdaraanan siyang health issue, excited pa rin siya para sa kanyang bagong proyekto.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nag-iwan din siya ng maikling mensahe sa video na nagsasabing, "Rekonek this Dec 25 po, please watch."
Maraming netizens ang agad na nagpadala ng kanilang "get well soon" messages para sa aktres, habang ang iba naman ay nangakong susuportahan ang kanyang pelikula sa darating na Pasko.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Andrea Brillantes ay isang kilalang Filipina aktres, model, at social media personality na nagsimula sa industriya ng showbiz bilang child star. Mas naging kilala si Andrea sa kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa teleseryeng Kadenang Ginto, kung saan humanga ang marami sa kanyang husay sa pag-arte bilang isang kontrabida. Bago ito, lumabas na rin siya sa iba’t ibang serye at programa tulad ng Annaliza at Goin’ Bulilit, na nagpatunay sa kanyang galing kahit sa murang edad. Dahil sa kanyang talento at natural na karisma, mabilis siyang naging isa sa mga pinakasikat na batang aktres ng kanyang henerasyon. Bukod sa pag-arte, may sarili rin siyang beauty brand na nagpapakita ng kanyang husay bilang isang entrepreneur.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagbahagi ang 'Cosmopolitan Philippines' ng isang candid na TikTok post mula sa kanilang panayam kay Andrea Brillantes, kung saan naging bukas ang aktres tungkol sa kanyang pinakamalalaking beauty regrets. Inamin ni Andrea na pinagsisihan niya ang pagpapalagay ng lip fillers noong siya ay 19 taong gulang, at sinabing bagama’t nagustuhan niya ito noon, hindi na niya ito uulitin.
Samantalang ay inamin din ni Andrea Brillantes na siya ay naging “addicted” sa kanyang cellphone, na humantong sa tinatawag na “doom scrolling” at nagkaroon ng negatibong epekto sa kanyang mental na kalusugan. Ibinahagi ng aktres na gumagamit siya ngayon ng screen time control app upang limitahan ang kanyang paggamit ng phone, partikular na ang pagla-lock ng kanyang Instagram mula 1PM hanggang 11PM.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

