Kylie Padilla, nag-react sa video na binahagi ni AJ Raval

Kylie Padilla, nag-react sa video na binahagi ni AJ Raval

  • Nag-react si Kylie Padilla sa video ng kanyang mga anak na sina Alas at Axl na naglalaro kasama ang anak nina AJ Raval at Aljur Abrenica
  • Matagal nang umikot ang tsismis tungkol sa pamilya nina AJ at Aljur bago ito kumpirmahin ng aktres
  • Sinabi ni Kylie na alam na niya ang tungkol dito noon pa at piniling hindi ito ilantad para sa kapakanan ng mga bata
  • Nagpasalamat si AJ sa magandang relasyon ng kanilang mga anak at nagustuhan ito ni Kylie

Naghatid ng magaan na online moment ang Kapuso actress na si Kylie Padilla nang magkomento siya sa isang video na ibinahagi ni AJ Raval, tampok ang anak nitong babae at ang mga anak ni Kylie kay Aljur Abrenica.

Kylie Padilla, nag-react sa video na binahagi ni AJ Raval
Kylie Padilla, nag-react sa video na binahagi ni AJ Raval (@📷kylienicolepadilla/IG)
Source: Instagram

Sa naturang video, makikitang masayang naglalaro sina Alas at Axl kasama ang anak nina AJ at Aljur, habang tila nag-eenjoy sa simpleng laro gamit ang water hose na parang ulan ang peg. Maraming netizens ang natuwa nang makita ang harmonious na pagsasama ng mga bata, lalo na dahil matagal nang usap-usapan ang dynamics sa pagitan ng pamilya nina Kylie, Aljur, at AJ.

Read also

Ellen Adarna, nagbahagi ng matapang na tips para sa mga nakararanas ng pagmamanipula

Ibinahagi ni AJ ang clip sa Instagram at nilagyan ng caption na nagpapahayag ng pasasalamat. Aniya, “She’s growing up with kuyas who adore her… and that’s a blessing I’ll forever be grateful for.” Sa comments section, mabilis na nagbigay-pansin si Kylie at nag-iwan ng mensaheng “Sarap panoorin [red heart emoji]” na agad namang nagpasaya sa mga tagahanga. Maraming netizens ang pumuri sa pagiging mahinahon at positibo ng Kapuso actress, lalo na kung isasaalang-alang ang mahabang timeline ng nangyaring kontrobersiya noong una pang umingay ang relasyon nina Aljur at AJ.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang nang lumabas sa publiko ang relasyon nina AJ at Aljur, agad itong binalot ng mga spekulasyon. Maraming nag-akala na si AJ ang dahilan ng paghihiwalay nina Kylie at Aljur, ngunit tinanggihan ito ng aktres sa ilang panayam. Ani Kylie, hindi kailanman naging ugat si AJ ng kanilang paghihiwalay, at may mas malalim na dahilan ang naging desisyon nila noon.

Naging mas maingay pa ang usapin nang kumalat ang tsismis tungkol sa pagkakaroon umano ng anak sina AJ at Aljur. Ilang beses tinanong si Kylie tungkol dito ngunit nanatili siyang tahimik. Ang kumpirmasyon ay nanggaling mismo sa ama ni AJ, ang action star na si Jeric Raval, na nagsabing mayroon nang dalawang anak ang mag-partner. Kalaunan, umamin si AJ na mayroon na silang tatlong anak, at mula noon ay naging mas open na sila sa pagpo-post tungkol sa kanilang pamilya.

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi ni Kylie na matagal na niyang alam ang tungkol dito ngunit pareho nilang piniling huwag agad itong isapubliko para protektahan ang mga bata. Dahil dito, mas lalong humanga ang netizens sa pagiging mature na paghawak niya sa sitwasyon.

Read also

Robin Padilla reacts to AJ Raval’s revelation: “Hindi na ako nabibigla”

Ngayon na mas bukas na si AJ sa pangyayari, mas lumalabas na rin sa social media ang bonding moments ng kanilang mga anak. Ang pinakabagong video ang nagpakita ng masaya at maaliwalas na relasyon ng mga bata, bagay na marahil pinakatamang tanda na unti-unting unti nang nakakahanap ng bagong balanse ang blended family setup nila.

Si Kylie Padilla ay isang aktres mula sa prominenteng Padilla clan, kilala sa mga serye at pelikula sa GMA Network. Bukod sa pagiging aktres, isa rin siyang hands-on na ina sa dalawang anak niya kay Aljur Abrenica. Sa kabila ng mga pinagdaanan niya sa personal na buhay, bihira siyang magsalita ng negatibo tungkol sa mga taong dating bahagi ng kanyang buhay at mas pinipiling ituon ang pansin sa kapakanan ng kanyang mga anak.

Sa isang ulat ng Kami, ibinahagi ni AJ Raval ang kauna-unahang adorable video ng anak niyang si Alkina na nakikipaglaro kina Alas at Axl. Ayon sa report, masaya at natural ang bonding ng mga bata, at naging daan ito para makita ng publiko ang magandang samahan ng pamilya.

Samantala, naiulat din ng Kami na nagbigay si Kylie Padilla ng isang warm at affectionate na tribute para sa birthday ng kanyang ama, si Robin Padilla. Ibinahagi niya ang ilan sa pinakamahahalagang natutunan niya mula rito, at muling pinatunayan ang kanilang malapit na relasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate