Marian Rivera, may mensahe kay Zia matapos ang performance nito sa That's Amore
- Labis na ipinagmalaki ni Marian Rivera ang kanyang anak na si Zia Dantes matapos ang successful nitong pagtatanghal sa That's Amore concert
- Ayon kay Marian, ang boses ni Zia ay hindi lang tunog, kundi isang "story, a feeling, a light that touches everyone who hears you"
- Tiniyak niya kay Zia na siya, si Dingdong, at si Sixto ay "forever proud" at laging susuporta sa kanya
- Hinikayat niya ang kanyang anak na patuloy na mangarap dahil alam niyang si Zia ay nakalaan para sa "something truly special"
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Labis ang pagmamalaki at emosyon ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera matapos ang successful na pagtatanghal ng kanyang anak na si Zia Dantes sa concert na That's Amore: A Night at the Movies.

Source: Instagram
Nag-post si Marian ng isang carousel ng mga larawan sa Instagram page niya na nagpapakita kay Zia na nakasuot ng napakagandang gown habang umaawit sa stage. Ang caption ni Marian ay isang taos-pusong message tungkol sa talento at magandang puso ng kanyang panganay na anak.
Ayon kay Marian, ang pag-awit ni Zia ay hindi lamang nagpuno sa stage kundi sa puso rin niya bilang isang napaka-proud na mommy.
"As your Mama, nothing makes my heart fuller than watching you shine in something you love. Every time you sing, I see your passion, your strength, and the beautiful soul you carry," panimula ni Marian online.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Binigyang-diin niya na ang talento ni Zia ay may mas malalim na kahulugan kaysa sa tunog lamang na napaparinig niya sa manonood:
"Your voice isn't just a sound — it's a story, a feeling, a light that touches everyone who hears you."
Lubos ang paghanga ni Marian sa pagiging hardworking ni Zia, na aniya'y inspirasyon hindi lang sa kanilang pamilya kundi pati na rin sa ibang tao.
"I will always be proud of you, not just because you sing beautifully, but because you give your whole heart to everything you do. Keep inspiring others with your courage and your kindness. Keep dreaming, anak, because I know you're meant for something truly special."
Tiniyak din ni Marian na silang lahat, kasama si Dingdong Dantes at ang bunsong si Sixto, ay laging nakasuporta sa bawat hakbang ng kanyang anak. Nagpasalamat din siya kay Coach Jadericcio Soprano sa guidance nito.
"Mama, Dada & Sixto are forever proud of you — and we will be right beside you in every stage of your journey... We love you endlessly, Ate Zia. Always."
Bukod pa rito ay pinuri rin ni Marian ang taga-disenyo ng mga gown ni Zia: "And a special shoutout to @stephgtan @stephtancouture for the beautiful gowns that Zia wore – they made her shine even more," aniya ng aktres.

Source: Instagram
Si Marian Rivera ay isang kilalang Filipina–Spanish na aktres at modelo na under ng GMA Network. Umunlad ang kanyang career mula sa pagiging commercial model noong 2005 hanggang sa sumikat siya bilang bida sa remake ng seryeng Marimar. Mula noon, nakilala siya sa iba pang hit series tulad ng Dyesebel, Darna, Amaya, at Temptation of Wife. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, kilala si Marian bilang isang award-winning talent. Samantalang sa personal niyang buhay, kasal siya kay Dingdong Dantes, at sila ay may dalawang anak na sina Zia at Sixto.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nilinaw ni Marian Rivera na hindi basehan ng pagiging mahusay ang pagiging fluent sa English. Ibinahagi niya na lumaki siyang kasama ang kanyang lola na hindi rin marunong mag-English, kaya naging komportable siya sa Filipino. Sinabi niyang mas mahalaga ang pagiging totoo at masaya sa sarili kaysa piliting patunayan ang sarili sa iba.
Samantalang ay si Marian Rivera ay nagdala ng tuwa at saya sa kanyang mga fans. Kamakailan lang ay nag-post si Marian ng panibagong video sa TikTok. Makikitang kumasa siya at si Zia Dantes sa sikat at viral na 'Bugatti' trend. Ngunit nang siya na ang dapat kumasa sa trend, may nakaaliw na nangyari.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


