Xyriel Manabat, tapat na sinagot ang komento tungkol sa kanyang ilong

Xyriel Manabat, tapat na sinagot ang komento tungkol sa kanyang ilong

  • Walang pag-aalinlangang inamin ni Xyriel Manabat na pinaayos niya ang kanyang ilong matapos mapansin ng netizen
  • Isang netizen ang nagkomento sa Instagram na “pure beauty no retoke” ngunit agad itong sinagot ng aktres
  • Sa halip na magalit, sinagot ni Xyriel nang magaan ang isyu at tinawag pa itong compliment
  • Umani ng papuri si Xyriel mula sa mga netizens at dati niyang PBB co-housemates sa pagiging totoo at positibo

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Walang paligoy-ligoy na inamin ni Kapamilya star at dating Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition housemate Xyriel Manabat na pinaayos niya ang kanyang ilong. Sa isang Instagram post noong Linggo, Oktubre 26, tahasang nilinaw ng aktres sa isang netizen na retokada ang kanyang ilong, matapos sabihing “no retoke” umano siya.

Xyriel Manabat, tapat na sinagot ang komento tungkol sa kanyang ilong
Xyriel Manabat, tapat na sinagot ang komento tungkol sa kanyang ilong (📷@xyrielmanabat_/IG)
Source: Instagram

“Pure beauty no retoke, sharawwwt team raht-bo,” komento ng isang netizen.
“[R]etokada po ilong ko,” diretsahang sagot ni Xyriel.

Hindi doon nagtapos ang usapan dahil sumagot muli ang netizen ng, “ayy soriii naman hdi ko kase hilig mangalkal ng isue haha,” na agad ding tinugunan ni Xyriel nang kalmado at may halong biro.
“its okay compliment po yan for me LABYU HAHAHAHAHA THANKS,” ani ng aktres.

Read also

Michael V., aminadong “ninenerbyos” sa unang beses na makatrabaho si Vice Ganda

Marami ang pumuri kay Xyriel sa pagiging chill at mahinahon sa pakikitungo sa mga ganitong komento. Ilan sa mga netizens ang nagsabing “issue ba talaga pag retokada yung tao?” at “ntawakels ko xyrielmanabat_ Yung pinupuri ka ng mapagkunwaring fan kasi shady ahahah Ayan SAPUL!”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ipinagtanggol din siya ng ibang followers, na nagsabing walang masama sa pagpaparetoke at dapat tanggapin kung saan komportable ang isang tao. “Hindi isyu, mga inggit lang kase yan walang pera,” komento ng isa.

Nagbigay din ng suporta ang mga dati niyang co-housemates sa PBB na sina Josh Ford, AZ Martinez, at Kira Balinger, na nagpahayag ng kanilang pagkilala sa katapatan at confidence ni Xyriel.

Matatandaang si Xyriel ay kabilang sa mga batang aktres na sumikat sa mga teleseryeng 100 Days to Heaven at Agua Bendita. Pagkatapos ng kanyang pagbabalik sa showbiz, mas pinili niyang maging bukas at totoo sa kanyang sarili, lalo na sa social media kung saan marami ang humahanga sa kanyang authenticity.

Kamakailan ay inanunsyo rin na kabilang siya sa cast ng “The Secrets of Hotel 88,” isang upcoming thriller series na pinagtambalan ng GMA at ABS-CBN, na nakatakdang ipalabas sa 2026.

Read also

Ate ni Emman Atienza, may emosyonal na tribute para sa nakababatang kapatid

Si Xyriel Manabat ay nagsimula sa industriya bilang child actress at nakilala sa kanyang husay sa drama at comedy roles. Pagkatapos ng ilang taong pahinga, muling bumalik ang aktres sa showbiz bilang isang mas mature na performer. Sa kabila ng mga pagbabago sa kanyang hitsura, nananatiling focus si Xyriel sa pagpapakita ng kanyang talento at pagiging inspirasyon sa kabataan.


Sa naunang ulat ng KAMI, ibinahagi ni Xyriel ang kanyang kilig nang magkomento si Jasmine Curtis tungkol sa kanya. Pinuri ni Jasmine ang galing ni Xyriel sa pag-arte, at agad naman itong nagpasalamat sa nasabing pahayag. Ipinakita rito ang pagiging magalang at mapagpasalamat ng aktres sa kapwa artista.


Sa isang candid na panayam, ibinahagi ni Xyriel ang kanyang pananaw sa pagiging ate sa pamilya. Ayon sa kanya, mas gusto niyang maalala ng mga kapatid niya ang pagmamahal at pagkakaisa kaysa sa anumang hidwaan. Ipinakita nito ang malalim na emosyon at maturity ni Xyriel sa totoong buhay — isang katangiang nakikita rin sa kanyang mga ginagampanang papel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate