Claudine Barretto, nag-react sa 2017 comment ni Aga sa kanya: "Once upon a time, he was my rock"

Claudine Barretto, nag-react sa 2017 comment ni Aga sa kanya: "Once upon a time, he was my rock"

  • Nag-post si Claudine Barretto ng panayam ni Aga Muhlach mula sa Magandang Buhay
  • Inilarawan ni Aga ang kanyang dating leading leady bilang "the most misunderstood person"
  • Dahil dito ay nagpasalamat si Claudine kay Aga at tinawag siyang "a true gentleman"
  • Ibinahagi rin ni Claudine na minsan ay naging "her rock" niya ang veteran star

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Muling nag-trending sa social media ang friendship nina Aga Muhlach at Claudine Barretto matapos i-repost ng huli ang isang video clip mula sa panayam ni Aga sa programang Magandang Buhay noong 2017.

Claudine Barretto, nag-react sa 2017 comment ni Aga sa kanya: "Once upon a time, he was my rock"
Photos: @viva_tv, @claubarretto on Instagram
Source: Instagram

Sa naturang panayam sa aktor, nagbigay si Aga ng ilang magagandang salita tungkol kay Claudine, na dating naging leading lady niya sa mga pelikulang Kailangan Kita noong 2002, at Dubai noong 2005 naman.

Sa video, maririnig si Aga na nagbahagi ng kanyang positibong pananaw sa kanyang dating leading lady.

"Claudine Barretto, the most misunderstood person, pero kung kilala mo siya, then you will understand her and you will love her more and you will take care of her talaga," saad ni Aga sa viewers ng naturang show.

Read also

Pamilya Gutierrez, humingi ng dasal para sa kanilang ama na si Eddie: "May everything go smoothly"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi naman nagpahuli si Claudine sa kanyang taos-pusong tugon. Sa kanyang opisyal na Instagram page, nagpasalamat siya kay Aga at pinuri ito bilang isang "true gentleman" na ikinatuwa ng marami online.

Bukod pa rito, may tila pag-amin din si Claudine patungkol kay Aga at sinabing ito ay naging "rock" niya noon. Sa post, nagpasalamat din si Claudine sa asawa ni Aga na si Charlene, kasama na ang kanilang kambal.

"I love this guy! A true gentleman and once upon a time, he was my rock. Thank you, Aga, for always being there. Love you & Charlene & the twins. See you soon @agamuhlach317 @itsmecharleneg."

Muli ring nagbigay ng simpleng payo si Aga para kay Claudine sa panayam niya sa Magandang Buhay noon.

"So Claudine, if you are watching, back to work, let's go. Wag kang magpapadala sa mga taong naninira sa iyo. Hayaan mo na sila. People of the world will always judge, let them be. Just do your thing," aniya ng aktor.

Read also

RR Enriquez, nahirapang sumawsaw sa Kim-Lakam isyu: "We have no right to judge Kim"

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Claudine Barretto ay isang kilalang Filipina actress. Nagsimula ang career niya sa murang edad at kalaunan ay naging prominenteng personalidad sa telebisyon sa Pilipinas, kung saan gumanap siya sa mga sikat na sitcom tulad ng Home Along Da Riles at Palibhasa Lalake. Nakilala siya nang husto bilang lead actress sa mga malalaking soap opera gaya ng Saan Ka Man Naroroon — kung saan gumanap siya bilang triplets — at Marina. Bukod sa pag-arte, pumasok din siya sa negosyo at nakibahagi sa mga gawaing pangkawanggawa. Sa kanyang personal na buhay, minsan siyang ikinasal kay Raymart Santiago ngunit nagkahiwalay din sila at na-annul ang kanilang kasal.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagbalik-tanaw si Claudine Barretto sa kanyang post. Dito ay inalala ng aktres ang naging tampuhan nila ni Mito Barretto. Aniya, kahit 'alpha male' daw ang kuya niya, ito ay nag-sorry pa rin. Sa post, inihayag ni Claudine ang pagka-miss niya sa kanyang kuya.

Read also

PNP Bicol in full manhunt after two sisters found dead in Naga

Samantalang ay nagdulot ng pag-aalala sa kanyang mga tagahanga si Claudine Barretto matapos siyang maospital. Sa kanyang post, nakiusap siya sa publiko na huwag humusga online. Hindi na nakapagtataka na umani ng pagmamahal at suporta mula sa marami ang viral post na ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco