Raymart Santiago, nagpahayag ng saloobin sa naging pahayag ni Inday Barretto

Raymart Santiago, nagpahayag ng saloobin sa naging pahayag ni Inday Barretto

  • Raymart Santiago tuluyang nagsalita matapos ang panayam ni Inday Barretto kay Ogie Diaz
  • Ipinahayag ng aktor ang kanyang pagkadismaya sa mga kumakalat na maling impormasyon tungkol sa kanya
  • Inamin niyang mas pinili niyang manahimik sa loob ng maraming taon ngunit kailangan na ring magpaliwanag para sa kapayapaan
  • Nanawagan siya ng respeto at pag-iwas sa mga pahayag na maaaring makasakit lalo na sa kanilang mga anak

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Matapos ang ilang linggo ng pananahimik, tuluyang nagsalita si Raymart Santiago tungkol sa mga pahayag ng kanyang biyenan na si Inday Barretto sa panayam nito kay Ogie Diaz. Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories, ipinaliwanag ng aktor kung bakit niya napiling magsalita matapos lumabas ang mga isyu sa social media.

Raymart Santiago, nagpahayag ng saloobin sa naging pahayag ni Inday Barretto
Raymart Santiago, nagpahayag ng saloobin sa naging pahayag ni Inday Barretto (📷Ogie Diaz/YouTube)
Source: Youtube

“Kahit mas matimbang sa akin na manahimik na lang, siguro ay kailangan ko rin ilabas kahit paano ang aking saloobin para sa aking kapayapaan,” ani ni Raymart.

Read also

Jona, nagbigay-inspirasyon sa panayam matapos ibahagi ang masakit na nakaraan

Sa panayam ni Inday Barretto, binanggit nito ang umano’y pang-aabuso ng aktor sa kanyang anak na si Claudine Barretto. Agad namang umaksyon ang legal team ni Raymart at nagsumite ng pahayag para linawin ang kanilang panig.

Ayon kay Raymart, sa loob ng 15 taon ng kanilang alitan, sinikap niyang idaan sa tamang proseso ang lahat ng isyu. “Naging mahirap ito dahil ang pangalan na iningatan at ipinamana ng aking mga magulang ay nadungisan dahil sa mga kasinungalingan at maling akusasyon,” pahayag niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi rin ng aktor ang kanyang pagkadismaya sa mga nagsasalita nang walang sapat na kaalaman sa tunay na nangyari.

Bagaman aminadong nasaktan, pinili pa rin ni Raymart ang katahimikan sa kabila ng mga paratang. “Hindi kaila sa akin ang paninira at nakasusuklam na akusasyon ni Mommy Inday, ang taong nirespeto, minahal at itinuring kong pangalawang ina,” aniya.

Read also

Jona, emosyonal na ibinunyag ang madilim na sikreto ng kaniyang pagkabata

Dagdag pa ng aktor, labis siyang nagulat sa mga salitang binitiwan ni Inday Barretto.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, hiniling ni Raymart na itigil na ng publiko ang pagpapalaganap ng mga maling impormasyon at paghusga sa kanilang pamilya. “Ngunit sa pagkakataong ito, hindi naman siguro kalabisan na hilingin ko na ang bawat isa ay umiwas sa pagpapahayag ng mga bagay na maaaring makasakit at makasama sa kapakanan ng bawat isa, lalo na sa aming mga anak at sa kanilang kinabukasan. Sa bandang huli, mas pipiliin ko pa rin ang respeto at ipaubaya sa panahon na siyang humusga at maghayag ng katotohanan,” pagtatapos niya.

Read also

Dennis Trillo, nagpaulan ng ‘real talk’ sa Facebook: “Wala pa ring nananagot

Sa ngayon, wala pang pahayag si Inday Barretto hinggil sa reaksyon ni Raymart.

Si Raymart Santiago ay isang beteranong aktor na kilala sa mga serye at pelikulang Bantatay, Calvento Files, at Hanggang Kailan Kita Mamahalin. Siya ay kapatid nina Rowell at Randy Santiago at dating asawa ni Claudine Barretto. Sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasangkutan ng kanilang pamilya, kilala si Raymart bilang isang tahimik na tao na mas pinipiling umiwas sa gulo at isyung pampubliko.


Sa ulat ng KAMI, mariing itinanggi ng kampo ni Raymart Santiago ang mga paratang ni Inday Barretto. Ipinaalala rin ng mga abogado ng aktor ang umiiral na gag order sa kaso ng annulment nila ni Claudine Barretto. Nanindigan silang patuloy nilang ipaglalaban ang katotohanan sa tamang legal na proseso.


Samantala, matapos umani ng batikos, dinepensahan ni Atty. Regie Tongol si Ogie Diaz sa mga akusasyong ibinato ng kampo ni Raymart. Ayon sa kanya, ginawa lamang ni Ogie ang kanyang trabaho bilang entertainment host at walang intensyon na sirain ang reputasyon ng aktor. Pinayuhan niyang hayaang ang korte ang magpasya sa isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate