Jona, emosyonal na ibinunyag ang madilim na sikreto ng kaniyang pagkabata
- Ibinahagi ni Jona sa Toni Talks ang mga sakit at lihim ng kaniyang kabataan
- Inamin ng singer na nakaranas siya ng pangmomolestya mula sa sariling ama noong bata pa siya
- Matagal niyang piniling manahimik ngunit ngayon ay handa nang magsalita para sa iba pang biktima
- Hinangaan si Jona ng publiko sa kaniyang katapangan at pagpili ng pagpapatawad
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isang emosyonal at matapang na panayam ang naganap sa programang Toni Talks nitong Linggo, Oktubre 26, matapos ilahad ng Kapamilya singer na si Jona, kilala bilang Fearless Diva, ang ilan sa pinakamabibigat na sikreto ng kaniyang kabataan.

Source: Youtube
Sa unang pagkakataon, buong tapang niyang ibinahagi ang mga karanasang humubog sa kanya—mula sa masayang simula ng kanyang pagkabata hanggang sa mga panahong napuno ito ng sakit.
Ayon kay Jona, masaya ang kaniyang kabataan noong una, buo ang pamilya, at laging may halakhakan sa kanilang tahanan sa Marikina. Tatlong taong gulang pa lamang siya ay kinakanta na siya ng mga magulang sa simbahan—dito raw nagsimula ang kanyang pag-ibig sa musika. Ngunit sa edad na sampu, nagsimulang mabasag ang masayang mundong iyon.
“Dinig na dinig ko po ang sigawan, kalabugan, parang may pisikalan na,” pagbabalik-tanaw ni Jona, sabay inamin na doon nagsimula ang pagbabago sa kanilang pamilya. Hanggang sa tuluyang umalis ang kanyang ina, na bago umalis ay niyakap siya at sinabing, ‘Mahal na mahal ko kayo.’
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Mula noon, naging tahimik at sarado raw siya. Ngunit ang pinakamatinding sugat ay nangyari nang umalis ang ina. Dito ibinunyag ni Jona na siya ay minolestiya umano ng sariling ama.
“Noong bata ako, at 10 years old, naging biktima rin ako ng molestya… from my father,” emosyonal niyang pahayag. Ayon kay Jona, tila huminto ang mundo nang mangyari iyon. “Hindi ko alam kung sisigaw ba ako, o tama ba ‘to?”
Hindi niya ito nasabi kaninuman—hindi sa mga kapatid o kaanak. “Walang nakakaalam,” aniya. Sa halip, ipinagpatuloy niya ang pagsali sa mga singing contest, tila walang nangyari.
Ang lahat ng ito, ayon kay Jona, ay kanyang itinago sa loob ng maraming taon. Hanggang sa makilala niya ang kanyang talent manager na nagsilbing pangalawang ina. Sa kanya niya unang naibahagi ang trauma.
Ngayon, handa na raw siyang magsalita — hindi lamang para gumaling, kundi upang magsilbing inspirasyon sa mga kababaihang nakaranas din ng pang-aabuso.

Read also
Babae, patay natagpuan sa loob ng simbahan sa Cebu; pari, pansamantalang ipinasara ang simbahan
“Ngayon ko na-realize kung bakit ako tinawag na Fearless Diva,” sabi niya. “Kasi natutunan kong tumayo at harapin ang mga sakit ng nakaraan.”
Sa pagtatapos ng panayam, marami ang pumuri kay Jona sa kanyang tapang at pagpapatawad, isang hakbang na nagbigay ng bagong kahulugan sa kanyang bansag bilang Fearless Diva.
Nakilala si Jona Viray bilang kampeon ng Pinoy Pop Superstar noong 2004. Matapos nito, naging bahagi siya ng GMA Network bago lumipat sa ABS-CBN bilang isa sa mga pinakatanyag na singer ng henerasyon. Sa likod ng kanyang makapangyarihang boses ay isang babae na ngayon ay ginagamit ang kanyang plataporma upang magbigay ng inspirasyon at lakas ng loob sa iba.
Noong 2022, tahasang ipinakita ni Jona ang kanyang suporta kay dating VP Leni Robredo sa halalan. Sa kanyang social media, ipinahayag niyang naniniwala siya sa lider na may “tunay na malasakit.”
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
