RR Enriquez, nahirapang sumawsaw sa Kim-Lakam isyu: "We have no right to judge Kim"

RR Enriquez, nahirapang sumawsaw sa Kim-Lakam isyu: "We have no right to judge Kim"

  • Nagbigay ng saloobin si RR Enriquez tungkol sa desisyon ni Kim Chiu na sampahan ng kaso ang kanyang ate
  • Kinumpirma niya na labis na "generous" si Kim, na madalas daw ay maaaring humahantong sa pag-abuso
  • Aniya RR, tiyak daw siyang hindi naging madali para sa aktres ang desisyon na ito
  • Iginiit din niya na si Kim ay "biktima" at may karapatang magdesisyon para sa kanyang peace of mind

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagpahayag ng kanyang honest thoughts at pakikiramay ang social media personality na si RR Enriquez sa sitwasyong kinakaharap ni Kim Chiu, na nag-file ng kasong qualified theft laban sa sarili nitong kapatid na si Lakam Chiu. Ibinahagi ni RR sa Instagram ang kanyang saloobin tungkol sa masakit na desisyon ni Kim.

RR Enriquez, nahirapang sumawsaw sa Kim-Lakam isyu: "We have no right to judge Kim"
Photos: @rr.enriquez, @kamchiu on Instagram
Source: Instagram

Sinabi ni RR na "in a way" daw ay malapit siya kay Kim dahil iisa ang kanilang handler noon sa Star Magic.

"What happened to these two is really sad. Parehas kami ng handler ni Kim dati sa Star Magic so in a way I know how generous she is and how kind she is to her family (not just to her family but also sa mga taong nakapaligid sa kanya) and sometimes, let's admit it, madalas naabuso tayo dahil sobrang generous or luwag natin sa pera," panimula ni RR sa naturang post.

Read also

Jennica Garcia, emosyonal nang makita ang sub count niya sa Twitch: "Pinapaiyak niyo ko ha"

Sa naturang post, inamin ni RR na inakala niyang maliit lamang ang halaga na nawala sa Kapamilya star.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"When I first heard about it and didn't yet know the exact amount, sabi ko, 'Pera lang 'yan... kikitain niya pa rin 'yan. Importante, kapatid niya ang kumuha ng pera,'" aniya RR na napa-aguy na lamang nang malaman ang halaga umano, "I was thinking the amount taken was only around 5–20 million, but we're talking about hundreds of millions—300 million to be exact. Aguy ang laki pala."

Bagama't nananaig kay RR ang pakiramdam ang kagustuhang magpatawad, sinabi niyang mas madaling magbigay ng payo kapag hindi ikaw ang nawalan. Iginigiit niya na biktima si Kim at may karapatan itong ituloy ang kaso para sa kanyang peace of mind, bagay na pinuri naman ng ilang followers ni RR online.

"I'm sure this decision wasn't easy for Kim. It's painful when you have to file a case against your own sister," panimula ni RR, sabay sabi na wala raw karapatan ang iba na i-judge si Kim, "Pero syempre, it's sooooo easy for me to say na huwag na ituloy kasi hindi ako yung nawalan... We have no right to judge Kim. Hindi siya ang mali dito. Biktima siya na kailangan niyang mag-decide for her peace of mind… Praying for you guys that God will intervene."

Read also

Netizens, naantig sa isang babaeng rider: "May pa-message siya sa helmet"

Pagtatapos ni RR sa kanyang online post, umaasa siyang ibabalik ng Diyos ang lahat ng nawala kay Kim.

Si RR Enriquez ay isang Filipina dancer, model, at TV personality na unang nakilala bilang isa sa mga dancers sa programang Wowowee ng ABS-CBN. Dahil sa kanyang energetic na presensya at magandang personalidad, agad siyang napansin ng mga manonood at naging isa sa mga tanyag na 'Wowowee Girls.' Bukod sa kanyang showbiz career, kilala rin si RR Enriquez bilang outspoken at prangka sa social media. Madalas niyang ibahagi ang kanyang opinyon sa iba't ibang isyu, mapa-showbiz man o personal, na minsan ay nagiging viral at napag-uusapan ng publiko.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay umapela sa publiko si RR Enriquez kamakailan lang dahil sa komento ng ilan. Sa Instagram, ibinahagi ni RR ang ilang komento na kanyang natatanggap lately. Ito ay may kinalaman sa kanya at pati kay Jayjay Helterbrand, na isang dating PBA player. Aniya ng kilalang personality sa kanyang viral online post, "I know y'all have the right na sumawsaw sa love life ko."

Read also

Alexa Ilacad, naloka sa paggamit ng isang netizen sa photo niya: "Ano po konek"

Samantalang ay nagbigay ng matapang na komento si RR Enriquez tungkol sa umano'y ilong ni Sanya Lopez. Ayon kay RR, "Nakakainis yung doktor mo. Nilaro ka," kalakip ng kanyang video post kay Sanya. Naungkat muli ang isyu ng pagpaparetoke na ilang beses nang naiuugnay kay Sanya. Maraming netizens ang nakapansin sa tila pagbabago ng hitsura ng aktres sa kanyang recent photo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco