Nadine Lustre nilinaw ang “no tea, no shade” isyu matapos mag-trending ang TikTok video

Nadine Lustre nilinaw ang “no tea, no shade” isyu matapos mag-trending ang TikTok video

  • Nagbigay-linaw si Nadine Lustre tungkol sa trending TikTok video na pinag-usapan online
  • Ayon kay Nadine, ang clip ay walang “tea” at walang “shade” at hindi nakatuon sa kahit kanino
  • Naugnay ang video sa panayam ni Issa Pressman tungkol sa maayos nilang komunikasyon
  • Kinumpirma ng content owner na matagal nang gustong gawin ni Nadine ang dub na iyon

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagbigay-linaw si Nadine Lustre matapos maging sentro ng usapan ang isang TikTok video na in-upload niya at mabilis na umikot sa social media. Maraming fans at netizens ang nag-ugnay ng clip sa panayam ni Issa Pressman, na kamakailan ay nagbahagi ng kuwento tungkol sa pagharap niya sa personal na hamon at sa mga usaping nag-ugat sa nakaraan.

Nadine Lustre nilinaw ang “no tea, no shade” isyu matapos mag-trending ang TikTok video
Nadine Lustre nilinaw ang “no tea, no shade” isyu matapos mag-trending ang TikTok video (📷@nadine/IG)
Source: Instagram

Sa panayam ding iyon, sinabi ni Issa na bago sila lumabas sa publiko ni James Reid bilang magkasintahan, nagpadala muna siya ng mensahe kay Nadine bilang paggalang sa dati nilang samahan.

Ayon kay Issa, naging mabait at bukas si Nadine sa naging pag-uusap nila. “Good morning. To be honest, that’s been a lifetime ago, I appreciate you telling me. I wish you guys the best of luck.” Dahil dito, maraming netizens ang nag-isip na malinaw at payapa na ang lahat sa pagitan nila. Gayunman, nang sumulpot ang TikTok video ni Nadine na may linya na “pwede na tayo magsama kasi, accept na tayo nila,” mabilis na nagkaroon ng iba't ibang interpretasyon mula sa publiko.

Read also

“Quen didn’t post this”: Manager ng Kapamilya actor nilinaw ang lumabas na post

May mga nagsabing maaaring may pinatatamaan ang aktres, habang ang iba naman ay nanatiling neutral at naghintay ng sagot mula mismo kay Nadine. Hindi nagtagal, nagkomento si Nadine sa mismong thread ng video. Sinabi niyang “no tea, no shade, just pink lemonade,” at itinuring ang mga haka-haka bilang labis na pagbibigay-kahulugan. Nilinaw rin niyang “don’t know the song. doesn’t have any hidden meaning. cmon guys.” Pinutol nito ang mga spekulasyon na may mensahe siyang ipinaparating.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nadine Lustre nilinaw ang “no tea, no shade” isyu matapos mag-trending ang TikTok video
Nadine Lustre nilinaw ang “no tea, no shade” isyu matapos mag-trending ang TikTok video (📷@nadinelustre/TikTok)
Source: TikTok

Sinundan ito ng paliwanag mula kay Paul Nebres, ang may-ari ng TikTok account na gumamit ng video. Ipinaliwanag niyang matagal nang gustong gawin ni Nadine ang dub at wala itong kaugnayan sa anumang isyu na lumutang online. Ayon sa kanya, simpleng content lamang ang nilalaman ng clip at hindi ito konektado sa kahit anong kontrobersya na binabalita sa social media.

Kasalukuyang nasa isang tahimik at masayang yugto si Nadine kasama ang partner niya ngayon na si Christophe Bariou. Samantala, sina James Reid at Issa Pressman ay nagkumpirma ng kanilang relasyon noong 2023, tatlong taon matapos maghiwalay sina James at Nadine. Dahil sa magkakaugnay na timeline, hindi maiiwasang magkaroon ng bagong usapan tuwing may viral content na posibleng iugnay sa kanilang nakaraan. Kaya naman naging mahalaga ang paglilinaw na ginawa ni Nadine upang mapatigil ang maling interpretasyon.

Sa kabila ng mga online buzz, nananatiling maayos ang imahe ni Nadine sa industriya. Kilala siya sa pagiging prangka at malinaw magsalita tuwing may isyung ibinabato sa kanya. Sa pagkakataong ito, simple at diretso ang mensahe ng aktres. Ang video ay para lamang sa kasiyahan, walang nakatagong komentaryo, at walang intensyong makaapekto sa ibang tao.

Read also

Matinding sakripisyo: Rescuer tumulong sa iba, sariling pamilya tinangay ng baha

Kilalang aktres, singer, at multimedia personality si Nadine Lustre. Nakilala siya sa mga serye at pelikulang tumatak sa masa dahil sa natural niyang pag-arte at malakas na screen presence. Isa rin siya sa pinaka-pinag-uusapang personalities sa digital space dahil sa kanyang openness tungkol sa personal growth, creativity, at pagiging hands-on sa mga proyekto.

Janno Gibbs, nag-post ng birthday tribute kay Nadine Noong nagdaang kaarawan ni Nadine, nag-upload si Janno Gibbs ng mensahe para sa kanya na nagpakita ng respeto at paghanga sa aktres. Sa post niya, tinawag niyang “partner” si Nadine, na ikinatuwa ng mga fans dahil sa magandang samahan nila sa proyekto. Ang tribute ay nagbigay liwanag sa propesyonal na ugnayan nila at sa suporta ni Janno sa karera ng aktres.

Issa Pressman, sinabi na nagbigay ng blessing si Nadine bago sila lumabas sa publiko ni James Reid Sa hiwalay na balita, ibinahagi ni Issa ang pagiging maayos ng kanilang komunikasyon ni Nadine. Inalala niya kung paano siya nag-message kay Nadine bago nila gawing public ang relasyon nila ni James. Ayon sa kanya, naging magaan at magalang ang tono ng kanilang pag-uusap, na nagpatunay ng maturity sa sitwasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate