Kaye Abad, nagluluksa sa pagpanaw ng kalaro ng anak na si Joaquin: "Sakita uy"
- Nagluluksa si Kaye Abad sa Facebook dahil sa pagpanaw ng isang batang nagngangalang VJ
- Si VJ ay tila matalik na kaibigan ng kanyang anak na si Joaquin mula sa boxing gym nito
- Nag-aalala si Kaye kung paano niya sasabihin kay Joaquin ang malungkot na balita
- Humiling siya kay VJ na bantayan si Joaquin at sinabing mami-miss siya ng kanyang anak
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay ang aktres na si Kaye Abad sa kanyang Facebook post matapos ipahayag ang kalungkutan sa pagpanaw ng isang bata na nagngangalang VJ.

Source: Instagram
Ayon sa post ng kilalang aktres, si VJ ay tila matalik na kaibigan ng kanyang anak na si Joaquin sa kanilang boxing gym sessions.
Ibinahagi ni Kaye ang kanyang labis na pagkalungkot at pag-aalala kung paano sasabihin kay Joaquin ang malungkot na balita tungkol sa kaibigan nitong si VJ.
"Hay VJ……. Why so soon? Rest in peace, dong. Sakita uy. I don’t know how to tell Joaquin," aniya Kaye.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hiling din niya kay VJ na bantayan ang kanyang anak at sinabing mami-miss siya nito.
"Please watch over Joaquin ok? Joaquin will miss you," sulat ni Kaye sa Facebook post.
Ang kanyang mensahe ay sinamahan ng isang collage ng mga larawan. Sa isang larawan, makikita sina Joaquin at VJ na magkayakap habang nakasuot ng boxing gloves. Ang iba clip naman ay nagpapakita ng kanilang pagsasanay at group photos kasama ang ibang bata sa boxing gym.
Marami sa mga kaibigan at tagasuporta ni Kaye ang nagpaabot din ng kanilang pakikiramay at nagdasal para kay VJ at sa kanyang pamilya.
Aniya nga ng ilang mga netizens, mahirap daw turuan ang mga bata o ang mga anak tungkol sa grief at loss.
"That’s so challenging as a mother, Ms. Kaye, [you] need something to plan how your son [will] cope with grief [and] pain from his best buddy passing," say ng isang fan.
Si Kaye Abad ay isang aktres na kilala sa kanyang mga proyekto sa telebisyon at pelikula sa Pilipinas. Naging tanyag siya dahil sa kanyang papel bilang Epifania "Eds" Delos Santos sa Tabing Ilog, isang sikat na teen drama series. Lumabas din siya sa ilang teleserye gaya ng Annaliza at Nang Ngumiti Ang Langit. Si Kaye ay kasal sa aktor at negosyanteng si Paul Jake Castillo. Kalaunan, sila ay nagkaroon ng dalawang anak na lalaki na sina Joaquin at Iñigo Leon.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay napaiyak si Kaye Abad matapos niyang matanggap ang bagong pasaporte ng kanyang pamilya. Ang pasaporte ay nawala matapos silang nakawan sa Las Vegas, kaya labis ang kanyang relief. Ipinakita sa video na pinost ni Paul Jake ang candid na sandali ni Kaye, na agad niyakap ng kanyang mga anak.
Samantalang ay muli na namang nawindang si Kaye Abad dahil sa post ni Paolo Contis. Binati kasi ni Paolo kamakailan ang kaibigan nilang si Patrick Garcia. Ngunit ang napiling post at photo ni Paolo ay ikinagulat ng aktres. Dahil dito, agad na napa-comment si Kaye sa photo choice ni Paolo, bagay na kinagiliwan ng marami sa social media.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

