Patrick Dela Rosa, pumanaw matapos ang tatlong taong laban sa lung cancer

Patrick Dela Rosa, pumanaw matapos ang tatlong taong laban sa lung cancer

  • Pumanaw si dating aktor at public servant Patrick Dela Rosa noong Oktubre 26 dahil sa komplikasyon mula sa lung cancer
  • Ayon sa anak niyang si Bruce Miguel, tatlong taon nang lumalaban sa cancer ang kanyang ama bago ito pumanaw sa Amerika
  • Matapos magretiro, madalas na bumiyahe si Patrick at ginugol ang huling tatlong taon ng kanyang buhay sa gamutan sa Estados Unidos
  • Nagpaabot ng matinding dalamhati at pagmamahal ang pamilya sa pamamagitan ng mga online tributes at pahayag sa social media

Isang malungkot na balita ang bumungad sa industriya ng showbiz matapos kumpirmahin ng pamilya ang pagpanaw ng dating aktor at public servant na si Patrick Dela Rosa noong Oktubre 26, sa edad na 64. Ayon sa kanyang anak na si Bruce Miguel, tatlong taon nang lumalaban ang kanyang ama sa lung cancer bago ito binawian ng buhay.

Patrick Dela Rosa, pumanaw matapos ang tatlong taong laban sa lung cancer
Patrick Dela Rosa, pumanaw matapos ang tatlong taong laban sa lung cancer đź“·Screengrab from a video shared by ABS-CBN News on Instagram (@abscbnnews)
Source: Instagram

Sa panayam ng ABS-CBN, inilahad ni Bruce na nadiskubre nila ang sakit ng kanyang ama habang nasa isang cruise sa Bahamas. Nahirapan daw itong huminga at nang masuri, natuklasang may tubig sa parehong baga ni Patrick. Dahil dito, hindi na siya nakabalik sa Pilipinas at nanatili sa Amerika para sa kanyang paggamot.

Read also

Kuya Kim Atienza, ipinahayag na mga labi ni Emman iuuwi na sa Pilipinas

They found out about his cancer during our cruise in the Bahamas. He suffered from difficulty breathing… both his left and right lungs were filled with water, kuwento ng anak ng aktor.

Ayon kay Bruce, naging mahirap para sa kanilang pamilya ang mga sumunod na taon dahil hindi na puwedeng mag-commercial flight ang kanyang ama dahil sa kondisyon nito. Kahit ang pagbiyahe papunta sa ospital ay naging hamon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Papa kasi, ayaw niya ng any negativity in the room. Gusto niya masaya lagi. All the conversations, nagpapatawa pa rin siya, dagdag ni Bruce.

Sa kabila ng karamdaman, nanatiling masayahin at positibo si Patrick. Mahilig pa rin umano itong magpatawa, nagkukuwentuhan sa pamilya, at minsan ay nagbo-“boxing” o nagpi-pickleball sa bahay bilang paraan para manatiling aktibo.

He also started doing pickleball dito sa Amerika. He would show us how he would do his serve and all that, pagbabalik-tanaw ng kanyang anak.

Sa mga huling sandali ni Patrick, napalibutan siya ng kanyang mga mahal sa buhay at ayon kay Bruce, mapayapa ang kanyang pagpanaw.

Samantala, naglabas ng madamdaming mensahe ang kapatid ng aktor na si Dr. Marlon Gilbert Dela Rosa sa Facebook:
Rest in peace Patrick, no more pain tol. You are not just a brother to me but also my best friend. Thank you for all the memories that we share together, you are always there during my ups and downs. I LOVE U brother.

Read also

Vice Ganda, trending sa matapang na Banal Na Aso rendition

Sa ngayon, ginaganap ang memorial service ni Patrick sa Bakersfield, California, at pinag-uusapan pa ng pamilya kung iuuwi sa Pilipinas ang kanyang mga labi.

Bago pumasok sa politika, si Patrick Dela Rosa ay isang kilalang aktor noong dekada ’80 at ’90. Lumabas siya sa mga pelikula at teleseryeng drama at aksyon. Pagkatapos ng kanyang showbiz career, pinasok niya ang pampublikong serbisyo bilang Board Member ng Oriental Mindoro.

Kamakailan, naglabas ng opisyal na pahayag ang provincial government ng Mindoro bilang pag-alala kay Patrick. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, nagluksa ang buong lalawigan sa pagpanaw ng dating board member at aktor, na itinuring na inspirasyon sa serbisyo publiko.

Samantala, isa pang showbiz personality ang namaalam kamakailan — si Red Sternberg, dating “TGIS” actor, na pumanaw sa edad na 50. Sa parehong artikulo ng Kami.com.ph, ibinahagi ng kanyang mga kaibigan at fans ang kanilang mensahe ng pakikiramay, na nagpapaalala sa mga biglang pagkawala ng mga paboritong artista ng dekada ’90.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate