Anne Curtis, 'naiiyak' sa paghahambing ng Singapore at Pilipinas: "Nakakainggit sila"

Anne Curtis, 'naiiyak' sa paghahambing ng Singapore at Pilipinas: "Nakakainggit sila"

  • Inamin ni Anne Curtis na "nakakainggit" ang pag-unlad ng Singapore dahil sa higpit nito laban sa korapsyon
  • Pinuri ng aktres ang disiplina ng Singapore sa ilalim ni Lee Kuan Yew na nagresulta sa maayos na kalsada at transportasyon
  • Nagpahayag siya ng lungkot dahil sa talamak na "greed" o kasakiman sa Pilipinas na pumipigil sa potensyal ng bansa
  • Nanawagan siya sa mga Pilipino na bumoto nang tama para sa isang lider na tunay na lalaban sa katiwalian

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Habang nasa Singapore, hindi napigilan ni Anne Curtis na maglabas ng saloobin sa social media platform na X tungkol sa malaking pagkakaiba ng takbo ng gobyerno sa ibang bansa kumpara sa Pilipinas.

Anne Curtis, 'naiiyak' sa paghahambing ng Singapore at Pilipinas: "Nakakainggit sila"
Anne Curtis, 'naiiyak' sa paghahambing ng Singapore at Pilipinas: "Nakakainggit sila" (@annecurtissmith)
Source: Instagram

Sa kanyang post, sinabi ng aktres na nakaramdam siya ng inggit sa nararanasang ginhawa ng mga tao roon.

"Random thought whilst in Singapore - NAKAKAINGGIT SILA," bungad ni Anne sa kanyang viral post.

Binanggit niya na dati ring laganap ang korapsyon sa Singapore hanggang sa nagkaroon sila ng magaling na lider na si Lee Kuan Yew na nagpatupad ng "zero tolerance policy" laban sa katiwalian.

Read also

Pokwang, humingi ng paumanhin matapos kumpirmahin na kapatid niya ang nasa viral video

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Habang siya ay nasa Singapore, talagang napansin ni Anne ang ganda ng bansa, ang maayos na public transporation, at ang mga modern infrastructure na may kasama pa ring mga 'greenery.' Ayon sa kanya, kahit may mga opisyal pa ring nagkakamali sa Singapore, mabilis silang pinarurusahan kapag nahuhuli.

Dala ng matinding emosyon, naitanong ni Anne: "Paano na tayo Pilipinas? Ano na kaya mangyayari? I pray so hard we will all collectively vote for a leader who will want to fight corruption one day. Sana talaga. Sayang... Pilipinas."

Kadugtong nito ay ang paghimok ng aktres sa mga kapwa Pilipino na magkaisa sa susunod na eleksyon.

"We have beautiful mountains, the best beaches and islands in the world (for me). GREED has stolen the opportunity for this country to reach its FULL beautiful potential. Sana... Sana talaga one day. Maybe not in my lifetime but I pray for all the future Filipinos. But we have to stand up for that now. Haaaaay. Naiiyak ako."

Read also

Kargador sa Divi, viral nang maging instant reporter ng ABS-CBN

Si Anne Curtis-Smith ay isang Filipino-Australian na aktres at TV host. Nakilala siya sa iba't ibang teleserye gaya ng Hiram, Maging Sino Ka Man, at Dyosa. Simula noong 2009, isa na siyang pangunahing host ng noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime. Ang kanyang nakababatang kapatid na si Jasmine ay isa ring aktres. Sa personal na buhay, ikinasal si Anne kay Erwan Heussaff. Noong 2020, isinilang nila ang kanilang unang anak na si Dahlia Amélie.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-viral sina Anne Curtis at Jericho Rosales matapos nilang kopyahin ang "kuya, natanggal" trend. Umabot sa milyon-milyong views ang kanilang video, na nagpapakita ng kanilang malakas na chemistry. ​Ang kanilang pagsasama ay para sa pelikula na The Loved One, sa direksyon ni Irene Villamor.

Samantalang ay marami ang naaliw sa palitan nina Anne Curtis at Erwan Heussaff. Sa Instagram, nag-post kasi si Anne ng isang "French lesson" video. Dahil sa video, napa-comment tuloy ang kanyang mister na si Erwan. Ang sagot naman ni Anne kay Erwan ay kinakiligan at kinagiliwan ng marami sa kanilang mga fans sa social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco

Hot: