Ellen Adarna, ipinakita ang message sa kanya ni "Alexa" na ex umano ni "Derek"
- Ibinahagi kamakailan ni Ellen Adarna ang isang mensahe mula sa isang nagpakilalang "Alexa"
- Nanawagan si Ellen sa mga "marites" na itigil ang pag-blame kay Alexa
- Nilinaw ni Ellen na ang issue ay tungkol sa "side chick" na hindi naman daw naging girlfriend talaga
- Sa chat ni Alexa, inamin niya na naging biktima siya ng emosyonal at psychological manipulations
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Muling umarangkada sa social media si Ellen Adarna matapos niyang magbahagi ng mga Instagram stories na direktang tumugon sa mga "marites" at nagbigay ng sneak peek sa private message mula sa isang babaeng tinawag niyang "Alexa."
Ang mensahe ni Alexa ay tumalakay sa isyu ng cheating, manipulation, at ang label na "side chick" na matagal nang iniuugnay sa kanya ayon kay Ellen sa Instagram.

Source: Instagram
Ibinahagi ni Ellen ang screenshots ng mahabang message mula kay Alexa, na humingi ng tawad at nagpaliwanag sa kanyang pinagdaanan sa nakaraan. Tila ang mensahe ni Alexa ay tugon sa mga patuloy na namba-bash sa kanya online.
Ito ang naging apela ni Ellen sa publiko, kalakip ang message ni Alexa: "Mga marites, stop blaming and messaging Alexa (Derek's ex) for being the side chick. She reached out to me directly – and this is what she said. She asked me to share it publicly so people know her truth. And for the record, I only received this message today."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Matapos ang notice na ito ay nagbigay si Ellen ng isang B&W na text post na lalong nagpalinaw sa sitwasyon nila, "Again - the side chick was NEVER a girl friend."

Source: Instagram

Source: Instagram
Sa message naman ni Alexa kay Ellen, inamin niya na matagal siyang naging biktima ng emotional at psychological na manipulation noong mas bata pa siya.
"I don't know what you know, but we were together for several years when I was much younger, and it took a long time for me to understand the emotional and psychological patterns I was caught in. During that time, I made choices that were completely out of character for me. I carried a lot of shame," aniya Alexa sabay sabi kay Ellen ng, "He saw my weakness and used it to his advantage."
Pinasalamatan din ni Alexa si Ellen sa kanyang pagiging matapang online: "I'm so glad you've broken the silence and hopefully that very toxic cycle," aniya Alexa.
Ang posts ni Ellen ay nagbigay-diin sa kanyang panawagan na itigil na ang online bullying at husgahan ang mga tao batay sa hindi kumpletong impormasyon.

Source: Instagram

Source: Instagram
Si Ellen Adarna ay isang Filipina actress, model, at personality sa social media na kilala sa kanyang candid personality at kapansin-pansing ganda. Unang nakilala si Ellen sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng kanyang mga papel sa iba't ibang palabas sa telebisyon. Bukod sa kanyang karera sa entertainment, kilala rin siya sa pagiging tapat at walang filter sa social media. Sa kanyang personal na buhay, siya ay kasal kay Derek Ramsay. Bago nito, naging bahagi siya ng isang high-profile na relationship kay John Lloyd Cruz, kung saan nagkaroon sila ng anak.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-viral si Ellen Adarna matapos mag-post ng video na nagpapakita ng comment umano ni Derek Ramsay. Bilang resibo, naglabas si Ellen ng old video mula noong June 2024 kung saan maririnig ang boses ng aktor. Ang video ay kinunan noong 6 na buwang buntis si Ellen, na nagbigay-linaw sa tensyon sa kanila.
Samantalang ay ibinunyag ni Ellen Adarna na dalawang beses siyang tumawag ng "barangay" upang paalisin ang isang hindi pinangalanang tao. Bukod pa rito ay ibinunyag din ni Ellen ang naging "agreement" nila tungkol sa pagtira niya sa bahay ng tao na ito. Bagama't ay wala siyang pinangalanang tao, marami ang napaisip kung si Derek Ramsay ang subject.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


