Zoren Legaspi, nag-alay ng kanta para kay Emman Atienza: "Ramdam ko ang sakit"
- Nag-alay si Zoren Legaspi ng cover ng John Lennon's "Imagine" para sa yumaong anak ni Kuya Kim Atienza
- Ipinahayag ni Zoren na "ramdam ko ang sakit" na nararamdaman ng kanyang kaibigan at ng pamilya Atienza
- Agad na nagpasalamat si Kuya Kim kay Zoren sa Instagram, na nagpakita ng kanilang matibay na samahan
- Ang tribute ay sumalamin sa mensahe ng kapayapaan at pagdadamayan sa gitna ng matinding kalungkutan
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isang nakakaantig na pag-aalay ng kanta ang ibinahagi ng aktor na si Zoren Legaspi sa kanyang Instagram account, bilang pakikiramay at suporta sa kanyang kaibigan na si 'Kuya' Kim Atienza kasunod ng pagpanaw ng anak nitong si Emman Atienza.

Source: Instagram
Nag-post si Zoren ng isang video kung saan kinanta niya ang sikat na awitin ni John Lennon na "Imagine," na inialay niya kay Emman at sa pamilya nito.
Sa kanyang caption, emosyonal na sinabi ni Zoren na ramdam niya ang sakit na pinagdaraanan ng pamilya Atienza, lalo na kay Kuya Kim, na kaibigan niya.
"Emmanuel... may you like this amateur rendition of mine and to my dear friend @kuyakim_atienza... ramdam ko ang sakit."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang pagpili ni Zoren sa kantang Imagine—na nagtataglay ng mensahe ng kapayapaan at pagkakaisa sa mundo—ay lalong nagbigay ng lalim sa kanyang pag-aalay, bagay na labis ding nagbigay ng comfort sa mga nakikinig sa kanyang covers.
Ang tribute ni Zoren ay hindi nagtagal ay nakarating din kay 'Kuya' Kim, na agad na nag-iwan ng maikli ngunit taos-pusong pasasalamat sa comments section. "Salamat bro," tugon ni Kuya Kim.
Ito ay nagpakita ng matibay na samahan at suporta sa pagitan ng dalawang personalidad sa gitna ng matinding pagsubok. Ang post ni Zoren Legaspi ay naging paalala sa publiko tungkol sa kahalagahan ng pagdadamayan sa panahon ng kalungkutan.
Panoorin ang video sa ibaba:

Source: Instagram
Si Zoren Legaspi ay isang aktor, direktor, at television host sa Pilipinas. Isa siya sa mga kilalang personalidad sa showbiz na nag-umpisa bilang teen actor noong dekada '80, kung saan nakasama siya sa iba't ibang youth-oriented shows at pelikula. Sa paglipas ng panahon, napatunayan ni Zoren ang kanyang husay hindi lamang sa pag-arte kundi pati na rin sa likod ng kamera bilang direktor. Sa personal na buhay, si Zoren ay kasal kay Carmina Villarroel, at sila ay biniyayaan ng kambal na anak na sina Cassy at Mavy Legaspi, na kapwa rin sumunod sa kanilang yapak sa showbiz. Madalas na hinahangaan ang pamilya nila dahil sa pagiging close-knit at wholesome nila.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nilinaw ng misis ni Zoren Legaspi na si Carmina Villaroel na wala siyang isyu sa kasintahan ng anak na si Mavy Legaspi na si Ashley Ortega. Ayon sa aktres, magalang at sweet si Ashley at dati na nilang nakatrabaho sa proyekto. Itinanggi rin ng aktres na nakikialam siya sa personal na buhay o love life ng kanyang mga anak.
Samantalang pinag-usapan nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel ang tukso sa loob ng pag-aasawa sa programang Fast Talk with Boy Abunda, kung saan inamin ni Zoren na muntik na siyang maging "marupok." Diretsahang hinarap ni Carmina si Zoren at pabirong tinukso ito nang ulitin niya ang tanong bago umamin ng "muntik na." Ibinahagi naman ni Zoren na ang kanyang matatag na pananampalataya ang tumulong sa kanya upang labanan ang tukso.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

