Zsa Zsa Padilla, hindi na nakapagtimpi sa mga bashers: "Sarap nyo tirisin!"
- Zsa Zsa Padilla hindi na nakapagtimpi sa mga bumabatikos sa mga anak na sina Zia at Coco Quizon
- Naglabas siya ng matapang na pahayag sa social media upang ipagtanggol ang kanyang mga anak
- Nilinaw ng singer-actress ang isyu tungkol sa umano’y “ampon” nila ni Dolphy
- Maraming netizens ang nagpahayag ng suporta sa kanya matapos ang viral na post
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi na napigilan ni Zsa Zsa Padilla ang kanyang emosyon matapos ang patuloy na pambabatikos ng ilang netizens laban sa kanyang mga anak na sina Zia at Nicole “Coco” Quizon, mga anak niya sa yumaong King of Comedy na si Dolphy.

Source: Instagram
Sa isang matapang na post sa X (dating Twitter) nitong Huwebes ng umaga, October 30, 2025, diretsahang sinagot ng tinaguriang Divine Diva ang mga taong nagbibigay ng masasakit na komento sa kanyang pamilya.
Ayon kay Zsa Zsa, hindi niya na kayang palampasin ang mga patutsada, lalo na kung mga anak na niya ang pinupuna. “Si Zia kamukha ni Dolphy. Magulat kayo kung kamukha siya ni Panchito! Ang aga pa ah,” ani niya sa tweet.

Read also
Marjorie, sinabing si Mommy Inday ang pumigil sa kanyang makipag-ayos kina Claudine at Gretchen
Hindi lang si Zia ang ipinagtanggol ng singer-actress. Binanggit din niya si Coco, na tinawag ng iba bilang “ampon.” Nilinaw ni Zsa Zsa na si Coco ay ang kanilang anak ni Dolphy, at kasalukuyang naninirahan sa California. “Eto pa isa—asaan ang ampon? May pangalan anak ko: Coco. She is living in California with her husband,” giit niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bagama’t hindi malinaw kung saan nagsimula ang isyu, tila hindi na nakapagtimpi si Zsa Zsa sa mga netizens na patuloy na bumabatikos. “Kala nyo inaapi? Minor pa din? Tawag ka ng pulis. Report mo ako. Sarap nyo tirisin,” dagdag pa niya sa kanyang post.
Marami sa mga tagahanga ni Zsa Zsa ang agad na nagpahayag ng suporta. May mga nagsabing tama lang ang ginawa ng aktres dahil walang magulang ang gustong makita na sinasaktan o pinupuna ang kanyang mga anak nang walang basehan.
Isang netizen ang nagkomento, “I see Ms. Zsa Zsa as a very kind person. May namba-bash pa din sa kanya kahit wala naman siyang ginagawang masama sa mga taong ito.” Isa pa ang nagsabi, “Low-key Zia fan here. Kamukhang-kamukha niya si late father niya. Nasobrahan lang sa pagkaburyong mga tao kaya kung anu-anong issue na ang ginagawa.”
Ang ilan naman ay natatawang sumang-ayon sa pagiging prangka ng Divine Diva. “My mama Z on her patola era hahaha… jusko pinalabas ang dragon na natutulog… iba talaga pag anak na ang kinakanti,” saad ng isang fan.

Read also
Bangkay ng 15-anyos na anim na buwang nawawala, natagpuan sa abandonadong bahay sa Davao de Oro
Kilala si Zsa Zsa Padilla sa kanyang pagiging prangka at protektado pagdating sa kanyang pamilya. Ilang beses na rin siyang nagsalita noon kapag nadadamay sa intriga ang kanyang mga mahal sa buhay, ngunit mas madalas ay pinipili niyang manahimik. Sa pagkakataong ito, tila hindi na niya kinaya ang paulit-ulit na pangbabatikos.
Si Zsa Zsa Padilla ay isa sa mga batikang singer at aktres sa bansa. Bukod sa kanyang matagumpay na karera sa musika, nakilala rin siya bilang longtime partner ng yumaong komedyanteng si Dolphy. Mayroon silang dalawang anak — sina Zia at Nicole “Coco” Quizon.
Kilala si Zsa Zsa sa kanyang pagiging outspoken at sa kanyang mga awiting nagmarka sa OPM, tulad ng “Hiram,” “Mambobola,” at “Maging Sino Ka Man.” Patuloy rin siyang aktibo sa paggawa ng musika at sa kanyang mga TV appearances.
Karylle, ibinahagi ang unang pagkakataon na tinawag niya si Zsa Zsa Padilla na ‘mom’ Sa isang nakaraang ulat, ibinahagi ni Karylle kung paano unti-unting nabuo ang magandang relasyon nila ng kanyang stepmom na si Zsa Zsa Padilla. Ayon sa kanya, matagal bago siya nasanay na tawagin itong “mom,” ngunit masaya siya sa closeness nila ngayon.
Zsa Zsa Padilla, personal na nagtungo sa Cebu para magbigay-tulong sa mga nasalanta Nitong mga nakaraang buwan, personal na nag-abot ng tulong si Zsa Zsa sa mga kababayang nasalanta ng kalamidad sa Cebu. Namahagi siya ng food packs at financial assistance bilang bahagi ng kanyang adbokasiya sa pagtulong.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
