Alden Richards, labis ang pasasalamat sa fans niya: "Here’s to the next chapter"

Alden Richards, labis ang pasasalamat sa fans niya: "Here’s to the next chapter"

  • Nagpahayag si Alden Richards ng malalim na pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanyang 15 taong paglalakbay sa showbiz
  • Aniya, hindi pa nagtatapos ang kanyang kwento at nagsisimula pa lang sila
  • Tiniyak niya sa fans niya na sila ang dahilan kung bakit patuloy siyang nangangarap at nagpapatuloy sa showbiz
  • Tinapos ni Alden ang kanyang mensahe sa paghaharap sa "next chapter... and to moving forward"

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nag-iwan ng mensahe ng pasasalamat at pagmamahal ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards matapos ang matagumpay na pagdiriwang ng kanyang ika-15 anibersaryo sa showbiz sa pamamagitan ng concert na 'Moving ForwARd: 15 Years of Alden Richards.'

Alden Richards, labis ang pasasalamat sa fans niya: "Here’s to the next chapter"
Alden Richards, labis ang pasasalamat sa fans niya: "Here’s to the next chapter" (@aldenrichards02)
Source: Instagram

Ipinost ni Alden ang ilang mga larawan mula sa concert sa opisyal na Instagram page niya, kung saan makikita siyang nakasuot ng black leather jacket habang nasa entablado.

Sa caption, nagbigay-pugay si Alden sa lahat ng mga tagahanga at sumuporta sa kanya sa loob ng 15 na taon.

Read also

Rochelle Pangilinan, nakiusap para sa mga SexBomb members na di nakasama sa concert

"Sa lahat ng sumabay, sumuporta, at naniwala sa aking paglalakbay sa nakalipas na 15 taon, maraming salamat sa inyong lahat," aniya ng Kapuso star.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Idinagdag niya na ang tagumpay na ito ay simula pa lamang ng kanilang kuwento.

"Hindi rito nagtatapos ang kuwento; nagsisimula pa lang tayo," say ni Alden sa fans niya.

Malinaw niyang sinabi na ang kanyang mga fans ang dahilan kung bakit siya patuloy na nangangarap.

"Kayo ang dahilan kung bakit patuloy akong nangangarap at nagpapatuloy. Here's to the next chapter... and to moving forward," pagtatapos ni Alden.

Ang concert ay ginanap sa Sta. Rosa Laguna Multi-Purpose Complex, at ito ay nagpapakita ng matinding suporta ng kanyang mga tagahanga na sumabay sa kanyang paglalakbay sa industriya.

Swipe left para makita pa ang iba:

Si Alden Richards ay isang sikat na Kapuso actor, singer, host, at host. Una siyang nakilala sa GMA-7 matapos sumali sa reality show na StarStruck. Mas lalo siyang sumikat sa mga teleserye tulad ng Alakdana, One True Love, at Victor Magtanggol, at kinilala rin bilang isang mahusay na dramatic actor. Taong 2015 naman nang lalong sumabog ang kasikatan ni Alden dahil sa phenomenal love team na AlDub kasama si Maine Mendoza sa Kalyeserye ng Eat Bulaga. Dahil dito, naging isa siya sa pinaka-prominent leading men sa industriya, nakagawa rin ng blockbuster movies, at nakatanggap ng maraming parangal. Bukod sa showbiz, kilala rin si Alden sa kanyang pagiging family-oriented, at sa pagiging malapit sa mga fans.

Read also

Alden Richards, sinorpresa ni Julia Montes sa 'ARVXAlden15' concert

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-viral si Alden Richards dahil sa kanyang reaksyon sa isang fan na gustong magpa-picture. Pabirong sumagot kasi ang anak ng ginang ng "ayoko" nang utusan niya ito na kuhanan sila ng litrato. Ang video na ito ay umabot sa 1.7 milyong views, na nagpapakita ng nakakaaliw na reaksyon ni Alden. Aniya pa kasi ng ginang sa kanyang anak, "Nakakayamot ka!" na lalong nagpatawa sa Kapuso star sa naturang viral na video.

Samantalang ay inalala ni Alden Richards ang ika-10 anibersaryo ng iconic na Kalyeserye segment ng Eat Bulaga. Mahalaga ang segment na ito dahil dito nabuo ang phenomenal AlDub tandem na kinabibilangan nina Alden at Maine Mendoza bilang Yaya Dub. Sa isang taos-pusong post, pinarangalan ni Alden ang mga alaala at masasayang sandaling binigay ng segment. Nagdulot naman ng matinding nostalgia sa mga AlDub fans ang tribute post ng Kapuso actor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco