Video ng pagkikita ni Sarina at ng kanyang Ninang Sharon, viral online

Video ng pagkikita ni Sarina at ng kanyang Ninang Sharon, viral online

  • Nag-viral ang video ni Sarina Hilario na tumakbo at agad na napayakap sa kanyang ninang, ang Megastar na si Sharon Cuneta
  • Ipinahayag ni Sarina ang kanyang kagalakan dahil na-meet na niya "finally" sa likod ng stage ang kanyang Ninang Sharon
  • Sapul din sa video ang tila 'guessing game' nina Sarina, Sharon, at Gary Valenciano na tuwang tuwa rin kay Sarina
  • Agad namang inulan ng positive comments ang Instagram post na ito

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang touching at nakakatuwang sandali ang nag-viral sa Instagram matapos magkita sa likod ng stage ang Megastar na si Sharon Cuneta at ang anak ng host na si Jhong Hilario na si Sarina Oceanía.

Video ng pagkikita ni Sarina at ng kanyang Ninang Sharon, viral online
Video ng pagkikita ni Sarina at ng kanyang Ninang Sharon, viral online (@sarinahilario)
Source: Instagram

​Ang video, na ibinahagi sa official page ni Sarina, ay nagpakita ng labis na kagalakan ng bata na sa wakas ay makasama ang kanyang tanyag na ninang.

​Makikita sa video si Sarina, na nakasuot ng polka-dot dress, na tumatakbo sa mahabang hallway at sumalubong sa Megastar nang walang pag-aalinlangan. Agad namang sinalubong ni Sharon si Sarina ng isang mahigpit na yakap.

Read also

Kylie Padilla, nag-react sa video na binahagi ni AJ Raval

​Ayon sa caption na kasama ng video, labis ang kagalakan ni Sarina na makita ang kanyang Ninang Sharon. ​"I FINALLY MET THE MEGASTAR, MY NINANG @reallysharoncuneta and MR. PURE ENERGY @garyvalenciano," aniya sa post.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

​Sa clip, makikitang tuwang-tuwa si Sharon at agad na binuhat si Sarina.

​Ang meeting na ito ay hindi lamang nagpakita ng loving relationship sa pagitan ng Megastar at ni Sarina, kundi nagbigay rin ng light moment backstage sa show.

​Samantalang sa comment section naman ay marami ang naantig sa video.

"Ang lucky naman ni Sarina. Aside sa parang playground niya ang hallway ng ABS eh usual na surrounded siya ng mga idol nating artista," aniya naman ng isang netizen.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Jhong Hilario ay isang kilalang aktor, mananayaw, TV host at politiko. Sumikat siya bilang miyembro ng tanyag na dance group na Streetboys, bago magkaroon ng karera sa pag-arte. Nakilala siya sa kanyang mga antagonistic roles tulad ni Gary David sa remake ng Mara Clara at Homer "Alakdan" Adlawan sa FPJ's Ang Probinsyano. Bukod dito, isa rin siyang regular host sa noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime. Sa personal naman niyang buhay, siya ay kasal kay Maia Azores, at sila ay may cute na anak na babae na si Sarina Oceanía Hilario.

Read also

Fhukerat, nagbigay-linaw sa pagharang sa kanya sa Dubai

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay tila nag-alala si Jhong Hilario at ang kanyang misis dahil kay Sarina. Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan sina Jhong at Maia kasama ang kanilang anak. Habang sila ay nasa Tokyo Disneyland, tila nawala ng mahigit 10 minute si Sarina sa naturang theme park.

Samantalang noong May ay pinasaya ni Sarina Hilario, anak nina Jhong Hilario at Maia Azores, ang puso ng maraming netizens. Ito ay matapos ma-upload sa kanyang social media page ang isang video na nagpapakita ng ilang kaganapan sa kanyang moving-up day. Sa naturang ceremony, nakatanggap ng ilang parangal ang kilalang celebrity kid. Naroon din ang kanyang mga mahal sa buhay upang masaksihan ang makabagbag-damdaming okasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco