Sam YG, nagbahagi ng video ng gov’t-tagged vehicle na may mga maleta sa likod

Sam YG, nagbahagi ng video ng gov’t-tagged vehicle na may mga maleta sa likod

  • Nagbahagi si Sam YG ng video ng isang gov’t-registered Hilux na may mga maleta sa likod
  • Umani ng libo-libong reaksiyon ang clip sa TikTok at nagdulot ng online curiosity
  • Ikinonekta ng ilang netizens ang caption sa usapin tungkol sa anomalya sa flood control projects
  • Lumampas na sa 700k views ang video at patuloy pang pinag-uusapan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Patuloy na umaani ng atensyon online ang bagong video na ibinahagi ng radio at television personality na si Sam YG sa TikTok, kung saan makikita ang isang puting Hilux na may nakarehistrong gov’t plate at may ilang malalaking maleta sa likod. Kilala si Sam sa kaniyang masayahing presensya sa social media, kaya agad na umani ng samu’t saring komento ang naturang post.

Sam YG, nagbahagi ng video ng gov’t-tagged vehicle na may mga maleta sa likod
Sam YG, nagbahagi ng video ng gov’t-tagged vehicle na may mga maleta sa likod (📷@_samyg/IG)
Source: Instagram

Sa naturang clip, malinaw na makikita ang plate number SKB 2041 na may puting background at pulang numerong karaniwang ginagamit sa mga sasakyang naka-rehistro sa pamahalaan. Ang tanong ng marami ay kung ano ang laman ng mga maleta, lalo na’t may kasama itong caption na “Kanino naman kaya to?” habang ang overlay text naman ay “Mukang may ‘delivery’ na naman!! Aba!! Kaninong bilyones to?!” Nagbunsod ito ng iba’t ibang interpretasyon sa mga nakakita ng video.

Read also

Fhukerat, napahugot: 'Social media is no longer a safe space!'

Bagama’t hindi nagbigay ng anumang konklusyon si Sam, marami sa mga netizens ang nagdala ng diskusyon patungo sa mga usaping mainit na pinag-uusapan kamakailan, partikular ang mga alegasyong iregularidad sa flood control projects. Sa ilang pahayag mula sa mga naging testigo sa naturang isyu, may mga nagkuwento noon tungkol sa pagdadala ng salapi gamit ang mga maleta. Dahil dito, mabilis na nagkaroon ng koneksiyon ang online audience sa nakitang eksena sa video.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tandaan, hindi tinukoy ni Sam kung ano talaga ang nasa mga maleta at hindi rin binanggit kung kanino ito. Marami lang talaga ang naging curious dahil sa kombinasyon ng gov’t plate, malalaking bag, at sa masayang estilo ng kaniyang content. Sa kasalukuyan, lampas 700 thousand na ang views ng video, lagpas 40 thousand na ang likes, at mahigit 7 thousand ang nag-repost—patunay na mabilis kumalat ang clip at may hatid na aliw at usapan.

Ayon sa mga komento, may ilan na nagbiro at may ilan na seryosong nagbigay ng kani-kanilang obserbasyon. May mga nagtanong kung simpleng byahe lang ba ito, habang ang iba naman ay nagparating ng pagka-curious dahil sa timing ng post at sa pagkakaugnay nito sa mga balitang umiikot sa bansa. Sa kabila nito, nanatiling magaan ang tono ng karamihan ng reaksiyon, kasunod ng masayahing personalidad ni Sam sa social media.

Sa loob ng maraming taon, naging isa sa pinakasikat na host at content creator si Sam YG. Ang kaniyang TikTok account, na may higit 126 thousand followers, ay regular na naglalabas ng mga nakaaaliw na videos, challenges, at mga patikim sa kaniyang trabaho at personal na buhay. Kaya naman hindi nakapagtataka na mabilis kumalat ang anumang ibahagi niya, lalo na kung may twist na kagaya ng viral clip na ito.

Read also

Fhukerat, nagbigay-linaw sa pagharang sa kanya sa Dubai

Si Sam YG, o Samir Gogna sa tunay na pangalan, ay matagal nang personalidad sa radyo at telebisyon. Kilala siya sa kaniyang witty humor at pagiging natural sa pakikipag-ugnayan sa audience. Bukod sa hosting, aktibo rin siya sa digital content at madalas na sinusundan dahil sa kaniyang lighthearted na paraan ng pagku-kuwento tungkol sa araw-araw na pangyayari.

Kasal ni Sam YG at Essa Santos Noong 2021, masayang ibinalita na ikinasal na si Sam sa pageant executive na si Essa Santos. Ibinahagi sa ulat ang ilang detalye ng kanilang wedding ceremony at kung paano nila pinili ang simpleng selebrasyon. Nagpakita ito ng bagong yugto sa personal na buhay ni Sam at ng kaniyang asawa.

Komento ni Sam YG tungkol sa isyung may kinalaman sa public funds Sa isa pang ulat ng KAMI, nagbigay si Sam ng biro tungkol sa mga usaping may kinalaman sa paglalaan ng pondo. Sa kaniyang pahayag, sinabi niyang sana ay magkaroon muna ng "tax break," na agad namang ikinatuwa ng mga netizens. Pinuri siya sa pagiging relatable at sa kaniyang kakayahang gawing magaan ang mabibigat na paksa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate