Rita Daniela, inaming siya ang nag-first move sa relasyon nila ni McLaude Guadaña
- Rita Daniela inamin na siya ang nag-first move sa relasyon nila ni McLaude Guadaña
- Nag-umpisa ang kanilang love story sa isang Instagram Story ni Xavier Ramos na anak ni Wendell Ramos
- Aminado ang aktres na nagdasal muna siya bago sagutin si McLaude nang tanungin kung puwede ba siyang maging girlfriend nito
- Parehong ibinahagi nina Rita at McLaude na ang pag-ibig para sa kanila ay sakripisyo at pagpili sa taong mahal mo
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Masayang ibinahagi ni Rita Daniela sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Lunes, November 3, ang kuwento sa likod ng blooming love life niya ngayon. Sa harap ni Tito Boy, game na game ang Kapuso actress na aminin kung paano nagsimula ang kanyang relasyon sa Lyceum Pirates basketball player na si McLaude Guadaña — at kung paano siya mismo ang nag-first move.

Source: Instagram
Ayon kay Rita, nagsimula ang lahat nang mapansin niya si McLaude sa isang Instagram Story ni Xavier Ramos, anak ni Wendell Ramos. “Nagsimula dahil kay Xavier Ramos na anak ni Wendell Ramos na nakita ko lang actually sa Instagram Story niya tapos sabi ko 'luh parang cute 'to,’” kuwento ng aktres.
Bilang isang fearless woman, hindi na siya nag-atubiling gumawa ng hakbang. “So, ako as a fearless woman, bilang palaban, fi-nollow ko pero sa totoo lang, naglakas ako ng loob na i-follow siya kasi mukha talaga siyang suplado… E, fi-nollow back ako, Tito Boy, syempre noong fi-nollow back ako, gumalaw tayo agad. Ako 'yung unang nag-message,” dagdag pa niya.
Ayon naman kay McLaude, simple lang ang naging unang mensahe niya kay Rita: “Oh hi, Ms. Rita Daniela.” Ngunit ang unang mensahe ng aktres ay emoji lang daw, para hindi magkaroon ng gulo kung sakaling may girlfriend na si McLaude noon. Mula roon, nagsimula na raw ang kanilang tuluy-tuloy at natural na komunikasyon.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“Sobrang ganda agad ng usap namin, Tito Boy. The moment na nag-reply ako sa kanya ng 'Oh hi, Ms. Rita' parang non-stop na, parang effortless e,” ani McLaude. Sa loob lamang ng tatlong araw, umabot na sa isang romantic date ang kanilang usapan — at doon na nga nagsimula ang mas malalim na koneksyon.
Sa isang makilig na tagpo, ibinahagi ni McLaude kung paano siya nagtanong ng “Pwede na ba kita maging girlfriend?” habang hinahatid si Rita pauwi. Ngunit hindi agad sumagot ang aktres. Paliwanag ni Rita, “Hindi deserve ni Uno na makita ako na umiiyak ako ng dahil sa isang lalaki… so ang dami kong tinatanong sa kanya, kung kaya ba niya talaga.”
Pagkatapos ng ilang araw, nagdasal si Rita bago tuluyang sumagot ng “Yes, I can be your girlfriend.”
Nang tanungin naman kung paano ang pakikitungo ni McLaude kay Uno, anak ni Rita, sagot ng basketball player, “The first time na nakita ko si Uno, sobrang saya ko kasi accepting as a whole.”
Para kay McLaude, ang pag-ibig ay sakripisyo. “Well, for me, 'yung pag-ibig, it's sacrifice. Sacrifice sa lahat ng pagkakataon, na pipiliin mo 'yung tao,” wika niya.
Habang pinapakinggan ito, hindi napigilan ni Rita ang maging emosyonal. “There was really a part of my life na I asked God, like why am I here?... Pero now that ito, kung nasaan ako ngayon... McLaude came into my life, sinong magaakala diba,” emosyonal niyang pahayag.
Dagdag pa ng aktres, “Ngayon po, sobrang grabe, ramdam ko si Lord… just keep your faith and maging mabuti ka lang during your waiting season because everything will be worth it.”
Si Rita Daniela ay isang kilalang Kapuso actress at singer na unang nakilala bilang kontrabida sa ilang teleserye ng GMA Network bago tuluyang minahal ng publiko bilang versatile performer. Siya rin ay isang proud single mom sa anak niyang si Uno. Si McLaude Guadaña naman ay isang collegiate basketball player ng LPU Pirates, kilala sa kanyang husay sa court at disiplina sa laro.
Ang relasyon nina Rita at McLaude ay unang kinumpirma noong October 6, matapos mapansin ng netizens ang kanilang sweetness sa 30th birthday celebration ng aktres.
Rita Daniela speaks up after court convicts Archie Alemania: “Today, we won”
Kamakailan, nagpahayag ng pasasalamat si Rita Daniela matapos hatulang guilty ang dating co-star na si Archie Alemania sa kasong isinampa laban dito. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Rita na “Today, we won,” na nagpapahiwatig ng katarungang matagal niyang hinintay. Pinuri siya ng mga tagasuporta sa pagiging matatag at tapat sa laban.
Rita Daniela and McLaude Guadaña write sweet notes to each other in new series of photos
Sa isa pang nakakakilig na post, nagpalitan ng matatamis na mensahe sina Rita at McLaude sa social media. Ibinahagi ng aktres ang ilang larawan nilang magkasama na may caption na puno ng pag-ibig at pasasalamat. Muling kinilig ang mga tagahanga sa ipinakitang chemistry ng dalawa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


