Barbie Imperial, aliw sa Halloween post ni BINI member Gwen Apuli

Barbie Imperial, aliw sa Halloween post ni BINI member Gwen Apuli

  • Nag-react si Barbie Imperial sa nakakatakot ngunit aliw na Halloween costume ng BINI member na si Gwen Apuli
  • Sa Facebook post ni Gwen, nakasuot siya ng white gown at nagmistulang white lady sa kaniyang mga larawan
  • Nagbiro si Barbie sa kaniyang shared post at sinabing may kakilala siyang albularyo para sa “santigwar” sa Bagtang
  • Umani ng samu’t saring reaksiyon at komento ang post ng aktres mula sa mga netizen na natuwa sa kanilang palitan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Tila hindi lamang mga netizen ang napahinto at natawa sa spooky yet creative Halloween costume ng BINI member na si Gwen Apuli, kundi pati ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial.

Barbie Imperial, aliw sa Halloween post ni BINI member Gwen Apuli
Barbie Imperial, aliw sa Halloween post ni BINI member Gwen Apuli (📷@msbarbieimperial/IG)
Source: Instagram

Sa isang Facebook post noong Nobyembre 1, ibinahagi ni Gwen ang serye ng mga larawan niya na nakasuot ng puting gown at may mala–white lady na aura, kalakip ang caption na “Come In.” Ang tema ay simple ngunit epektibong nakapagbigay ng kilabot at aliw sa mga tagahanga.

Read also

Aljur Abrenica, game sa request ni Coco Martin na kantahin ang “Himala” ng Rivermaya

Hindi naman napigilan ni Barbie, na kapwa rin Bicolana ni Gwen, na magbigay ng nakakatawang reaksiyon sa naturang post. “May midbid akong para santigwar sa Bagtang beh mari na [May kilala akong albularyo sa Bagtang beh come on],” ani ng aktres, na agad nagdulot ng halakhakan sa mga netizen.

Dahil sa witty comment ni Barbie, agad nag-viral ang interaction ng dalawa. Ilang netizens naman ang nakisali sa biruan, at may ilan pang nagkomento ng mga nakakatawang linya tulad ng “Sagot ko na an kandila,” “Putcha pwede na pang horror movie,” at “Klase ng multo na imbes itaboy, dito ka na sa bahay magpa hanggangkailan pa man.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang hindi ito ang unang beses na gumawa ng Halloween buzz si Gwen. Noong nakaraang taon, ginaya naman niya si Pennywise, ang nakakatakot na karakter mula sa horror movie na “It.” Muli niyang pinatunayan na may angas at creativity siya pagdating sa mga ganitong okasyon, habang nagpapakita rin ng kanyang humor at confidence offstage.

Samantala, si Barbie naman ay kilala sa pagiging kalog at prangka sa social media, kaya hindi nakapagtatakang umani ng libo-libong reaksyon ang kanyang komento. Patunay lamang ito na kahit sa gitna ng takutan, may halakhakan pa ring hatid ang mga paborito nating personalidad.

Read also

Toni Fowler, nagpatutsada sa mga nagsasabing scripted daw ang ToRo reality show

Si Barbie Imperial ay isang Kapamilya actress at model na unang nakilala bilang housemate sa Pinoy Big Brother: 737. Mula noon ay bumida na siya sa ilang teleserye at pelikula, kabilang ang Araw Gabi at Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim. Maliban sa kanyang mga proyekto, kilala si Barbie sa kanyang bubbly personality at pagiging vocal sa social media, kung saan madalas siyang nakikibahagi sa trending topics at usapang showbiz.

Samantala, si Gwen Apuli naman ay isa sa mga miyembro ng sikat na P-pop girl group na BINI, na patuloy na umaani ng tagumpay sa local at international music scene. Kilala siya sa kanyang charm, talent, at creative flair sa mga content tulad ng Halloween posts.

Barbie Imperial marks Marco Gumabao’s birthday with a heartfelt post Ipinahayag ni Barbie Imperial ang kanyang heartfelt message para sa aktor na si Marco Gumabao sa pagdiriwang ng kaarawan nito. Sa post, binati niya ang kaibigan nang may lambing at pasasalamat sa mga sandaling pinagsaluhan nila, na nagpa-inspire sa mga tagahanga sa tunay na halaga ng pagkakaibigan.

Barbie Imperial defends Francine Diaz and Seth Fedelin from bashers over Halloween costumes Sa gitna ng mga negatibong komento online, ipinagtanggol ni Barbie sina Francine Diaz at Seth Fedelin matapos silang batikusin dahil sa Halloween costumes nila. Ayon kay Barbie, walang masama sa pag-e-enjoy ng mga artista sa kasiyahan, basta’t may respeto at good vibes sa lahat.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate