Alden Richards, sinorpresa ni Julia Montes sa 'ARVXAlden15' concert

Alden Richards, sinorpresa ni Julia Montes sa 'ARVXAlden15' concert

  • Isang sorpresa ang ginawa ni Julia Montes nang umakyat siya sa entablado ng "Moving ForwARd" concert ni Alden Richards
  • Halata ang gulat at tuwa ni Alden nang makita ang kanyang good friend na si Julia
  • Nagbigay ng heartfelt na pagbati si Julia para sa ika-15 anibersaryo ni Alden sa showbiz
  • Sinabi ni Julia sa fans na "deserve na deserve mo" ang tagumpay ni Alden at tama ang taong kanilang sinusuportahan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Hindi napigilan ng Asia's Multimedia Star na si Alden Richards ang kanyang pagkagulat at tuwa nang biglang lumabas sa stage ang kanyang matalik na kaibigan na si Julia Montes sa kanyang concert na pinamagatang 'Moving ForwARd: 15 Years of Alden Richards.'

Alden Richards, sinorpresa ni Julia Montes sa 'ARVXAlden15' concert
Alden Richards, sinorpresa ni Julia Montes sa 'ARVXAlden15' concert (@sparklegmaartistcenter)
Source: Instagram

Ginanap ang concert ng Kapuso artist noong December 13 sa Sta. Rosa Laguna Multi-Purpose Complex.

Ayon sa video na ibinahagi ng @sparklegmaartistcenter, makikita ang paghakbang ni Julia sa entablado habang nakangiti, bagay na talagang ikinagulat at ikinatuwa ni Alden.

Read also

Ellen Adarna, naaliw; napa-react sa interview ni Angelica Panganiban: "Taragis"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang pagbati, nagbigay ng taos-pusong mensahe si Julia sa mga tagahanga ni Alden at tiniyak sa kanila na tama ang artistang kanilang sinusuportahan.

"Congratulations, 15 years. Alam niyo po, sa lahat po ng nandito na sumusuporta at nagmamahal kay Alden, tama po yung taong sinuportahan niyo kasi grabe, nung nakilala ko 'to ang sabi ko, 'Iba.' Kaya ka andito, kung asan ka ngayon, kasi deserve na deserve mo. We're so proud of you," pahayag ni Julia.

Ang matamis at emosyonal na surprise na ito ay nagbigay-diin sa lalim ng pagkakaibigan nina Alden at Julia, na nagkasama sa iba't ibang proyekto at kilalang malapit sa isa't isa.

Si Alden Richards ay isang sikat na Kapuso actor, singer, host, at host. Una siyang nakilala sa GMA-7 matapos sumali sa reality show na StarStruck. Mas lalo siyang sumikat sa mga teleserye tulad ng Alakdana, One True Love, at Victor Magtanggol, at kinilala rin bilang isang mahusay na dramatic actor. Taong 2015 naman nang lalong sumabog ang kasikatan ni Alden dahil sa phenomenal love team na AlDub kasama si Maine Mendoza sa Kalyeserye ng Eat Bulaga. Dahil dito, naging isa siya sa pinaka-prominent leading men sa industriya, nakagawa rin ng blockbuster movies, at nakatanggap ng maraming parangal. Bukod sa showbiz, kilala rin si Alden sa kanyang pagiging family-oriented, at sa pagiging malapit sa mga fans.

Read also

Lian Paz, naiyak sa liham at mga regalo ng kanyang bunsong anak na si Niña

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-viral si Alden Richards dahil sa kanyang reaksyon sa isang fan na gustong magpa-picture. Pabirong sumagot kasi ang anak ng ginang ng "ayoko" nang utusan niya ito na kuhanan sila ng litrato. Ang video na ito ay umabot sa 1.7 milyong views, na nagpapakita ng nakakaaliw na reaksyon ni Alden. Aniya pa kasi ng ginang sa kanyang anak, "Nakakayamot ka!" na lalong nagpatawa sa Kapuso star sa naturang viral na video.

Samantalang ay inalala ni Alden Richards ang ika-10 anibersaryo ng iconic na Kalyeserye segment ng Eat Bulaga. Mahalaga ang segment na ito dahil dito nabuo ang phenomenal AlDub tandem na kinabibilangan nina Alden at Maine Mendoza bilang Yaya Dub. Sa isang taos-pusong post, pinarangalan ni Alden ang mga alaala at masasayang sandaling binigay ng segment. Nagdulot naman ng matinding nostalgia sa mga AlDub fans ang tribute post ng Kapuso actor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco