Maxene Magalona, inaming "almost 4 years" siyang lumayo sa kanyang pamilya noon

Maxene Magalona, inaming "almost 4 years" siyang lumayo sa kanyang pamilya noon

  • Inamin ng aktres na si Maxene Magalona na kinailangan niyang mag-set ng "healthy distance" sa kanyang pamilya noon
  • Ginawa niya ito dahil sa payo ng kanyang psychiatrist, at dahil ang approach ng kanyang ina ay hindi swak sa hinahanap niya noon
  • Bukod pa rito ay ipinagtapat din niya ang naging "complicated relationship" nila ng kanyang kapatid na si Saab Magalona noon
  • Aniya Maxene, humingi rin siya ng tawad sa kanyang pamilya dahil "I had to stay away from them for almost 4 years" upang makapag-heal

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Naging bukas ang aktres at wellness advocate na si Maxene Magalona tungkol sa kanyang healing journey at ang relasyon niya noon sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang ina at kapatid, sa panayam niya kay Karen Davila sa YouTube.

Maxene Magalona, inaming "almost 4 years" siyang lumayo sa kanyang pamilya noon
Photos: Karen Davila on YouTube | @piamagalona on Instagram
Source: Youtube

Inamin ng aktres kay Karen na kinailangan niyang lumayo sa kanyang pamilya sa loob ng halos apat na taon para sa kanyang mental health.

Tinanong ni Karen si Maxene tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ng kanyang inang si Pia Magalona, kung saan ibinahagi ni Maxene na bagama’t may pagmamahal, kailangan niyang lumayo muna noon.

Read also

Kim Chiu, nag-post ng video montage na may makabuluhang audio: "I'm exhausted"

"It's good, it's better now. I would say na, everyone knows this naman din, I had to take a healthy distance from her for almost 4 years, I think. I did not speak to her for awhile, following the advice of my psychiatrist."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ipinaliwanag ni Maxene na kahit maganda ang intensyon ng kanyang ina, hindi ito ang kailangan niya noon.

"She had all the best intentions, but her approach, it was not what I needed in order for me to grow. She thought that what she was doing was out of love. She would also tell me this na, in her own healing journey, she realized na in some ways, 'I have to let you go,' yun ang sinabi niya."

Naging emosyonal din si Maxene nang pag-usapan nila ang kanyang kapatid na si Saab. Aminado ang aktres na naiintindihan niya ang pananaw ni Saab dahil sa matagal na nilang pinagdaraanan noon pa man.

"Kami ni Saab, it was also a very complicated relationship. I would say I understand Saab's positioning also. Imagine being the sister of Maxene, and all your life, kino-compare kayo so hindi ko rin siya masisi."

Nadama ni Maxene ang kirot ng kanyang kapatid dahil sa pressure ng pagkukumpara sa kanila noon.

Read also

Baron Geisler, inilahad kung gaano ka-instrumental ang kanyang misis sa pagiging grounded niya

"Yung pain din niya na parang lagi kaming kino-compare," aniya Maxene kay Karen sa interview.

Inamin din ni Maxene na humingi siya ng tawad sa kanyang pamilya dahil sa paglayo niya noon sa kanila.

"I apologized to her, I also apologized to my mom, and I apologized to all of my siblings because I had to stay away from them for almost 4 years."

Aniya, tiniyak daw niya noon at sinubukan niya ang lahat para iparamdam sa kanyang mga kapatid na pantay-pantay silang lahat ngunit umabot din sa puntong napagod na raw siya para sa kanyang sarili.

"I tried my best, Karen, with all of my siblings to make everyone feel na, 'Hey, lahat tayo dito special. Hindi ako special, hindi ako more important than any of you.' But ayun na nga, at the end of the day, I felt exhausted and drained."

Ang panayam ni Maxene ay nagbigay-inspirasyon sa marami na hindi madali ang healing process, at kung minsan, ang pagkuha ng healthy distance ay isang act of self-love at hindi dapat tignan bilang "selfish."

Read also

Bettinna Carlos, ibinunyag ang kanyang pagbubuntis: "And 2 on the way"

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Maxene Magalona ay isang kilalang Filipina actress, host, at mental health advocate. Siya ay anak ng batikang rapper na si Francis Magalona at Pia Arroyo. Nagsimula ang kanyang karera sa telebisyon bilang bata sa Ang TV at 5 and Up. Sa kasalukuyan, kilala si Maxene bilang yoga at meditation teacher at isang vocal na mental health advocate. Sa personal niyang buhay, ikinasal siya kay Rob Mananquil noong 2018 sa Boracay. Subalit, noong 2022, kinumpirma niya na siya ay single na muli sa isang interview at sinabing "mutual decision" ang kanilang paghihiwalay.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling hinangaan ng publiko si Maxene Magalona dahil sa kanyang kwento. Kamakailan ay nag-post kasi siya ng selfie kasama ang ina niya na si Pia Magalona. Kasama sa post na ito ay isang taos-pusong kwento sa naging pag-uusap nila ni Pia. Aniya Maxene sa Instagram, "Last night, I had the best conversation with my Mama."

Read also

Dina Bonnevie sa meeting nila ni Ivana Alawi: "Meeting her is a blessing!"

Samantalang ay tila naaliw si Maxene Magalona sa isang headline tungkol sa kanya. Noong July, nag-post si Maxene sa kanyang Instagram ng mga photos. Kasama rito ang isang screenshot ng nasabing headline tungkol sa aktres. Aniya Maxene, ito raw ata ang pinaka-favorite niyang headline tungkol sa kanya na labis din namang kinagiliwan ng marami online.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco