Derek Ramsay, nag-repost ng “Six Stages of Marriage” sa IG story

Derek Ramsay, nag-repost ng “Six Stages of Marriage” sa IG story

  • Nirepost ni Derek Ramsay ang “Six Stages of Marriage,” isang viral content mula sa mental.aspect IG
  • Naglalaman ito ng anim na yugto ng pagsasama at kung bakit karamihan ay humihinto sa ikatlong yugto
  • Kasabay ng IG story ay muling napag-usapan online ang kasalukuyang estado ng pagsasama nila ni Ellen Adarna
  • Patuloy na nananatiling pribado ang mag-asawa at hindi nagbibigay ng anumang direktang pahayag tungkol sa mga usapin sa social media

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagkaroon ng panibagong usapin sa social media matapos i-repost ni Derek Ramsay sa kanyang Instagram Story ang isang content mula sa mental.aspect IG na tumatalakay sa “Six Stages of Marriage.” Maraming netizens ang agad na napalingon sa post dahil malinaw na tinalakay nito ang mga normal na pinagdadaanan ng mag-asawa at kung bakit sinasabing karamihan ay nahihirapan sa ikatlong yugto. Bagama’t general relationship content ang laman ng repost, hindi maiwasang magbigay ng sariling interpretasyon ang ilan, lalo na’t matagal nang napag-uusapan online ang kasalukuyang estado ng pagsasama nila ni Ellen Adarna.

Read also

Monterrazas de Cebu developer issues statement on DENR findings

Derek Ramsay, nag-repost ng “Six Stages of Marriage” sa IG story
Derek Ramsay, nag-repost ng “Six Stages of Marriage” sa IG story (📷@ramsayderek07/IG)
Source: Instagram

Ang nilalaman ng post ay naglalarawan ng anim na yugto ng marriage: simula sa Stage 1: The Fantasy Stage kung saan lahat ay masaya at puno ng excitement, hanggang sa Stage 2: The Reality Check Stage kung kailan lumilitaw ang mga tunay na ugali at tanong kung kaya bang tanggapin ang isa’t isa. Ayon sa post, Stage 3: The Frustration Stage ang pinakamadalas na hindi nalalampasan ng maraming couples. “This isn't what I signed up for. Arguments sting deeper. Doubts creep in, and you wonder if you chose the wrong person,” ang bahagi ng nilalaman.

Sa pag-usad ng listahan, binanggit din ang Stage 4: The Growth Stage kung saan mas nauunawaan na ng mag-asawa ang isa’t isa, kasunod ang Stage 5: The True Love Stage na nagsasabing mas malalim ang koneksyon kapag nalampasan ang mga pagsubok. Sa huli, ang Stage 6: The Legacy Stage ang naglalarawan ng relasyon na nagiging inspirasyon sa iba.

Read also

Nadine Lustre nilinaw ang “no tea, no shade” isyu matapos mag-trending ang TikTok video

Kasabay ng pag-repost ni Derek, muling naging paksa sa online discussions ang marriage nila ni Ellen. Ilang linggo nang may usap-usapan tungkol sa kanila dahil sa mga obserbasyong nagpapahiwatig na mas tahimik ang dalawa sa social media kaysa sa dati. Sa kabila nito, walang anumang direktang pahayag ang lumabas mula sa alinman sa kanila, at ang tanging malinaw ay pinananatili nilang pribado ang anumang detalye tungkol sa kanilang personal na buhay. Patuloy din ang kanilang individual posts tungkol sa kanilang mga araw, na nagpapakitang abala sila sa kani-kanilang routine at family life.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Derek Ramsay ay isa sa pinakakilalang aktor at host sa bansa, kilala rin sa sports at modeling. Samantala, si Ellen Adarna naman ay isang aktres at entrepreneur na may malaking following online dahil sa kanyang candid humor at pagiging straightforward sa social media. Nagpakasal ang dalawa noong 2021 at simula noon ay madalas na naging tampok ang kanilang fun, relaxed at minsang playful na marriage dynamic.

Ellen Adarna on cutting ties with corrupt politicians Sa isang naunang artikulo, nagbigay ng matapang na pahayag si Ellen tungkol sa pamantayan niya sa mga taong gusto niyang maging bahagi ng kanyang buhay. Ibinahagi niya na pinipili niyang umiwas sa mga personalidad na hindi tugma sa kanyang prinsipyo. Mabilis itong pinag-usapan online dahil sa pagiging diretso niya sa kanyang stand.

Netizens react “Happy Anniversary” to Derek’s 11.11 post Sa isa pang ulat, nag-post si Derek noong 11.11 na agad namang nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa publiko. Marami ang nagkomento ng “Happy Anniversary,” na nagpapakitang inaabangan pa rin ng supporters ang bawat update tungkol sa kanila ni Ellen. Pinatunayan nito na malaki pa rin ang interes ng netizens sa kanilang relasyon.

Read also

“Quen didn’t post this”: Manager ng Kapamilya actor nilinaw ang lumabas na post

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate