Angelica Panganiban, naging emosyonal nang mapag-usapan ang motherhood
- Inilarawan kamakailan ni Angelica Panganiban ang pagiging ina kay Amila Sabine
- Aniya, ang maging isang "mama" ang tanging pangarap niya mula nang matuto siyang magmahal
- Napaiyak pa nga siya habang pinag-uusapan ang kaligayahan dahil natupad ang kanyang pangarap
- Labis din siyang nagpasalamat dahil hindi lahat ay nabibigyan ng chance na maging isang mama
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagbigay ng emosyonal at taos-pusong panayam ang aktres na si Angelica Panganiban kay MJ Felipe sa 'The B Side' ng Cinema One, kung saan ibinahagi niya ang kanyang personal na paglalakbay sa buhay at karera, lalo na ang tungkol sa pagiging ina.

Source: Instagram
Natanong kasi ni MJ ang aktres tungkol sa kanyang pagiging isang ina kay Amila Sabine Homan.
Sa kanyang sagot, inilarawan ni Angelica ang pagiging ina bilang pinakanakakapagod ngunit pinakamalaking reward sa kanyang buhay ngayon.
"Ito yung pinaka... nakakapagod pero, jusko, grabe yung reward, grabe, nakakaiyak sa saya. Ang sarap, kasi gusto ko talaga siya eh," panimula ni Angelica.

Read also
Kiray Celis, nagpasalamat kay Angeline Quinto dahil tinupad nito ang "pangarap" niya sa kasal
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ibinahagi ni Angelica na matagal na niyang pangarap ang maging isang ina, at kalaunan ay tila naluha pa.
"Gusto ko talaga maging nanay, magmula nung natuto ata akong magmahal, wala na ata akong ibang pinangarap kundi maging isang mama. Bakit ako naiiyak? Pero nabigay siya," emosyonal niyang sabi.
Lubos din ang pasasalamat ni Angelica dahil alam niyang hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong maging ina.
"And sobra kong thankful kasi hindi naman lahat mapalad diba? Na kahit anong gusto mo, hindi lahat nabibigyan ng chance maging isang mama," aniya.
Ikinuwento rin niya ang pagka-gulat niya sa kanyang totoong emosyon nang malamang buntis siya, kumpara sa kanyang mga nakaraang roles.
"Kaya nung nalaman kong buntis ako, sabi ko, 'Mali mali pala yung acting ko pag nalaman mong buntis ka, ganito pala'," pagtatapos ni Angelica.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Angelica Panganiban ay isang Filipina actress, komedyante, at television host na kilala sa kanyang husay sa parehong drama at komedya. Nagsimula siya bilang child actress at sumikat sa kanyang mga papel sa iba't ibang teleserye at pelikula. Ipinamalas niya ang kanyang galing sa drama sa mga teleseryeng tulad ng Pangako Sa 'Yo at The Legal Wife, kung saan hinangaan ang kanyang intense na mga roles. Kilala rin siya sa kanyang talento sa komedya, lalo na sa programang Banana Split. Noong 2022, isinilang niya ang kanyang unang anak kasama ang partner niyang si Gregg Homan, bilang bahagi ng kanyang bagong yugto bilang isang ina.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Angelica Panganiban sa Instagram Stories ang binili ng kanyang asawang si Gregg Homan sa Australia. Dahil dito ay nagbiro si Angelica at sinabing "papakasalan kita ulit" sa tuwa niya sa nabili ni Gregg. Aniya, gagamitin nila ito para sa kanilang paparating na Christmas break kasi.
Samantalang ay natanong si Angelica Panganiban tungkol kay Derek Ramsay. Kamakailan ay na-interview kasi ang aktres sa media launch ng 'Unmarry' na movie. Bukod sa tanong tungkol kay Derek, natanong din si Angelica ukol sa toxic relationships. Marami naman ang humanga kay Angelica dahil sa pagpapakatotoo nito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
