Jennica Garcia, emosyonal nang makita ang sub count niya sa Twitch: "Pinapaiyak niyo ko ha"
- Labis na naantig si Jennica Garcia matapos niyang makita ang pitong paid subscribers na nag-renew sa kanyang Twitch channel
- Ipinagtapat niya na nanatili ang mga ito sa loob ng halos pitong buwan na wala siyang stream, at sinabing hindi niya deserve ang suportang iyon
- Tinawag niya ang kanyang mga subscriber na "Regalo kayo ng Panginoon"
- Nangako siya na bibigyan niya sila ng gift at hindi na mauulit na bigla siyang mawawala
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagpahayag ng matinding emosyon ang aktres na si Jennica Garcia sa kanyang Instagram story matapos niyang makita na mayroon pa rin siyang maliit na bilang ng paid subscribers na nagre-renew ng kanilang subscriptions sa kanyang Twitch channel, kahit na halos pitong buwan na siyang hindi nagla-live stream.

Source: Instagram
Ibinahagi ni Jennica ang isang picture ng kanyang subscriber list sa Twitch kalakip ang isang lengthy note.
"12 ng madaling araw pinapaiyak niyo ko ha! 9 O'Clock Habit will be back on Dec. 11, 2025," panimula ni Jennica.
Ayon kay Jennica, hindi raw niya deserve ang ganung klase ng suporta kaya't labis siyang nabigla talaga.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"After 7 months of NO STREAM, there are 7 who remained despite my silence. Despite my absence. I don't deserve this kind of support from all 7 of you but here you guys are," pag-amin niya.
Dahil sa ipinakitang loyalty ng kanyang mga subscribers, nagbigay ng pangako at pasasalamat si Jennica.
"I'll NEVER FORGET all 7 of you. Nasa journal ko na usernames niyo! I'll start something mid 2026. Matagal pa but please expect a gift from me. Ipapadala ko kahit nasaanag lupalop kayo ng mundo," pangako niya.
Bukod dito ay nagbigay din si Jennica ng message para sa sarili at sa lahat ng mga nagmamahal sa kanya.
"Regalo kayo ng Panginoon sakin. Salamat kasi nararamdaman ko ang pagmamahal ng Diyos sakin sa bawat isa sa inyo," aniya Jennica. Sa dulo ng kanyang post, muling nangako si Jennica, "Pinalakas na ako ni Lord. Sa susunod na dapa ko, alam ko na kanino ako lalapit. Hindi na mauulit na bigla akong mawawala."

Source: Instagram
Si Jennica Garcia ay isang talented na Filipina actress at TV host. Anak siya ng beteranang aktres na si Jean Garcia at aktor na si Jigo Garcia. Sa paglipas ng mga taon, gumanap si Jennica sa mga kilalang teleserye tulad ng Gagambino, Adik Sa'Yo, Ako si Kim Sam Soon, at Ina, Kasusuklaman Ba Kita?, na nagpatunay sa kanyang husay bilang isang batang aktres sa telebisyon sa Pilipinas. Matapos ang kanyang hiatus, bumalik si Jennica sa showbiz at muli siyang nasilayan sa prime-time television sa pamamagitan ng kanyang breakout role sa Dirty Linen. Noong 2025 naman ay pinuri siya dahil sa kaniyang komplikadong role bilang Sarah Banaag sa Saving Grace ng ABS-CBN, na muling nagpakita ng lalim at lawak ng kanyang kakayahan at husay sa pag-arte.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay isang simpleng Instagram story ang nagpaantig kay Jennica Garcia. Ni-repost niya kasi ang story ni Melai Cantiveros kung saan tinag siya ng huli. Tungkol ito sa pananampalataya, bagay na tila nagpa-emosyonal sa kilalang celebritye momshie. Dahil sa post na ito, inihayag ni Jennica ang labis niyang pag-admire kay Melai.

Read also
Melai Cantiveros, proud sa pagiging 'old school' ng mister: "Wala siyang pakiaalam sa pera ko"
Samantalang ay naging usap-usapan kamakailan si Jennica Garcia dahil sa kanyang reel. Sa Facebook ay nag-post kasi si Jennica ng makuwelang video kasama ang kanyang ina. Marami ang naaliw sa kulitan nila, kung kaya't pumalo ng mahigit 11M views ang video. Bukod pa rito ay marami rin ang natawa sa mga komento ni Jennica ukol kay Jean.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

