Karla Estrada, nag-react sa pag-iyak ng anak niyang si Lella sa PBB: "Nandito lang ako, nak"
- Nagbigay si Karla Estrada ng suporta sa kanyang anak na si Lella Ford matapos itong makita na umiiyak sa PBB
- Pinaalalahanan niya si Lella na "hindi palaging mali ang pumili ng ikabubuti mo"
- Binigyang-diin ni Karla na ang mahalaga ay "malinis ang intensyon" ni Lella alam nitong tama ang kanyang pinipili
- Sa huli ay biniro pa nga ni Karla si Lella at sinabihan itong magsuklay
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagbigay ng isang powerful at emosyonal na mensahe ng suporta ang Queen Mother na si Karla Estrada para sa kanyang anak na si Lella Ford, na kasalukuyang housemate sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0.

Source: Instagram
Ang post ni Karla ay tugon sa isang viral clip kung saan makikita si Lella na umiiyak sa loob ng Bahay ni Kuya matapos ang isang nomination, na tila nagpapakita ng bigat ng mga desisyon at emosyon sa loob ng naturang bahay.
Sa kanyang Instagram, tiniyak ni Karla kay Lella na nauunawaan niya ang bigat ng dinadala nito, lalo na ang pagpili ng desisyon na makasasakit sa iba.
"Anak, I'm so proud of you, alam kong nahirapan ka sa desisyon mo kasi may masasaktan, pero tandaan mo: hindi palaging mali ang pumili ng ikabubuti mo. Minsan, may mga tao o sitwasyon talagang masasaktan kahit anong ingat natin," pampalakas-loob ni Karla.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng malinis na intensyon at ang pagiging tapat sa sarili.
"Ang mahalaga, malinis ang intensyon mo at alam mong tama ang pinipili mo. Ang mali ay mali at ang tama ay tama."
Ipinaalala rin ni Karla kay Lella ang pangunahing layunin ng kanilang pagiging housemate—ang maging mas magandang bersyon ng kanilang sarili.
"Nasa loob kayo lahat ng Bahay ni Kuya para maging better versions of yourself at hindi mangyayari yun kung hindi niyo sinasabi sa isa't isa ang bagay na pwedeng i-improve."
Sa huli, tiniyak ni Karla ang kanyang walang hanggang suporta at pagmamahal. "Nandito lang ako nak, Miss na kita!" aniya Karla kay Lella sa online post.
Ang pagsuporta ni Karla Estrada ay nagsilbing comfort kay Lella at nagpakita ng lakas sa gitna ng emosyonal na laban sa loob ng sikat na Bahay ni Kuya.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Karla Estrada ay isang Filipina actress, singer, at television host na kilala sa kanyang mga papel sa pelikula at teleserye. Naging bahagi siya ng iba't ibang TV shows at pelikula mula sa ABS-CBN. Bukod sa pag-arte, sumabak din siya sa pagkanta. Mas lalo pa siyang nakilala sa telebisyon bilang isa sa mga co-host ng morning talk show na Magandang Buhay, kung saan nakilala siya sa kanyang pagiging prangka at makuwelang personalidad. Sa personal na buhay, si Karla ay ina ng aktor at dating Teen King na si Daniel Padilla, pati na ng kanyang iba pang mga anak na sina JC, Magui, at Carmella. Bukas siya sa pagbabahagi ng kanyang karanasan bilang single mom at inspirasyon sa maraming ina na nagsusumikap para sa kanilang pamilya.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-perform kamakailan si Karla Estrada sa South Korea. Ibinahagi niya ang kanyang impromptu performance sa Myeongdong. Sa video, makikita ang aktres na nagpe-perform sa kalye. Aniya Karla, isa raw ito sa best moments ng kanyang bakasyon.
Samantalang noong May, sa one-on-one interview nila, inamin ni Karla Estrada na minsan siyang nainis sa entertainment columnist na si Ogie Diaz. Nilinaw ni Karla na mas pinipili niyang unahin ang kanilang pagkakaibigan kaysa sa tampo o sama ng loob. Ibinahagi rin ni Karla ang pananaw niya sa naging breakup nina Daniel at Kathryn Bernardo noong November 2023.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

