Kuya Kim Atienza, ipinahayag na mga labi ni Emman iuuwi na sa Pilipinas

Kuya Kim Atienza, ipinahayag na mga labi ni Emman iuuwi na sa Pilipinas

  • Nagpahayag ng pasasalamat si Kuya Kim Atienza sa mga nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ng anak niyang si Emman
  • Kumpirmado niyang iuuwi sa bansa ang mga labi ni Emman para sa burol sa Maynila
  • Ibinahagi ng mga kapamilya, kabilang si Eliana, ang kanilang mga alaala at mensahe ng pag-ibig para kay Emman
  • Pamilya Atienza, nanawagan ng kabutihan at pag-unawa bilang pagpapatuloy ng diwa ni Emman

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si Kuya Kim Atienza sa lahat ng nagpadala ng mensahe ng pakikiramay at suporta sa kanilang pamilya matapos ang pagpanaw ng anak niyang si Emman.

Photo: Kim Atienza (@kuyakimatienza)
Photo: Kim Atienza (@kuyakimatienza)
Source: Instagram

Sa isang maikling post nitong Lunes, ipinahayag ng TV host ang kanyang pasasalamat sa mga nag-alay ng dasal at damdamin ng pakikidalamhati.

“Thank you so much for all the messages of comfort to the family. We may not be able to reply but we appreciate you all,” ani Kuya Kim. Kasabay nito, ibinahagi rin niya na iuuwi na sa Pilipinas ang mga labi ng kanyang anak. “Emman will be home,” dagdag pa niya.

Read also

Ate ni Emman Atienza, may emosyonal na tribute para sa nakababatang kapatid

Pumanaw si Emman sa edad na 19 noong Oktubre 24 sa Amerika.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Simula noon, sunod-sunod na ang mga tribute ng kanyang mga kapamilya sa social media.

Sa isang post, inalala ni Eliana kung gaano niya nami-miss ang kanyang kapatid at binahagi ang kanilang mga pangarap para sa hinaharap.

“We were supposed to co-create a better world where our children could play together... I hope this message reaches you wherever you are,” aniya.

Ibinahagi rin ni Kuya Kim ang isang video mula sa panayam ni Emman kay Toni Gonzaga, kung saan tinalakay nito ang kahulugan ng kanyang tattoo sa tenga at ang kahalagahan ng “just a little kindness.”

Nagbahagi naman si Felicia Atienza ng paalala tungkol sa pagpili ng kabutihan—isang mensaheng patuloy na sumasalamin sa diwa at kabaitan na iniwan ni Emman.

Emman Atienza is the daughter of Kim and Felicia Atienza and was known for being open on social media about her experiences growing up in the public eye. Aside from being an active student and creative content creator, she inspired many with her authenticity and courage in speaking about mental health. Kuya Kim and his wife Felicia Atienza confirmed the passing of their daughter Emman through a heartfelt joint statement.

Read also

Teacher sa Iloilo, inireklamo ng tatlong magulang sa umano’y pangmomolestya

As previously reported by KAMI, Senator JV Ejercito extended his sympathy to longtime friend Kim Atienza, Kuya Kim, after the tragic loss of his daughter Emman Atienza. In an Instagram post, he shared a heartfelt message along with photos highlighting their bond. Kuya Kim responded in the comments, thanking JV for his support. The exchange highlighted both their friendship and the importance of standing by loved ones in difficult times.

Earlier, veteran journalist Howie Severino paid tribute to Emman Atienza, daughter of television host Kim Atienza, through an emotional post. He shared how he came to know Emman personally at a bouldering gym, where he admired her confidence, independence, and natural athletic ability rooted in her gymnastics background. Howie also reflected on how Emman found a sense of community and belonging in the local climbing scene. Kuya Kim responded to the post with a simple gesture in the comments, acknowledging the message of support.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)