Kiray Celis, nagpasalamat kay Angeline Quinto dahil tinupad nito ang "pangarap" niya sa kasal
- Ibinahagi ni Kiray Celis ang video ng kanyang paglalakad sa aisle sa kasal niya
- Kinanta ni Angeline Quinto ng live ang "Till I Met You" bilang wedding song ni Kiray
- Inilarawan ni Kiray ang pangyayari bilang pangarap na tila natupad sa araw niya
- Nagpaabot siya ng malalim na pasasalamat kay Angeline Quinto para sa pagkanta nito
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ibinahagi kamakailan ni Kiray Celis ang isa sa pinaka-emosyonal na bahagi ng kanyang kasal sa isang Instagram post—ang paglalakad niya sa aisle habang kinakanta ni Angeline Quinto ang kanilang wedding song.

Source: Instagram
Nag-post si Kiray ng isang video clip na nagpapakita ng kanyang grand entrance sa simbahan habang nakasuot ng napakagandang wedding gown na gawa ng designer na si Jazel Sy. Sa background, maririnig ang live performance ni Angeline ng 'Till I Met You.'
Sa kanyang caption sa Instagram, inilarawan ni Kiray kung paanong ang pagkanta ni Angeline sa kanilang kasal ay tila natupad na pangarap niya.

Read also
Angelica Panganiban sa binili ni Gregg Homan sa Australia: "Papakasalan kita ulit pag uwi mo"
"Yung pangarap mo na wedding song habang naglalakad ka sa aisle, live mismo na kinakanta ng pangarap mo na singer... TILL I MET YOU by ANGELINE QUINTO!" masayang pahayag ni Kiray.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa photo-sharing app, nagpaabot siya ng malaking pasasalamat kay Angeline dahil sa pag-perform nito sa espesyal na araw nila ni Stephan Estopia.
"Ate @loveangelinequinto, maraming maraming salamat. Mahal na mahal kita! Salamat sa pag kanta sa kasal namin," aniya Kiray.
Ang pagpili ni Kiray kay Angeline bilang performer at ang kanta na 'Till I Met You' ay nagbigay-diin sa lalim at kaseryosohan ng kanyang pagmamahal sa asawa.
Samantalang sa comment section naman ay marami ang naantig sa bridal walk ni Kiray sa kasal niya.
"Bakit ako naiiyak, congrats," aniya ng isang netizen habang sabi naman ng isang fan na, "Ang ganda ng bridal dress, bongga. I love all the details of your dress, Ms. Kiray... sana all... congratulations and God bless you!"
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Kiray Celis ay isang Filipina actress, komedyante, negosyante, at vlogger. Nakilala siya nang husto bilang child star sa ABS-CBN show na Goin' Bulilit at kalaunan ay lumabas din sa drama series na Mara Clara. Sa paglipas ng mga taon, ipinakita ni Kiray ang kanyang versatility sa pagganap ng iba't ibang papel sa telebisyon at pelikula. Bukod sa pag-arte, pumasok din siya sa negosyo at nadiskubre ang kanyang hilig sa live selling sa social media, na naging daan para maitayo niya ang sarili niyang mga brand. Sa kanyang personal na buhay, inanunsyo ni Kiray ang kanyang engagement sa longtime boyfriend niyang si Stephan Estopia noong 2025 lamang.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay viral ngayon ang bagong video ni Kiray Celis na ipinost niya sa Instagram. Sa naturang video, sinubukan ni Kiray na kumasa sa 'Sugar On My Tongue' trend. Ngunit ang pagsulpot ni Christian Antolin sa video ay kinaaliwan ng marami. Aniya tuloy ni Kiray, may "istorbo" raw na sumingit sa kanyang pagkasa sa trend.
Samantalang ay labis namang kinilig si Kiray Celis sa pagtapak niya sa "Ying De University" sa Taiwan. Aniya ng kilalang aktres, isa raw itong "dream come true" moment para sa kanya. Sa Instagram, ipinasilip ni Kiray ang kanyang masayang bakasyon sa naturang lugar. Matatandaang ang Ying De University ay ang fictional elite school sa Meteor Garden
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
