Robin Padilla, nagpahayag ng sama ng loob sa pulitika matapos madismaya sa sinusuportahang mayor

Robin Padilla, nagpahayag ng sama ng loob sa pulitika matapos madismaya sa sinusuportahang mayor

  • Robin Padilla naglabas ng galit sa isang alkalde matapos umano’y mabalam ang proyekto para sa mga Badjao
  • Sinabi ng senador na tila nagkamali siya sa sinuportahang kandidato noong nakaraang eleksyon
  • Inalmahan ni Padilla ang umano’y kawalan ng aksyon ng naturang opisyal sa proyekto ng kanyang opisina
  • Nagpaalala rin siya sa pangangailangang magkaisa para sa ikauunlad ng rehiyon ng Bicol

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Hindi napigilan ni Senator Robin Padilla ang kanyang pagkadismaya sa isang alkalde na aniya ay naging hadlang sa ilang proyekto niya para sa mga Badjao communities. Sa isang serye ng Facebook posts, diretsahan niyang inilahad ang kanyang saloobin ukol sa mga suliraning kinakaharap ng kanyang opisina sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan.

Robin Padilla, nagpahayag ng sama ng loob sa pulitika matapos madismaya sa sinusuportahang mayor
Robin Padilla, nagpahayag ng sama ng loob sa pulitika matapos madismaya sa sinusuportahang mayor (📷Robin Padilla/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Padilla, umaasa siya noon na sa bagong liderato ng naturang siyudad ay mas magiging malinaw ang direksyon ng mga proyektong kanyang itinataguyod. Subalit, taliwas umano ito sa kanyang inaasahan.

Read also

Lalaki, patay matapos paluin ng pala at kahoy ng sariling anak

Iba talaga ang pulitika sa bansang ito. Nagpalit ng mayor sa isang kilalang siyudad na kinampanya ko pa at nanalo sa paniwala ko na mas magkakaroon ng resulta ang proyekto ko para sa mga badjao kesa sa dating mayor,” ani ng senador.

Dagdag pa niya, hindi raw maayos ang naging pakikipag-ugnayan ng opisina ng alkalde sa kanyang staff. Eh mas lalo palang lalabo at sinagot pa ang staff ko na wala silang alam eh kaya nga kami bumiyahe ng personal at nagtatanong po bilang supporter po ninyo!”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi rin napigilan ni Padilla ang kanyang emosyon, at inihayag ang pagkadismaya sa takbo ng sistemang pampulitika. Mapapamura ka na lang sa hinayupak na sistema ng pulitika sa Pilipinas! Mapapaaway ka o sising matsing ka na lang!” dagdag pa niya.

Read also

Ninong Ry, biktima ng fake sugal ad: “Hindi po ako nagpopromote ng sugal!”

Sa isa pang post, nilinaw ni Padilla na hindi siya naghahangad ng alitan, kundi pagkakaisa. “Ako ang taong ayaw na ng gulo lalot sa pulitika sapagkat ang kailangan ng Bicol ay pagkakaisa. Wag ako ang bentahan mo ng away sa oras ng pagpuri sa Magandang Gawain! ORAGON kami kaya ibahin mo kami.”

Maraming netizens ang nagpahayag ng suporta kay Padilla. Ilan sa kanila ay sumang-ayon sa kanyang hinaing laban sa bulok na sistema ng pulitika, habang may iba namang humiling na ipagpatuloy ng senador ang kanyang mga proyekto nang direkta upang masiguro ang maayos na implementasyon.

Ang isyu ay umani rin ng atensyon dahil kilala si Padilla bilang isang senador na malapit sa mga mahihirap at katutubo, kabilang na ang mga Badjao communities. Sa mga nagdaang buwan, ilang beses na niyang binigyang-diin ang kanyang adbokasiya na maitaas ang kabuhayan at dignidad ng mga katutubong Pilipino.

Read also

Batang pulubi, nasawi matapos masagasaan ng SUV sa España, Manila

Si Robin Padilla ay isang kilalang aktor at ngayo’y senador ng Republika ng Pilipinas. Kilala siya sa kanyang pagiging prangka at sa pagsusulong ng mga adbokasiya para sa federalism, peace process, at indigenous peoples’ rights. Bago pumasok sa politika, matagal siyang naging bahagi ng industriya ng showbiz, at ngayo’y patuloy na kilala bilang “Bad Boy of Philippine Cinema” na may puso para sa masa.

Bilang public servant, aktibo si Padilla sa mga proyekto para sa edukasyon, kabuhayan, at reporma sa hustisya. Subalit, gaya ng ipinakita sa kanyang post, aminado siyang hindi madali ang pakikibaka laban sa mga hamon ng sistema sa lokal na pamahalaan.

Robin Padilla, emosyonal sa update tungkol sa relasyon kay BB Gandanghari at sa kalagayan ng ina Sa isang panayam, naging emosyonal si Sen. Padilla habang ibinabahagi ang pinagdaraanan ng kanyang pamilya, kabilang ang kanilang ina na may advanced dementia. Gayundin, inilahad niya ang kanyang pagnanais na maayos ang relasyon nila ni BB Gandanghari, na ilang taon na ring naninirahan sa Amerika.

Robin Padilla, emosyonal sa pagbabahagi ng kondisyon ng inang may advanced dementia Muling ipinakita ng senador ang kanyang pagiging mapagmahal na anak matapos ibahagi sa publiko ang kalagayan ng kanyang ina. Aniya, pinipilit niyang maging matatag para sa pamilya sa kabila ng mabigat na sitwasyon. Marami ang nagpahayag ng suporta at pagdarasal para sa kanyang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate