Arjo Atayde, itinanggi ang umano’y ghost projects sa Quezon City First District

Arjo Atayde, itinanggi ang umano’y ghost projects sa Quezon City First District

  • Mariing itinanggi ni Quezon City First District Rep. Arjo Atayde ang paratang ng umano’y “ghost projects” sa kanyang distrito
  • Ayon sa aktor-politiko, may dokumento at ebidensya mula sa DPWH na nagpapatunay na totoo ang mga proyekto
  • Personal niyang ininspeksyon ang mga flood control at drainage projects sa ilang barangay upang ipakita ang katotohanan
  • Sinabi ni Arjo na mahalaga ang tamang koordinasyon at impormasyon para maiwasan ang maling akusasyon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Mariing itinanggi ni Quezon City First District Representative Arjo Atayde ang mga paratang ng umano’y “ghost projects” na ibinibintang sa kanya kaugnay ng flood control project anomaly. Sa isang pahayag at inspeksyon na isinagawa niya sa mga proyekto ng kanyang distrito, diretsahan niyang sinabi, “Walang multo sa aking distrito!”

Arjo Atayde, itinanggi ang umano’y ghost projects sa Quezon City First District
Arjo Atayde, itinanggi ang umano’y ghost projects sa Quezon City First District (📷@arjoatayde/IG)
Source: Instagram

Kamakailan, lumutang ang pangalan ni Arjo sa isyu matapos akusahan ng mag-asawang kontraktor na sina Curlee at Sarah Discaya na umano’y nakatanggap siya ng kickbacks mula sa mga flood control projects. Pinabulaanan ito ng kongresista at iginiit na hindi niya kailanman nakilala o nakausap ang mag-asawang Discaya, kahit pa may mga kumakalat na larawan nilang magkasama.

Read also

Ate ni Emman Atienza, may emosyonal na tribute para sa nakababatang kapatid

Sa ulat ng Abante News, personal na bumisita si Arjo sa mga flood control at drainage projects sa Barangays Bahay Toro, Del Monte, Project 6, at San Antonio upang patunayan na aktwal na ginagawa at natapos ang mga proyekto. “To see is to believe,” giit ng aktor-politiko habang ipinapakita ang mga ongoing at completed projects sa lugar.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Quezon City 1st District Engineering Office, ang pitong proyekto sa distrito ay pawang beripikado at may kaukulang dokumentasyon. Limang proyekto ang kumpirmadong natapos, habang dalawa ang pansamantalang nahinto dahil sa ilang isyung administratibo, kabilang na ang Mariblo Creek project na kasalukuyang suspendido.

Kinumpirma rin ng DPWH na lahat ng proyekto ay may kasamang photographic evidence at detalyadong ulat. Kabilang dito ang apat na flood control projects sa Culiat at Dario Creek sa Brgy. Bahay Toro, rehabilitation ng drainage sa Road 3 sa Project 6, construction ng pumping station sa West Riverside sa Brgy. Del Monte, at flood control project sa San Francisco River sa Brgy. San Antonio.

Giit ni Arjo, walang batayan ang mga paratang laban sa kanya. “Ang mahalaga ay tamang koordinasyon para maging malinaw ang impormasyon tungkol sa mga proyektong ito,” aniya. Idinagdag pa ng aktor na ang kanyang inspeksyon ay paraan upang ipakita sa publiko na ang pondo ng gobyerno ay ginagastos nang tama.

Read also

Noontime TV choreographer Anna Feliciano, binigyang pugay ng mga dating kasamahan

Ang isyung ito ay lumitaw kasabay ng iba pang alegasyon laban sa ilang mambabatas, ngunit nanindigan si Arjo na malinis ang kanyang pangalan at intensyon bilang lingkod-bayan. “Walang multo sa aking distrito,” ulit niya, bilang pagtanggi sa mga akusasyong bumabalot sa kanyang pangalan.

Si Arjo Atayde ay isang award-winning actor na kilala sa kanyang mga papel sa Bagman, The General’s Daughter, at FPJ’s Ang Probinsyano. Noong 2022, siya ay nahalal bilang kinatawan ng Quezon City First District. Sa kabila ng pagiging abala sa pulitika, nananatili siyang aktibo sa mga programang pangkomunidad at relief operations para sa mga residente ng kanyang distrito.

Sa ulat ng KAMI, namahagi si Arjo ng relief goods sa mga residente ng Barangay Talayan sa Quezon City. Personal niyang pinangunahan ang pamamahagi ng mga ayuda sa mga naapektuhan ng matinding ulan. Pinuri siya ng mga residente sa kanyang malasakit at mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng komunidad.

Samantala, nagbahagi ng mga larawan sa Instagram si Maine Mendoza, asawa ni Arjo Atayde, ilang linggo matapos pumutok ang isyu ng umano’y kickback. Bagama’t hindi direkta niyang binanggit ang kontrobersiya, marami ang humanga sa kanyang pagiging kalmado at sa tila mensaheng suporta para sa asawa. Ipinakita ng post ang matatag na relasyon ng mag-asawa sa gitna ng hamon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: