“Walang kulong ‘yan!” Vice Ganda, humirit muli tungkol sa mga isyung panlipunan sa Showtime
- Vice Ganda muling nagbigay ng matapang na komento tungkol sa isyu ng korapsyon sa bansa sa segment ng “It’s Showtime”
- Ang komento ay nag-ugat sa biruan kasama ang isang contestant na nagnanais magtrabaho sa isang government office
- Maraming netizens ang umani ng tawanan at sabay napaisip sa mga banat ng komedyante
- Bagama’t may halong biro, ang mensahe ni Vice ay umalingawngaw bilang pahayag ng pagkadismaya sa kawalan ng pananagutan sa mga isyu ng bayan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Humirit muli ang “Unkabogable Star” na si Vice Ganda hinggil sa isyu ng katiwalian sa bansa, na ayon sa kaniya, tila walang napaparusahan sa kabila ng paulit-ulit na usapin tungkol dito.

Source: Instagram
Sa segment na “Laro Laro Pick” ng It’s Showtime, tinanong ng host ang isang contestant tungkol sa kaniyang pangarap matapos maka-graduate bilang magna cumlaude ng Bachelor of Science in Office Administration. Sagot ng contestant, gusto umano niyang maging manager sa isang government office—na agad namang sinabayan ni Vice ng isang malutong na biro.
"Ay malaking kita!" ani Vice, na sinundan ng tawanan mula sa studio audience.
Dagdag pa niya habang nagbibiro, "Ang pinupuntirya government office… ang husay! Nanonood ng balita, gustong magkaroon ng mga ari-arian sa ibang bansa!"
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nang sabihin ng contestant na nais niyang magtrabaho sa loan remediation department, muling nagbigay ng witty remark ang host: "Pautangan! Mahusay ‘to. Gustong yumaman agad. Tapos kapag nabuking, magkakasakit, papa-check-up sa malayo, at hindi na muling babalik!"
Ngunit ang pinaka-tumatak na linya ni Vice ay nang sumingit siya sa tanong ni Vhong Navarro tungkol sa dahilan ng pagpili ng contestant sa naturang trabaho. "At bakit naman hindi? Ang dami nating kilala, walang kulong ‘yan! Ang mga may kulong ngayon ‘yong mga nagko-costume ng pulis, mga ganiyan, pero ‘yong mga malalaking nakawan, walang kulong ‘yan! Oh ‘di ba... walang kulong ‘yan! Rally-rally pa kayo, walang kulong ‘yan! Mamamatay rin ‘yang isyung ‘yan!"
Agad nag-trending online ang clip ng nasabing segment, na umani ng halo-halong reaksiyon mula sa netizens. May ilan ang natawa sa pagiging prangka ni Vice, habang ang iba naman ay nagsabing may laman at tama ang kaniyang obserbasyon.
Bagama’t hindi siya tuwirang nagbanggit ng pangalan, maraming netizens ang nag-ugnay sa kaniyang pahayag sa mga kasalukuyang isyu hinggil sa mga umano’y maanomalyang flood control projects at mga kontrata sa ilang bahagi ng bansa. Kabilang sa mga napag-uusapan ay ang mga pangalan ng ilang dating opisyal na sinasabing sangkot sa mga proyekto ngunit nananatiling hindi nakaharap sa anumang imbestigasyon.
Kilalang matapang at maprangka si Vice Ganda pagdating sa pagbibigay ng komento tungkol sa mga isyung panlipunan. Madalas niyang gamitin ang kanyang platform upang ihayag ang mga obserbasyon at saloobin sa pamamagitan ng nakakatawang ngunit may kurot na mga pahayag.
Mahigit 100 araw na ang lumipas mula nang sabihin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kailangang magkaroon ng pananagutan sa mga isyung ito. Gayunpaman, hanggang ngayon ay wala pa ring balitang may napapanagot o nabibigyan ng kaparusahan kaugnay ng mga alegasyon ng kurakot.
Para sa maraming manonood, ang mga hirit ni Vice ay nagsisilbing paraan upang maipahayag ang hinaing ng karaniwang Pilipino—na sawa na sa paulit-ulit na pangako ng katarungan ngunit bihira ito.
Si Vice Ganda ay isa sa pinakakilalang komedyante, host, at aktor sa bansa. Bukod sa pagiging bahagi ng It’s Showtime, kilala rin siya sa paggamit ng kanyang boses upang magpahayag ng mga opinyon sa mga isyung pampulitika at panlipunan. Sa kabila ng halong biro, madalas na may matinding mensahe ang kanyang mga pahayag—na umaabot hindi lamang sa studio audience kundi pati sa online community.

Read also
Barangay tanod sa Bohol, nasawi matapos mabagsakan ng niyog sa kasagsagan ng bagyong “Tino”
Vice Ganda at Ion Perez, ipinagdiwang ang ika-7 taon ng kanilang relasyon Sa kanilang anibersaryo, ibinahagi nina Vice Ganda at Ion Perez ang mga totoong karanasan at pagsubok na kanilang napagdaanan sa loob ng pitong taon. Maraming netizens ang natuwa at humanga sa kanilang katapatan at matatag na relasyon.
Vice Ganda, biniro si Ryan Bang sa kanilang anniversary vlog moment Sa isang vlog episode, muling nagpasaya si Vice Ganda sa pamamagitan ng mga nakakatuwang banat kay Ryan Bang. Nagbigay ito ng saya sa mga manonood at muling ipinakita ang natural na chemistry ng Showtime hosts on- and off-cam.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

