Raymart Santiago, nanindigan: “Kailanman ay hindi ko nagawa ang mga paratang nila”
- Pinabulaanan ni Raymart Santiago ang mga akusasyon ni Inday Barretto ukol sa umano’y pisikal, verbal, at sekswal na pang-aabuso kay Claudine Barretto
- Kanyang mga abogado, sina Atty. Howard Calleja at Atty. Katrin Jessica Distor-Guinigundo, ang unang naglabas ng opisyal na pahayag
- Raymart, naglabas ng personal na mensahe sa Instagram at sinabing mas pipiliin pa rin niya ang respeto at pananahimik
- Hangad ng aktor na huwag nang palakihin pa ang isyu para sa kapakanan ng kanilang mga anak
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Diretsahang itinanggi ng aktor na si Raymart Santiago ang mga akusasyon laban sa kanya ng dating biyenan na si Inday Barretto, na nagsabing nakaranas umano ng pisikal, verbal, at sekswal na pang-aabuso ang anak nitong si Claudine Barretto noong sila pa ang mag-asawa.
Sa panayam ng showbiz insider na si Ogie Diaz kay Inday Barretto, idinetalye ng ina ni Claudine ang umano’y naging trauma ng aktres dahil sa naranasan sa dating manugang. Ngunit agad itong pinabulaanan ng kampo ni Raymart sa pamamagitan ng opisyal na pahayag ng kanyang mga abogado — Atty. Howard Calleja at Atty. Katrin Jessica Distor-Guinigundo.
“It’s very unfortunate that Mrs. [Inday Barretto] opted to resort to publicity to spread this untruthful and slanderous narrative about our client,” ayon sa law firm.
“Our client refuses to partake in any dispute involving, or irregularity of Ms. Claudine and her cohorts may have committed.”
Dagdag pa ng mga abogado, may Gag Order umano mula sa Family Court, Branch 5 ng Mandaluyong City na inilabas pa noong Setyembre 20, 2023, na mahigpit na sinunod ni Raymart. Kaya naman umaasa silang susunod din dito ang kampo ni Claudine “out of respect for the courts of justice and more importantly, for the sake of their children.”
Bilang huling babala, sinabi ng abogado na anumang pahayag na labag sa kautusan ay “shall be dealt with before the appropriate forum to protect our client’s rights and to preserve his interests.”
Kasunod nito, naglabas din ng personal na mensahe si Raymart sa kanyang Instagram Stories noong Oktubre 27, kung saan ibinuhos niya ang kanyang saloobin matapos ang halos labintatlong taon ng pananahimik.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“Kahit mas matimbang sa akin na manahimik na lang, siguro ay kailangan ko rin ilabas kahit paano ang aking saloobin para sa aking kapayapaan,” ani ng aktor.
“Naging mahirap ito dahil ang pangalan na iningatan at ipinamana ng aking mga magulang ay nadungisan dahil sa mga kasinungalingan at maling akusasyon.”
Ibinunyag din ni Raymart na nagulat siya sa mga salitang binitawan ng kanyang dating biyenan, na minsan na raw humingi sa kanya ng paumanhin noon.
“Hindi kaila sa akin ang paninira at nakasusuklam na akusasyon ni Mommy Inday, ang taong nirespeto, minahal, at tinuring kong pangalawang ina.”
Dagdag pa niya, kahit hindi naging perpekto ang relasyon nila ni Claudine, malinaw sa kanyang konsensya na hindi niya kailanman nagawa ang mga paratang laban sa kanya.
“Tinupad ko ang pangako ko sa kanila ni Daddy Pikey [Miguel Barretto]. Kahit na sarili ko ay tinaya ko para maprotektahan lang ang anak nila.”
Sa dulo ng kanyang mensahe, nanawagan si Raymart sa publiko na iwasan ang pagpapahayag ng mga salitang maaaring makasakit, lalo na’t apektado umano ang kanilang mga anak.
“Mas pipiliin ko pa rin ang respeto at ipaubaya sa panahon na siyang humusga at maghayag ng katotohanan.”
Sa kasalukuyan, wala pang pahayag mula sa kampo nina Inday o Claudine hinggil sa mga naging sagot ni Raymart.
Si Raymart Santiago ay isang batikang aktor na nakilala sa mga action at comedy series ng GMA Network. Kasal siya noon kay Claudine Barretto, ngunit naghiwalay noong 2013. Mayroon silang dalawang anak. Sa kabila ng mga kontrobersiyang dumaan sa kanya, nananatili siyang aktibo sa showbiz at patuloy na nakikita sa ilang Kapuso projects.
Kamakailan, ibinahagi ni Raymart ang kanyang emosyonal na saloobin matapos ang panayam ni Inday Barretto. Sa artikulong inilathala ng Kami.com.ph, ipinakita ng aktor ang kanyang pagkadismaya sa mga paratang ngunit nanindigang pipiliin pa rin niya ang katahimikan para sa kanyang mga anak.
Samantala, sa hiwalay na ulat, nanatiling tikom naman ang bibig ng kapatid ni Raymart na si Randy Santiago tungkol sa isyu ng aktor at ni Claudine. Ayon sa ulat, mas piniling huwag nang makialam ni Randy at hiniling ang respeto para sa kanilang pamilya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


