Rochelle Pangilinan, nakiusap para sa mga SexBomb members na di nakasama sa concert

Rochelle Pangilinan, nakiusap para sa mga SexBomb members na di nakasama sa concert

  • Umapela si Rochelle Pangilinan sa publiko na igalang ang desisyon ng mga miyembro ng SexBomb na hindi nakasama sa reunion concert
  • Aniya, ang bawat miyembro ay may "valid na dahilan" upang hindi sumali sa concert
  • Hiniling niya na itigil ang bashing at pananakit sa salita laban sa mga hindi nakasama
  • Binigyang-diin ni Rochelle na "lahat sila ay bahagi ng SexBomb story – noon at ngayon"

Naglabas ng mensahe si Rochelle Pangilinan sa kanyang Instagram na naglalayong ipaabot sa publiko na igalang at respetuhin ang desisyon ng bawat miyembro ng grupo, lalo na ang mga hindi nakasama sa kanilang matagumpay na reunion concert.

Rochelle Pangilinan, nakiusap para sa mga SexBomb members na di nakasama sa concert
Rochelle Pangilinan, nakiusap para sa mga SexBomb members na di nakasama sa concert (@rochellepangilinan)
Source: Instagram

Ang pahayag ni Rochelle ay dumating matapos ang kanilang reunion concert na dinaluhan ng marami.

Sa kanyang caption, nilinaw ni Rochelle na ang bawat miyembro na hindi nakasama sa concert ay may kanya-kanyang "valid na dahilan" at na dapat ay igalang iyon ng publiko.

"Gusto lang po naming linawin at ipaalala para sa mga SexBomb members na hindi nakasama, iyon ay may kanya-kanyang valid na dahilan. Iba-iba po kami ng responsibilities sa buhay – pamilya, trabaho, personal commitments – at lahat ng desisyon iyon ay dapat igalang," paglilinaw ni Rochelle.

Read also

Rochelle Pangilinan, nagpakatotoo tungkol sa reunion concert nila: "Walang gustong mag-produce"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ipinunto niya sa publiko na may pagmamahalan at respeto pa rin sa isa’t isa ang bawat miyembro:

"May pagmamahal pa rin at respeto sa isa’t isa, kahit hindi nakasama sa stage. Walang tampuhan. Walang sama ng loob. Walang kulang sa respeto," aniya ng aktres.

Mahigpit ding hiniling ni Rochelle na itigil ang anumang bashing o pananakit sa salita laban sa mga miyembro na hindi nakasama, dahil hindi raw nila ito nararapat.

"Kaya sana po, walang bashing at walang masakit na salita para sa mga hindi nakasama. Hindi po nila deserve iyon. Lahat sila ay bahagi ng SexBomb story – noon at ngayon," pakiusap niya.

Tiniyak din ni Rochelle na ang kanilang reunion concert ay isang celebration ng kanilang samahan.

"Ang reunion na ito ay celebration nating lahat – hindi dahilan para pag-awayin ang isa’t isa," aniya. Nagtapos naman ang kanyang mensahe sa tagline na: "Once a Sexbomb, always a Sexbomb".

Read also

Lian Paz, naiyak sa liham at mga regalo ng kanyang bunsong anak na si Niña

Si Rochelle Pangilinan ay isang kilalang Filipina dancer at aktres na unang sumikat bilang founding member at dating leader ng SexBomb Dancers, isa sa pinakasikat na dance groups sa bansa noong early 2000s. Dahil sa kanyang husay sa pagsayaw at malakas na stage presence, naging isa siya sa mga pinaka-recognizable na personalidad sa entertainment industry. Lumawak pa ang kanyang karera nang mapasama siya sa SexBomb Girls bilang recording artist, at nagkaroon sila ng mga hit songs at TV shows. Kalaunan, pumasok siya sa pag-arte at napanood sa iba’t ibang teleserye at drama anthologies, kung saan napatunayan niya ang kanyang versatility bilang performer. Sa personal na buhay, mas lalong minahal ng publiko si Rochelle nang ibahagi niya ang kanyang journey bilang asawa at ina. Ikinasal siya sa aktor at dancer na si Arthur Solinap noong 2017, at biniyayaan sila ng isang anak na babae na si Shiloh Jayne.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay inihayag ni Rochelle Pangilinan na "sumugal" sila nang magdesisyon na magkaroon ng SexBomb reunion concert. Ibinunyag niya na "walang gustong mag-produce" at puno ito ng kawalan ng kasiguraduhan. Aniya Rochelle, ang kanilang layunin ay makapagpasalamat at makapagbigay ng regalo sa kanilang fans. Para kay Rochelle, ang fans nila ang "backbone" nila.

Read also

Sikat na fitness influencer, pumanaw sa edad na 26

Samantalang ay nasabi ni Rochelle Pangilinan na mas naging makahulugan ang reunion concert dahil sa naging reaksyon ng anak niyang si Shiloh. Ikinuwento ng performer na tuwang-tuwa at talon nang talon ang kanyang anak habang siya'y nagpe-perform sa entablado. Inilarawan niya ang sandali bilang lubos na nakakaangat ng loob, lalo na matapos ang mahabang oras ng paghahanda nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco