Mika Salamanca, may inspiring message para sa bagong batch ng PBB Celebrity Housemates

Mika Salamanca, may inspiring message para sa bagong batch ng PBB Celebrity Housemates

  • Nagbigay si Mika Salamanca ng nakaka-inspire na mensahe sa bagong batch ng PBB Celebrity Housemates sa Instagram
  • Ayon kay Mika, ang pagiging isang housemate ay isang "wonderful journey" at karanasan na hindi mapapalitan
  • Hinikayat din niya ang mga housemates na samantalahin ang pagkakataon na ito
  • Ang vlogger at dating housemate ay nagpasalamat kay Kuya, at nagpaalam bilang "your dark horse" sa naturang post

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagbahagi ang vlogger at dating housemate na si Mika Salamanca ng isang nakaka-inspire na mensahe para sa mga bagong Celebrity Housemates ng PBB: Celebrity Collab Edition 2.0.

Mika Salamanca, may inspiring message para sa bagong batch ng PBB Celebrity Housemates
Mika Salamanca, may inspiring message para sa bagong batch ng PBB Celebrity Housemates (@mikslmnc)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post, kung saan nag-upload siya ng serye ng mga throwback na pictures mula sa panahong nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya, ibinahagi ni Mika ang kanyang naging karanasan at hinikayat ang mga susunod na housemates na samantalahin ang pagkakataon.

Ayon kay Mika, ang pagpasok sa PBB House ay isang kakaibang journey at karanasan na hindi mapapalitan. Ito rin ang isa sa mga bagay na hindi niya malilimutan bilang isang former housemate.

Read also

Kuya Kim tinawag na “evangelical bully” ang netizen na sinisi siya sa pagkamatay ng anak

"I have a million things to say, but one thing is certain: it was a wonderful journey for us, and it will be for the upcoming new housemates. I'll forever reminisce about my days inside the PBB house. It truly was an experience you can't get ANYWHERE else!" aniya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ipinunto niya na ang pagiging bahagi ng PBB ay isang pangarap para sa marami, at ngayon ay may pagkakataon na ang mga bagong housemates na isabuhay ito bilang sila ay napili na.

"Praying for the next batch of housemates ni kuya and this season! It's going to be fun [for sure]! ITO PANGARAP NIYO ITO DIBA??? KUYA IS GIVING YOU A CHANCE!!!"

Pinasalamatan din ni Mika si Kuya at ang programa para sa opportunity na naranasan niya, at nagpaalam siya bilang "your dark horse."

Ang mga larawang ibinahagi ni Mika ay nagbigay glimpse sa kanyang makulay na PBB journey, kasama na ang casual na sandali sa living room ng Bahay ni Kuya, ang masayang group photo kasama ang mga kapwa housemates, at ang kanyang pormal na look sa Big Night noon kasama si Brent Manalo. Ang mensahe ni Mika Salamanca ay isang paalala na hindi lamang isang laro ang PBB, kundi isang once-in-a-lifetime na pagkakataon na dapat pahalagahan.

Read also

Emman Atienza opened up about anxiety and hate online in her final Instagram message

Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Si Mika Salamanca ay isang Filipina actress, vlogger, at social media influencer. Unang nakilala si Mika bilang isang YouTuber noong 2017 at dito niya ipinakita ang kanyang lifestyle at song covers. Mabilis din siyang nakakuha ng higit 4.5 million subscribers sa kanyang YouTube at pati na rin sa iba pang social media platforms. Noong 2025 naman, sumabak si Mika sa reality show na Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, kung saan kinilala siya bilang Big Winner kasama ang kanyang duo partner na si Brent Manalo matapos manalo sa finale ng nasabing programa.

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong July ay labis na hinangaan si Mika Salamanca dahil sa kabutihan ng kanyang puso. Kamakailan ay ipinost ng Sparkle Artist Center ang ginawa na ito ni Mika. Matapos kasing manalo sa 'PBB' ngayong taon, inilaan ni Mika ang P1M niya sa orphanage. Dahil dito ay marami ang pumuri sa desisyon na ito ng vlogger-actress.

Read also

Huling post ni Emman Atienza, binalikan ng netizens matapos ang malungkot na balita

Samantalang ay nag-viral si Mika Salamanca matapos niyang gawan ng updated version ang isa sa kanyang mga iconic na video. Nag-umpisa ang kasalukuyang trend nang i-repost ng mga netizen ang video ni Mika habang kumakanta ng 'Sino Nga Ba Siya' na una nang naging viral noon. Hindi naman nagpahuli ang Kapuso star sa pakulo at nagbiro pa nga online.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco