Ryan Bang at Sandara Park, kinagiliwan ng netizens sa kanilang Tagalog banter
- Ryan Bang at Sandara Park nag-trending sa social media dahil sa kanilang Tagalog exchange
- Nagbiruan ang dalawa sa Instagram post ni Ryan kung saan tinag niya si Dara
- Pinuri ni Sandara ang Tagalog ni Ryan habang biniro naman siya ni Ryan na “mahina ang signal”
- Kinagiliwan ng netizens ang pagiging kalog at natural ng kanilang usapan sa Tagalog
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagbigay good vibes sa mga Pinoy netizens ang online interaction nina Ryan Bang at Sandara “Dara” Park matapos magpalitan ng mga nakakatuwang komento sa Instagram. Ang palitan ng kanilang Tagalog na banter ay agad na nag-trending sa X (dating Twitter), kung saan maraming fans ang naaliw sa pagiging kalog at natural ng dalawa.

Source: Instagram
Noong Miyerkules, Oktubre 29, nagbahagi si Ryan ng larawan nila ni Sandara sa kanyang Instagram account na may caption na “Made in Philippines” kalakip ang Philippine flag emoji. Sa comment section, nagparamdam si Dara at tinanong si Ryan, “Sino na kaya mas magaling mag-Tagalog ngayon?! Ang galing mo na ngayon eh!” kasabay ng mga tawang emoji.
Hindi naman nagpahuli si Ryan at sumagot ng may halong biro, “Mas magaling ka pa din! Malinaw kasi Tagalog mo 😊 ‘Yung sa akin, mahina signal 😂.” Ang palitan ng mga komento ay agad nag-viral sa social media at umani ng libo-libong likes at reactions mula sa mga Pinoy fans.
Isang X user ang nag-post ng screenshot ng kanilang exchange na may caption na “A [two] Koreans talking in Tagalog/Filipino… aliw ‘tong si Dara at Ryan, ang kukulit.” Umabot sa mahigit 9,900 likes at halos 1,000 reposts ang nasabing tweet. Marami sa mga netizens ang napa-comment ng may halong tawa at pagmamahal sa dalawa. “Hindi ko kinaya ‘yung mahina ang signal,” ani ng isang user, habang isa pa ay nagsabi, “Humor nila Pinoy na rin, I love them so much.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Ryan Bang ay isang South Korean TV host, komedyante, at aktor na naging kilala matapos sumali sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010. Simula noon, naging regular siya sa iba’t ibang ABS-CBN shows tulad ng It’s Showtime, kung saan hinangaan siya ng mga manonood sa kanyang humor at husay sa pagsasalita ng Tagalog.
Samantala, si Sandara Park ay unang nakilala sa Pilipinas matapos sumali sa Star Circle Quest noong 2004. Mabilis siyang sumikat bilang aktres at singer bago bumalik sa South Korea noong 2007, kung saan naging miyembro siya ng sikat na K-pop girl group na 2NE1. Sa kabila ng kanyang international fame, madalas pa ring bumisita si Dara sa Pilipinas at ipahayag ang kanyang pagmamahal sa bansa na itinuring niyang “second home.”
Ang kanilang pagkakaibigan ay matagal nang hinahangaan ng fans dahil parehong may koneksyon sa Pilipinas at parehong marunong magsalita ng Tagalog.
Ryan Bang expresses love for Vice Ganda’s mom in touching birthday tribute Sa isang emosyonal na post, nagbigay pugay si Ryan Bang sa ina ni Vice Ganda, si Nanay Rosario. Ayon kay Ryan, itinuring siyang parang anak ng pamilya ni Vice, at labis siyang nagpapasalamat sa kabutihang loob na ipinakita sa kanya. Pinuri ng mga netizens ang kanyang pagiging mapagmahal at tapat sa mga taong nakasama niya sa industriya.
Ryan Bang and fiancée Paola Huyong fuel split rumors after unfollowing each other on Instagram Kamakailan ay umugong ang balitang hiwalay na umano sina Ryan Bang at ang kanyang fiancée na si Paola Huyong matapos mapansing nag-unfollow sila sa isa’t isa sa Instagram. Maraming netizens ang nagtaka sa biglang pagbabago sa kanilang social media activities. Gayunpaman, nananatiling tikom ang bibig ni Ryan tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
 
    
