Neil Arce, nag-react sa pago-open up ni Joaquin ukol sa hearing disability niya
- Ipinagmalaki ni Neil Arce ang anak na si Joaquin matapos umamin ang binata tungkol sa kanyang hearing disability sa Bahay ni Kuya
- Ayon kay Joaquin, pinalaki siya na parang walang kapansanan at itinuring ang kanyang condition bilang isanh "super powers" noon
- Sa Instagram, inilarawan ni Neil ang journey ni Joaquin bilang pagbabago
- Maraning netizens naman ang naantig ang puso sa post na ito ni Neil
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nagbigay ng touching at nakaka-proud na message ang film producer na si Neil Arce para sa kanyang anak na si Joaquin Arce, na kasalukuyang housemate sa Pinoy Big Brother, matapos umamin ang binata tungkol sa kanyang hearing disability sa loob ng Bahay ni Kuya.

Source: Instagram
Ibinahagi ni Neil sa kanyang Instagram ang isang clip ng panayam ni Joaquin kay Kuya, kung saan buong tapang na ibinahagi ng housemate ang kanyang karanasan sa pagiging may special needs.
Sa video, sinabi ni Joaquin na hindi niya naramdaman na may special needs siya dahil sa paraan ng pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang.
"Noong lumalaki po ako, hindi ko po naramdaman na special needs po ako kasi 'yung mga magulang ko po, they treated me like I wasn't deaf," paliwanag ni Joaquin.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Idinagdag niya na pinalakas siya ng kanyang mga magulang at tinulungan siyang tingnan ang kanyang condition sa positibong paraan imbis na negatibo.
"They didn't treat me na kawawa ako, they enforced positivity na dahil dito, unique ako... as a kid, inisip ko po siya na superpowers ko siya," aniya Joaquin.
Ang superpowers na ito raw ang nagturo sa kanya na maging isang "good listener" at makinig nang mabuti sa sinasabi ng mga tao na kanyang nakakausap.
Lubos ang pagiging proud ni Neil sa kanyang anak, at inilarawan niya ang journey ni Joaquin bilang pagbabago mula sa pagkakamali tungo sa biyaya at inspirasyon.
"From an accident to a blessing. From having special needs to having super powers. From inspiring me to inspiring millions. Can't ask for a better son. Love you, child!"
Ang post ni Neil ay nagbigay-inspirasyon sa netizens tungkol sa kahalagahan ng unconditional love at positive reinforcement sa pagpapalaki ng mga bata.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Neil Arce ay isang Filipino producer, negosyante, at dating professional pokēr player. Mas nakilala siya sa industriya bilang film producer, lalo na sa likod ng ilang matagumpay na pelikulang Pinoy sa ilalim ng iba't ibang production outfits. Sa personal na buhay, si Neil Arce ay asawa ni Angel Locsin, isa sa pinakamalalaking stars sa showbiz. Matagal na naging usap-usapan ang kanilang relasyon bago sila ikinasal noong 2021. Madalas silang makitang magkasama sa mga charity at relief operations, lalo na sa panahon ng kalamidad, dahil pareho silang aktibo sa pagtulong sa mga nangangailangan, bagay na hinahangaan ng maraming tao.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nabigla ang anak ni Neil Arce na si Joaquin dahil sa kanyang stepmom na si Angel Locsin. Kamakailan kasi ay na-interview ang anak ni Neil sa isang press conference. Dito ay natanong si Joaquin tungkol sa pag-repost ni Angel ng launch photos niya. Aniya Joaquin, talagang nabigla at na-surprise daw siya sa pag-repost ng stepmom niya.
Samantalang ay ipinaliwanag ni Neil Arce kung bakit hindi niya tinatanong si Angel Locsin tungkol sa pagbabalik nito sa showbiz. Tinawag niyang "alpha queen" ang aktres at sinabing iginagalang niya ang lahat ng desisyon nito. Sa ngayon, abala si Angel sa gaming, online classes, at pag-adjust sa pagkawala ng kanyang ama. Nagbigay rin ng suporta si Angel sa stepson na si Joaquin Arce na pumirma ng kontrata sa Star Magic nito lamang.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


