Dianne Medina, ibinida ang pinakabagong investment nila ni Rodjun Cruz
- Ipinakita nina Dianne Medina at Rodjun Cruz ang bago nilang investment na bahay, na aniya ay "early birthday gift" mula sa Diyos
 - Ang bagong ari-arian ay matatagpuan sa Quezon City at idaragdag nila sa kanilang house rental business
 - Pinasalamatan ni Dianne si Rodjun, at idiniin na ang kanilang tagumpay ay bunga ng "teamwork" at paglilingkod sa Diyos
 - Inspirasyon daw nila ang kanilang mga magulang at lolo't lola na nagbigay ng halimbawa sa real estate business
 
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Masayang ibinahagi ng aktres at host na si Dianne Medina ang pinakabago nilang investment ng kanyang asawang si Rodjun Cruz—isang bagong bahay para sa kanilang rental business—na aniya ay "early birthday gift from our Lord Jesus Christ."

Source: Instagram
Sa kanyang Instagram post, nag-upload si Dianne ng larawan nila ni Rodjun at ng kanilang anak na nakatayo sa harap ng malaking bahay. Ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat at ang matibay na paniniwala na bunga ito ng kanilang teamwork.
"Our New Investment. Early Birthday Gift from our Lord Jesus Christ! New Addition to our House Rental Business Properties. Thank You, Lord Jesus, for all the blessings! This one's located in QC and is now up for RENT!" masayang pahayag ni Dianne.
Kinilala rin ni Dianne ang kanyang asawa sa matagumpay na investment na ito:
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Thank You, Lord Jesus! @rodjuncruz — Teamwork makes the dream work! Let's work harder! More and more work, in Jesus' name! Looking forward to our next investment, all for God's glory."
Bukod pa rito ay nagbigay-pugay rin si Dianne sa kanyang pamilya, na nagsilbing inspirasyon nila ni Rodjun sa real estate business. Ipinahayag niya ang kanyang pag-asa na maging tulad din sila ng mga ito sa pagpapalago ng kanilang negosyo.
"Hope you're proud of us, Mommy Vicky, Daddy Antoy, Nanay Cora, Tatay Atoy, Mama Beth, and Papa Rudy. My grandparents and parents have always been my idols in the real estate business. I truly look up to them and hope to be like them someday."
Nag-iwan din si Dianne ng isang bible verse bilang paalala na ang lahat ng biyaya ay nagmumula sa Panginoon: "'But remember the Lord your God, for it is He who gives you the ability to produce wealth.' — Deuteronomy 8:18 ALL GLORY AND HONOR IS YOURS ALMIGHTY FATHER."
Ang post ni Dianne ay nagpapakita ng kanilang financial maturity at ang kanilang goal na palakihin pa ang kanilang real estate portfolio sa mga susunod na taon.
Si Dianne Medina ay isang Filipina actress at TV host. Bukod sa kanyang unang mga proyekto sa pag-arte, nakilala si Dianne bilang isang mahusay at versatile na TV host at presenter. Naging host siya ng mga morning shows sa PTV‑4, naging bahagi rin ng mga segment ng GMA gaya ng Unang Hirit, at lumabas sa mga teleserye ng GMA tulad ng Beautiful Strangers. Sa likod ng camera, co-founder siya ng isang events management company. Sa kanyang personal na buhay, kasal siya sa aktor na si Rodjun Cruz mula noong 2019, at mayroon na silang dalawang anak.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-viral kamakailan si Dianne Medina dahil sa video na kuha sa burol ng ama niya. Noong Saturday, September 13, ibinahagi ni Dianne ang nasabing video sa Instagram niya. Ani Dianne, ito na raw ang huling pagkakataon na makikita niya ng pisikal ang kanyang ama.
Samantalang ay super proud talaga sina Dianne Medina at Rodjun Cruz sa kanilang panganay. Kamakailan ay ibinahagi ng dalawa ang pagsisimula ng kinder journey ni Joaquin. Papasok lamang si Joaquin sa Ateneo de Manila University na hinahangaan ng marami. Aniya Rodjun, super saya at happy daw talaga nila para kay Joaquin.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


