South Korean actress Jo Bo Ah, buntis na sa unang anak
• Kumpirmado ang pagbubuntis ni Jo Bo Ah, ayon sa isang artikulong ibinahagi ng PhilSTAR Life
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
• Humiling ang agency ng respeto at privacy sa detalye ng kanyang pagbubuntis
• Nagbigay ng pasasalamat ang agency sa patuloy na suporta ng fans
• Kilala si Bo Ah sa mga hit K-dramas at may bagong proyekto sana pero naantala

Source: Instagram
South Korean actress Jo Bo Ah ay magiging ina na. Kumpirmado ng agency na XYZ Studio na inaasahan niya ang kanyang unang anak.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Humiling sila ng pang-unawa dahil hindi muna ibabahagi ang iba pang detalye gaya ng due date.
Nagpasalamat din sila sa mga tagasuporta at sinabing babawi si Bo Ah sa pagbibigay ng magagandang performance pagbalik niya sa trabaho.
Isang taon na ang nakalipas mula nang ikasal siya sa kanyang non-showbiz husband noong Oktubre 2024.
Matagal na siyang kilala sa mga lead role sa mga dramang Tale of the Nine Tailed, My Strange Hero, Forest, Destined With You, at Military Prosecutor Doberman.
Lumabas din siya kamakailan sa Netflix series na Dear Hongrang kasama si Lee Jae Wook.
May dapat sana siyang proyekto ngayong taon sa Disney+ na Knock Off, pero naantala ito dahil sa isyu na kinasangkutan ng co-star niyang si Kim Soo-hyun.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Si Jo Bo Ah ay isang South Korean actress na kilala sa mga drama tulad ng Shut Up Flower Boy Band, Temperature of Love, Forest, Tale of the Nine-Tailed, at Destined With You. Sumikat siya dahil sa galing niya sa acting at sa maraming karakter na ginampanan niya—mula sa romantic roles hanggang fantasy at action series. Nagsimula siya bilang TV host bago tuluyang sumikat bilang aktres. Mas lalo siyang nakilala sa Tale of the Nine-Tailed kasama sina Lee D0ng Wook at Kim Bum, kung saan marami ang humanga sa chemistry at performance niya.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

