Coco Martin, nagpapatayo na ng dream house nila ni Julia Montes

Coco Martin, nagpapatayo na ng dream house nila ni Julia Montes

  • Kinumpirma ni Coco Martin na ipinapatayo na niya ang dream house nila ni Julia Montes
  • Nilinaw ng aktor na hindi pa sila kasal sa kabila ng mga kumakalat na balita online
  • Ibinahagi ni Coco na may mga bagay pa siyang inaayos bago ang mga susunod na hakbang sa kanilang relasyon
  • Inilarawan ni Julia ang kanilang pagsasama bilang parang fairytale at pinasalamatan si Coco sa pagdating sa tamang panahon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Kinumpirma ng Kapamilya Teleserye King na si Coco Martin na ipinapatayo na niya ang dream house nila ng longtime partner na si Julia Montes. Gayunman, nilinaw ng aktor na hindi pa sila kasal, taliwas sa mga kumakalat na tsismis sa social media.

Coco Martin, nagpapatayo na ng dream house nila ni Julia Montes
Coco Martin, nagpapatayo na ng dream house nila ni Julia Montes (📷@cocomartin_ph/IG)
Source: Instagram

Sa panayam ni Coco sa beteranong mamamahayag na si Karen Davila sa YouTube vlog nito, naging bukas ang aktor tungkol sa ilang aspeto ng kanyang buhay, kabilang na ang kanilang matagal na pagsasama ni Julia. Ayon kay Coco, may mga bagay pa siyang gustong ayusin bago gawin ang mga mas seryosong hakbang sa kanilang relasyon.

Read also

Content creator, natagpuang patay sa bathtub sa loob ng isang hotel

"Hindi pa (kasal). May pagka-direktor ka (tinutukoy ang sarili). May mga bagay ka pang inaayos sa buhay mo na gusto mo kapag nangyari ang bagay nayon ay perfect timing," paliwanag ni Coco.

Dagdag pa niya, kasalukuyan siyang abala sa pagpapatayo ng kanilang tahanan na matagal na nilang pinapangarap ni Julia. "Kasi kanya-kanya tayo ng dreams. Ako kasi nagpapatayo kasi ako ng bahay ngayon. Kasi sabi ko, kapag natapos na siya lahat, gusto ko after doon ko na siya mabubuo," ani ng FPJ’s Batang Quiapo lead star.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nang tanungin kung kasal na ba ang susunod na plano, hindi ito diretsahang sinagot ng aktor. "Basta ako na lang ang nakakaalam noon. Kasi sabi ko nga po may plano ako, may gusto akong mangyari. Ang hirap magsalita, kasi ayaw ko masira, baka mamaya magkaroon ng problema whatever," ani Coco.

Read also

Glaiza de Castro, may nakakaantig na pagbati sa kanyang "amigah" na si Angelica Panganiban

Sa panig naman ni Julia Montes, ibinahagi niya sa mga nakaraang panayam kung gaano niya pinahahalagahan ang relasyon nila ni Coco, na tumagal na nang higit isang dekada. Ayon sa aktres, si Coco ang “knight in shining armor” niya.

"Kasi para sa akin, fairytale. Nasabi ko na sa past interview na parang knight in shining armor ko siya... Ang prayer ko kay Lord, specifically, ‘Lord pagod na ako mag-alaga, gusto ko naman ako ‘yung alagaan.’ Tapos ito na siya, Coco Martin,” masayang pahayag ni Julia.

Dagdag pa niya, matagal na siyang humiling ng isang relasyon na matatag at may respeto. "Hanggang sa eventually, kada pray ko, wala, binibigay ni Lord. Up to now, kami pa rin. Thank you Lord!" aniya.

Hindi man diretsong nagbahagi ng detalye ang dalawa tungkol sa kanilang kasal, ramdam ng mga tagahanga ang lalim ng pagmamahalan nila at kung gaano nila pinapahalagahan ang kanilang pribadong buhay. Sa kabila ng kasikatan, nananatiling lowkey ang couple at mas pinipiling ipakita ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng suporta sa isa’t isa at mga proyekto sa showbiz.

Si Coco Martin ay isa sa pinakatanyag na aktor sa bansa at kinikilalang “Teleserye King” ng ABS-CBN. Nakilala siya sa mga seryeng FPJ’s Ang Probinsyano at FPJ’s Batang Quiapo, kung saan ay hindi lamang siya bida kundi direktor din. Samantala, si Julia Montes naman ay kilalang aktres na unang sumikat sa Mara Clara at naging leading lady ni Coco sa ilang proyekto. Ang kanilang tambalan ay isa sa mga pinakamatibay sa industriya, parehong sa onscreen at sa tunay na buhay.

Read also

Coco Martin, inilahad kung bakit swerte siya kay Julia Montes

Julia Montes, nagsalita tungkol sa babaeng sinasabing flirty kay Coco Martin Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, diretsahang sinagot ni Julia ang isyu ng babaeng iniuugnay umano kay Coco Martin. Sa halip na palakihin ang usapin, pinili ng aktres na maging kalmado at ipinakita ang tiwala niya sa kanyang partner.

Coco Martin, ibinahagi kung bakit swerte siya kay Julia Montes Sa isang artikulo ng Kami.com.ph, inilarawan ni Coco kung gaano siya nagpapasalamat sa pagkakaroon ng isang tulad ni Julia sa kanyang buhay. Aniya, malaking inspirasyon si Julia sa kanya bilang artista at bilang tao, at isa ito sa mga dahilan kung bakit patuloy siyang nagsisikap.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate